TMV 2. human world

3 1 0
                                    

lumabas ako sa isang portal na naka suot ng jacket at jeans. nasa isang gubat ako, kinuha ko naman sa bag pack ko ang isang sun glasses, buti na lang nag sun block ako! ang init pala dito!

naglalakad lakad ako ng may maamoy akong mga bampira, oo MGA dahil apat sila, at sa amoy ng balat nila, mga noble sila.

tumakbo ako ng mabilis at natagpuan ko ang isang bahay na hindi ganun kalaki, nasa labas ang isang lalaki na handa ng sumugod.

"nobles" sabi ko at ngumiti.

"sino ka? isa ka bang revet!" aba! anong tingin nya sakin abnormal?

ang mga revet ay mga abnormal na bampira na naninirahan sa mundo ng tao, sa gubat sila madalas mag tago dahil pinapatay sila ng mga normal na bampira, haha.

"hoy! alam kong matanda kana pero mag bigay galang ka sakin! ako si Claire Stephen! ang Prinsesa ng South!" agad naman syang lumuhod sa harap ko at lumabas na din ang pamilya nito, at ginaya ang ginawa ng lalaki.

"Princess Claire, patawad sa aking mga nasabi, kami ay taga bantay sa portal na ito" sabi nung lalaki at tumayo na.

"ah.. nga pala, anong balita sa nawawalang prinsipe?" malay nyo alam nila diba? kasi tiga bantay daw sila ng portal.

"paumanhin mahal na prinsesa ngunit nakatakas ang noblet na iyon, siguradong plinano nya ng matagal yun, ngunit ng makaharap namin sya ay natalo kami at ito ang naiwan" inabot naman nya sakin ang kalahating maliit na bilog, kulay peach ito.

"iyan ang kabiyak ng kwintas ng nawawalamg prinsipe, sinubukan na naming hanapin sya ngunit sadyang mailap ang amoy ng kabiyak ng kwintas, siguradong naka tago itong mabuti, ikaw na nag iisang prinsesa ang makakahanap sakanya lalo na na galing ka sa South, ang malakas na lahi ng bampira, mag ingat ka mahal na prinsesa dahil maamoy ng mga revet ang balat mo, lumayo ka sa mga gubat na lugar." mahabang litanya nya. yeah whatever.

"sige bye bye!" paalam ko at umalis na! nanganga naman sila, bakit? hindi naman kasi ako yung tipo ng prinsesa na maka luma ang pananalita at ang galaw, duh?

tulad ng sinabi ng lalaking noble ay agad akong umalis sa gubat na iyon at napadpad ako sa mataong lugar at wow! there's so much fresh blood! pero dahil prinsesa ako kailangan kong sundin ang batas!

"Hi miss bago ka dito?" tanong sakin ng isang babae, napatingin naman ako sa paligid, napapaligiran ako ng madami at matataas na building, pare pareho din ang suot ng mga tao, nasaan ako?

napalingon naman ulit ako at hindi namalayan na naka pasok na pala ako sa isang gate.

Shine spring academy

so? school pa ito? hala! tapos naka pasok ako!

"ouch!" sabi ko dahil napa upo ako sa sahig nabunggo kasi ako ng isang lalaki.

"hindi mo man lang ba ako tutulungan?" tanong ko dahil naka tingin lang sya sakin.

"kasalanan mo yan dahil lampa ka!" sabi nito at umalis na.

"aray!" sigaw ko, paano ba naman tapakan daw ba ang kamay ko! lagot ka sakin akala mo ha! hahanapin kita.
--------

"tawagin ba naman akong lampa?" inis na tanong ko sa sarili, nag lalakad ako dito sa parang market ata to, malakas pa ang ulan, grabe! nabasa na lahat ng gamit ko!

"Hija? okay ka lang?" tanong sakin ng isang babae na hindi naman ganun kagandahan, pero okay na din.

"okay lang," sagot ko at tumingin sakanya, mukha namang mabait sya.

"nag layas ka ba sa inyo? bakit ang dami mong dalang bag?" ay! chismosa pala ang babae na to!

"wala na po akong pamilya, inabando na po nila ako" wow! what a great lie Claire! never magagawa ng parents mo yun!

"gusto mo bang dun ka muna sakin? dalawa lang naman kami ng anak ko sa bahay" wow! talaga? iniimbita nya ko na dun sakanila tumira? napaka bait talaga ng mga tao!

"okay lang po ba?" tanong ko sakanya. tumango naman sya at ngumiti sakin.

binaybay na namin ang daan papunta sakanila, medyo malayo din ay medyo konti lang ang bahay dito hindi katulad dun sa malapit sa school na dikit dikit na ang mga bahay.

"akin na ang mga damit mo sa bag, mga basa iyan sigurado ako, kaya lalabhan ko na at ilalagay sa dryer" teka? ano yung laba?

"po?" tanong ko sakanya dahil hindi ko talaga maintindihan.

"naku Hija! wag kang mahiya! akin na" kinuha na nya ang bag ko at inilabas ang mga damit ko, at na gets ko na yung laba, yung ay ang paglilinis ng damit, maka luma kasi sa palasyo kaya hindi ko alam ang mga term dito, pero okay na din to, for sure marami akong matututunan.

"dito ka muna sa kwartong ito, medyo marumi pa iyan dahil wala namang gumagamit, sa kabila naman ay ang kwarto ng anak ko at ang nasa baba ay kwarto ko." sabi nya at iniwan na ko sa medyo masapot na kwarto, bakit kaya nasa ibaba ang kwarto nya? pwede namang yung guest room ang nasa ibaba.

no choice ako kundi mag linis, gosh! I never done this before! nasanay ako na may noblet ako! hindi ko naman pwedeng gamitin basta basta ang powers ko baka mahuli ako itaboy pa ko ng babae na yun, oo nga pala hindi ko pa nalalaman ang pangalan nya.

"Ma! andito na ko!" napatigil naman ako sa pag lilinis, napatingin kasi ako sa bulsa ko dahil parang may kumislap doon.

kinapa ko ang bulsa ko at nakita ang kalahati ng bilog na kulay peach, ito yung kabiyak ng kwintas ng prinsipe kailangan ko itong itagong mabuti.

inilagay ko sya sa kwintas ko kasama ang isa pang pendant na ibinigay ng aking ama, para hindi daw ako maamoy bilang isang bampira.

pagkatapos kong mag linis ay bumaba na ako at naabutan ko yung babaeng tumulong sakin na nag luluto sa kusina habang meron namang isang lalaki sa lamesa na nag babasa ng libro, a vampire book, bakit sya nag babasa nun?

"oh Hija? sigurado akong pagod ka sa pag lilinis, halika, maupo kana maluluto na ito." sabi nung babae kaya naupo na ako sa harap nung lalaki pero, kapag minamalas nga naman sya! hindi ko na sya kailangan pang hanapin! hahaha.

"ma! bakit nandito ang babaemg lampa na to!?" sigaw nya, wow lang ha! makalampa sakin! pasalamat sya dahil gwapo talaga sya! hmp!

"anak be gentleman! babae yan oh! tsaka wala syang pamilya naawa ako sakanya kaya pinatira ko muna sya dito" umirap na lang ang bwisit na lalaki na to, bading ba sya? haha.

"oh! kain na tayo!" napatulala naman ako, pagkain ng tao! hala! hindi ko ata kakayanin to!

"bakit hindi ka pa kumain Hija? masarap iyan! paborito nga ni Mark iyan eh!" tinignan ko naman ang nakahain, mukha syang bulating mahaba na may sabaw ng gatas na may konting damo at karne ng baboy.

"taong bundok ka ba? Carbonara yan! masarap yan hindi nakakamatay!" sabi ng epal na lalaki na to! bwisit!

wala na kong nagawa at kumain na lang, okay lang naman yung lasa pero hindi lang talaga ako sanay kumain ng ganito.

"ako nga pala si Shena at ito ang anak kong si Mark Sy" okay, Shena ang pangalan nya.

"ako po si.. Claire..uhm.. Claire Vega!" kailangan kong gumamit ng ibang apelido, wala lang trip ko lang, haha.

The Missing VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon