TMV 3. Celestine

2 1 0
                                    

"malapit na po ba tayo?" iyan ang paulit ulit na tanong ko kay tita Shena, tita na lang daw eh. kanina pa kaming lakad ng lakad dito kasama tong panget na lalaki na to.


"malapit na" sabi ni tita Shena at hinawi ang isang nakaharang na malaking dahon at tumambad samin ang isang lugar na napaka daming building at maraming sasakyan I guess ito na ulit yung city!


sumakay kami sa isang bus at sumakay ng tricycle, nung una ay ayaw kong sumakay dahil sa kotse ako laging sumasakay kapag gumagala kami sa mundo namin pero wala akong nagawa dahil nag tatalo lang kaming dalawa ni Mark.


pumunta kami sa isang parang mansyon ang bahay, pero sisiw ito dahil triple nito ang kaharian ko sa mundo namin, pero sad to say mundo ko lang yun -.-


"magandang araw Shena, napadalaw ka? sino naman ang kasama mo na iyan? mukhang mabango ah?" hindi ako nag kakamali dahil alam kong naging pula talaga ang mata nya, at sa nakikita ko isa syang Noble Vampire, pero! bakit binanggit nya kay tita Shena ang 'mabango' hindi kaya bampira din sila? pero hindi ko sila maamoy dahil ang naaamoy ko lang ay ang babaeng panget na to!


"ah, sya nga pala si Claire Vega, gusto ko sana syang ihingi ng schoolar sa inyo katulad ng kay Mark dahil gusto ko din syang makapag aral" napa wow naman ako, ibig sabihin makakahalubilo ko na ang mga tao na nasa edad ko? yes!


"saan ba sya galing?" tanong nung babae at tinignan ako mula sa taas haggang baba. ang yabang ng babae na to! baka indi nya alam na isa akong Prinsesa!


"nakita ko lamang sya sa daan at sinabi nyang wala na syang pamilya at matitirahan" napatango naman ang panget na babae na to.


"osige tutulungan ulit kita" sabi nito at ngumiti, pero kay Mark sya ngumiti! at sa nakikita ko ngayon, may gusto sya kay Mark.


"maraming salamat Celestine" natawa naman ako sa pangalan nya, sa vampire world kasi kapag Celestine ang pangalan mo ay kabilang ka sa pamilya ng noble o royal pero isa ka lamang ampon. hahahaha! ampon pala ang babaeng ito!


"anong nakakatawa?" mataray na tanong nya sakin.


"wala naman, natawa lang ako sa pangalan mo, parang pang matanda na kasi! hahaha" biro ko pero sa totoo lang mukha na syang matanda kahit alam kong ka edad lang namin sya.


"hoy! 21 lang ako!" galit na sigaw nya at naging pula na naman ang mata nya. haha, sige lang mag paka saya ka ngayon Celestine dahil hindi mo pa ako nakikilala dahil kapag hinamon mo ako sisiguraduhin kong ipapakilala ko na sayo kung sino talaga ako!


"Mark! i-tour mo ko sa school ha?" pa cute na sabi ko at umakbay kay Mark, nakita ko naman na nagulat sya, pero inaasar ko lang naman ang panget na babae na to, dahil ngayon ay umuusok na talaga ang ilong nya, hahahaha.


"oo sure wala ka pa namang kakilala doon" aba! himala? biglang bumait ang lalaki na ito! siguro ay napapansin nyang gusto sya ni Celestine pero wala naman syang nararamdaman para dito, oh.. poor Celestine.


"sige, aalis na kami" paalam ni tita Shena ngunit nakakailang hakbang pa lang kami ay sumigaw si Celestine.


"sandali Noblet!" nanlaki ang mata ko at humarap kay Celestine.


"Noblet?" gulat na tanong ko sakanya at tumingin kay tita Shena, Ooop! wrong move! baka mapaghalataan nila na may alam ako.


"I mean, anong Noblet? yun ba yung cartoons?" gusto ko na sanang matawa sa sinasabi ko pero kailangan kong mag pigil para hindi malaman ang sikreto ko.


"wag ka na ngang mag tanong! ikaw Shena! gusto kong pag usapan na natin ang kasalan namin ni Mark!" aba! demanding pa itong babae na to! ay? desperada pala!


"ayokong ikasal sayo! hindi kita gusto!" sigaw sakanya ni Mark. tinignan naman sya ng kanyang ina na mukhang nag aalala.


"kung ganun ay hindi ko bibigyan ng schoolarship ang babaeng iyan!" tinuro nya ako, nilapitan ko naman sya ng dahan dahan at ginamit ko ang aking kapangyarihan upang makalimot sya.


"ano kasalan? tsaka? kakasabi mo lang? tutulungan mo ko sa schoolar ship!" malambing na sabi ko.


"ha? ah oo! anong kasalan? wala naman akong sinabi at kanino? kay Mark!? duh! sayang lang ang ganda ko dyan!" napa smirk naman ako, how I miss using my powers.


"aalis na kami binibining Celestine.." pag kalabas namin ay naka rinig kami ng ilang sigawan ng mga maid, dahil panigurado ay hinimatay na ang babaeng iyon. ganun talaga ang epekto kapag ginagamit ko ang kapangyarihan ko na mag bura ng alaala, pwedeng ako ang mahimatay  o kaya ay ang ginamitan ko, at luckily, sya ang tinamaan! haha, kailangan ko pa palang i-practice ang kakayaan ko na yun. tss.


"so? tara Claire, mag sukat kana ng uniform mo at ibibili na din kita ng gamit para sa school, hay, mag aral ka ng mabuti ha?" napangiti ako, sa wakas! good bye human topic na ako dahil malalaman ko na din ang mga pinag aaralan ng mga tao!


"ano ba ang gusto mong course?" napa isip naman ako sa tanong ni tita, ano nga ba? eh wala naman akong alam pag dating sa ganun.


"gusto ko po sana yung uhm... uhm.." gosh! ano bang sasabihin ko!


"itulad nyo na lang sya sa course ko para di na din ako mahirapan na hanapin pa sya sa school!" sabi ni Mark na nag mamadaling mag lakad, nakita ko naman na may nalaglag na maliit na libro sa bulsa ng jacket nya, pinulot ko yun at tinignan.


"how do they vampires live?" bakit sya may ganitong libro? mukhang kailangan ko atang mag imbistiga! argh!


"hoy babae! dalian mo nga!" wala na akong nagawa kaya tumakbo na ako para mahabol sila. tao nga ba ang mga ito? o baka naman gusto lang tawagin ni Celestine ang mga ito na Noblet dahil nasanay na sya sa mundo ng bampira? waaaahh!! kailangan ko ata ng mga Vladir dito para malaman ang totoo! pero dugo ang naaamoy ko sakanila at hindi ang balat nila! sasakit ang ulo ko kakaisip sa mga nangyayari! bahala na nga kung ano ang totoo! basta mag e-enjoy muna ako dito sa mundo ng mga tao.


"ang nawawalang prinsipe kailangan mo syang hanapin.. ikaw lang ang makakatulong samin.."


muling sumagi sa utak ko ang sinabi ng Reyna ng North! ano ba yan! isa pa yun! bakit kasi nawawala pa sya! kaasar naman!


"bakit na sayo ang libro ko?" nagulat naman ako ng nasa harapan ko na si Mark, spaced out lang ba talaga ako o sadyang mabilis sya?

The Missing VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon