TMV 4. Revet

4 1 2
                                    

masaya ako ngayon, oo masaya talaga! dahil ito ang unang araw na makakapasok ako bilang student sa unibersidad ng mga tao! diba ang saya saya? napaka daming mga tao na kasing edad ko lang kaso sadyang naiiba ang kulay ko sakanila, halata sa mga balat nila ang dugong dumadaloy sa buo nilang katawan.


"hoy! ano ba? sasabay ka ba saking umuwi o hindi?" ay? nakalimutan ko pa lang kasama ko si Mark, at oo uwian na namin, ang bilis nu? at isa pa itong lalaki na ito ay excited na excited umuwi!


"hindi ba tayo pwedeng mag stay pa? 4:30 pa lang naman ng hapon!" pag pigil ko sakanya.


"baka nakakalimutan mong malayo ang bahay natin!?" nakakaasar ang lalaki na ito! lagi na lang galit!


"eh bakit 45 minutes lang naman ng byahe ah?" kaasar kasi! akala mo namang gagabihin kami ng sobra!


"hoy Claire! hindi ako nag c-commute tuwing umuuwi! nag lalakad lang ako!" napa nganga naman ako sa sinabi nya, at iniwan na nya ko, what the? seriously? nag lalakad lang sya pauwi? it means na mag lalakad din ako??


"ano ba? iiwanan na talaga kita!" wala na kong nagawa kundi ang humabol sakanya..




nag lakad lang kami ng nag lakad inabot na ata kami ng isang oras pero wala pa kami sa kalahati.


"pagod na ko Mark! bakit kasi nag lalaakd ka tuwing uwian!?" ano ba naman kasing trip ng lalaki na to!


"kung ayaw mo edi wag kang sasabay sakin!" sabi nya at pumara ng isang sasakayan na padating.


"o ito pamasahe! mauna kana! hindi yung reklamo ka ng reklamo!" nagulat naman ako ng ilagay nya sa kamay ko ang pera.


"paano ka?" syempre mamaya magalit sakin si Tita Shena eh!


"sige sumakay kana! malaki na ako, kaya ko na sarili ko!" sabi nya at tinulak tulak pa ko, napaka gentleman talaga ng lalaki na ito!


wala na din akong nagawa at nag hanap na ng mauupuan mabuti na lang at mayroon pang vacant seat, sa pag kakatanda ko, bus ang tawag sa sasakyan na ito.


pag ka upo ko ay inilabas ko ang aking mahiwagang notebook na puno ng sekreto, haha joke lang, sinusulat ko kasi dito ang mga tula o kaya lyrics ng kanta na pumapasok sa isip ko, hmm? wala pang mga title ito, ano kaya ang maganda?


napadako naman sa bintana ang tingin ko, puro puno ang magugubat lang ang makikita mo sa bawat dinadaanan madilim na din ang kalangitan, sana okay lang si Mark malalagot talaga ako nito kay Tita. habang nakatingin sa bintana ay hindi ko makita ang reflection ko, malamang! bampira ako eh! pero nakapag tataka dahil hindi ko din makita ang reflrction ng katapat kong upuan, lumingon ako sakanya at nakita ko ang isang lalaki na nakatitig sakin habang nakangiti, baliw ba to? pero hindi sya baliw! alam ko! abnormal sya! nararamdaman kong isa syang revet!


nag patuloy ang byahe ko at nararamdaman ko pa ding nakatingin sya sakin, at sa wakas ay natanaw ko na ang bahay namin. tumayo na ako at sinabing dito na ako baba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Missing VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon