Minulat ko ang aking mga mata.
Hmmmmm, nasaan na ba ko? mundo na ba to ng mga tao?
"Mabuti naman at gising ka na." bumungad ang isang lalaki. Matangkad sya, may itsura din naman. di hamak lang na mas gwapo ako kaysa sa kanya.
"Sino ka? Nasaan ako?" tanong ko sa kanya.
"Nandito ka sa mundo ng mga tao. Eto ang shop ako. Ako nga pala si Apollo."
"Apollo? Parang narinig ko na ang pangalan na yan!" ang pamilyar ng pangalan nya. alam ko narinig ko na talaga yun e.
"Malamang narinig mo na! Galing din ako ng Olympus."
"Aha!! Sinasabi ko na nga ba. ang matalinong si Apollo. At ano naman ang ginagawa mo dito? Gumawa ka din ba ng kapalpakan kaya ipinadala ka ni Zeus dito?"
Ang alam ko kasi yung mga pinaparusahan ang pinapadala sa mga misyon.
"Ako ang god of intelligence, paano naman ako gagawa ng kapalpakan? Ang totoo nyan ay ipinadala ako ni Zeus dito para bantyan ka." -Apollo
"Bakit kailangan ko pa ng bantay? Alam ko naman kung ano ang dapat kong gawin dito." -ako
"Pwede din naman kitang tulungan. Pero kung ayaw mo ay ayos lang. Babalik nalang ako ng Olympus at bahala ka na dito mag isa." -Apollo
Ano babalik sya? Teka hindi yun maaari. Matalino itong si Apollo. Kaya baka may maisip syang paraan kung pano madaling matatapos ang misyon ko dito para makabalik na ako kaagad sa olympus.
"Pwede ka namang manatili dito. At kailangan ko ng tulong ng isang matalinong tulad mo!" -Ako
"Madali naman akong kausap. :)" -Apollo
Mabuti naman at pumayag sya, ang kailangan nalang ay umisip ng paraan kung paano matatapos ng mabilis ang misyon ko.
Hmmm, teka may naaamoy ako ang bango.
"Apollo, ano yung naamoy ko na yun? napakabango."
"Yung kape ba ang tinutukoy mo?"
"Huh? anung kape?"
"Isa kasi tong coffee shop. Mga coffee drinks ang binibenta kaya malamang sa malamang ay amoy kape nga dito." tumayo sya sa kinauupuan nya at pumunta doon sa may gilid ng table.
"O eto uminom ka muna." binigay naman nya yung isang tasa ng kape daw.
Inamoy ko muna.
"Hmmmm, ang bango nga. Pero bakit ganito ang kulay? Maitim, ligtas ba tong inumin?"
"Oo naman, hipan mo muna at mainit." hinipan ko muna yung kape tapos ay dahan dahan kong ininom.
"Aaaack!! bakit ganito?? ang pait?" pagrereklao ko sa kanya.
"Haha.. mapait talaga yan."
alam naman palang mapait pinainom pa sa akin. -___________-
"Eh kung ganun bakit pinainom mo pa sakin?"
"Alam mo kasi ang pag-ibig parang kape yan."
"Ano namang kinalaman nito sa pag ibig? ako si Cupid! bakit ni hindi ko man lang alam ang pagkakahalintulad ng kape sa pag-ibig?"
BINABASA MO ANG
The Fallen Cupid
RomanceCupid's job is to make people fall in love. In order to do this, he must find the best partner to be paired. From a shot of his arrow, LOVE starts, but in order to make it work the other one must give back and share the same desire of love. He's a m...