VIII

44 0 0
                                    

“Teka, sino ka pala? Nasaan ako?” nagtatakang tanong ni Psyche.

Kaya hindi ko magawang maging masaya ng lubusan ay dahil dito.

Gumawa si Aphrodite ng paraan para mailigtas ang buhay ni Psyche. Kapalit nito ang pagbura ng alaala ni Psyche sa pagkakakilala nya sa akin.

Napakasakit isipin na parang yung puso ko naman ang namatay sa kadahilanang hindi na ako kilala ng babaeng mahal na mahal ko. Hindi na nya malalaman pang minahal nya ako, wala na sa alaala nya ang masasayang panahon naming dalawa, wala ng Eros sa buhay nya.

Pero ayos na din siguro to, para makalimutan ni Psyche yung sakit na idinulot ko sa kanya.

“Paalam Psyche.”

**********************************

Panaginip, panaginip nanaman pala. Pinunasan ko ang basa kong pisngi, umiiyak nanaman ako ng hindi ko namalayan.

sa twing matutulog kasi ako ay parati kong napapanaginipan si Psyche at ang huling araw na nakita ko sya.

Isang linggo akong nagbantay sa kanya sa hospital, hindi ako umaalis doon. Wala namang problema dahil walang nakakakita sa akin.

Sa isang linggo na iyon ang tanging hiniling ko ay ang kaligtasan ni Psyche, na maibalik ang buhay nya. Pero natatakot din ako dahil sa araw na magising sya, ay mawawala na ang lahat.

Hanggang sa dumating na nga ang araw na iyon. Wala na ako sa alaala nya. Sobrang sakit ng alaalang iyon, pero paulit ulit ko namang napapanaginian. Kaya paulit ulit din na dinudurog ng alaalang iyon ang puso ko.

Tumayo na ako mula sa ilalim ng punong sinandalan ko ng natulog ako. Lumapit ako sa mirror lake at pinagpatuloy ang trabaho ko.

Ganito nanaman ang buhay ko, balik sa dating ako. Wala na akong ibang ginawa kundi gawin ang trabaho ko sa buong araw.

Pero hindi tulad ng dati, ngayon ay masinsin ko ng pinag aaralan ang taong ipagpapares ko. Natuto na ako sa kapabayaang ginawa ko.

Naranasan ko na kung paano masaktan sa pag-ibig, kung paano halos madurog ang puso mo sa sobrang sakit na nararamdaman mo. Ayoko ng maranasan pa yun ng maraming tao kaya naman sinisigurado kong hindi na kailanman ako magkakamali.

Pero minsan, hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya sa trabaho ko. O talagang parusa na saakin na panuorin kung paano maging masaya ang mga tao ng dahil sa pag-ibig habang ako naman ay lubhang nasasaktan ng dahil sa pag-ibig.

Lumapit si Aphrodite sa tabi ko.

“Eros, kamusta ka na?”

“Eto, tulad pa rin po ng dati. Pinipilit ko naman na makalimutan eh, pero sadyang napakahirap palang kalimutan nung taong naging dahilan para matuto kang magmahal. Minsan ina, iniisip ko, bakit ba ako ang naging Cupid? Bakit ako ang god of love? Samantalang ako mismo ay hindi man lang maging masaya sa pag-ibig?”

“Alam mo Eros, hindi masakit ang magmahal. Masarap ang magmahal. Alam mo kung ano yung masakit? Yung mahalin yung hindi naman nakalaan para sa’yo.”

“Tanggap ko naman po na isa akong imortal, at si Psyche ay isang mortal kaya hindi kami pwedeng magmahalan. Nakakainis lang din na isipin kung bakit kailangan pang mangyari yun, bakit kailangan ko pa syang makilala, bakit kailangan ko pang maramdaman na mahal ko sya kung hindi naman pala pwede?”

“Naniniwala ka ba sa destiny?” tanong ni Aphrodite.

“Tinanong ko na din po yan kay Apollo dati eh. Ang gulo naman ng sagot nya.”

“Haha, alam mo naman yun si Apollo malaki ang utak. Pero alam mo Eros, naniniwala ako na may rason ang mga bagay bagay. May rason kung bakit ka napunta sa mundo ng mga tao. May rason kung bakit mo nakilala si Psyche. May rason kung bakit mo sya minahal. It’s Either para matuto ka sa mga pagkakamali mo sa nakaraan, o dahil may nakaplano pa para sa inyo sa hinaharap.”

“Wala na po kaming hinaharap ni Psyche. Hindi nya na ako naaalala. Wala ng Eros sa buhay nya.”

“Basta naniniwala ako na darating ang araw na makikita mo rin ang taong makakapagpasaya sa’yo Eros, makikita mo rin ang itinakda para sa’yo. Makikita at makikita mo sya, yun ang tinatawag na destiny.”

“Sana lang pag dumating yung araw na makita ko sya, maging masaya na ako, kami.”

Kahit magulo kausap si Aphrodite ngayon dahil ang layo ng mga sinasagot nya sa mga tanong ko, may ilang bagay naman na natutunan ko. Kailangan kong tanggapin ang mga nangyari. Balang araw ay malalaman ko rin kung bakit naganap ang  mga bagay na ito.

The Fallen CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon