CHAPTER 10: Signature [?]

23 0 0
                                    

Chapter 10: Signature [?]

*Niko’s POV*

Kaharap ko na naman ang babaeng malalaki ang glasses. Yes, si Miss Nerd. Bakit ba every time na nakikita ko siya, all I see is a girl na flat-chested, badoy manamit. Tsaka.. Nerd. Bakit ba ayaw ko talaga sa kanya? Ewan ko ba. Parang gusto ko yata siya tirisin na parang isang kuto. Yes. I hate her like hell.

Pero para yatang pinaparusahan ako ng langit. Oo, parusa ito sapagkat kapag hindi siya ang PA ko, tapos na ang College life ko. Mas gusto ko mag-aral ng kolehiyo kaysa magpaPogi parati para sa press. Hindi naman ako sigurado kung panghabang-buhay itong kasikatan ko. Hindi natin alam na mangyayari ang isang bagay na kinatatakutan ko, ang maging laos na bituin. Ano naman ang gagawin ko kung mangyari man yun di ba? Ayoko ko naman humingi ng pera kay Kuya Toby no!! Never.

Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi..

 *FLASHBACK**

We were at the dining table and everything was ready. Sila Mama nalang at Papa ang kulang. Tsaka yung Kuya ko. Our dining room was very bright. I mean, literally, may chandelier sa ibabaw ng lamesa. May mga Scented Candles sa gitna ng lamesa at medyo elegante ang setting ng dining table namin.

Masaya kaming nag-uusap tatlo nung dumating sila Mama at Papa kasama si Kuya Toby. Natahimik kaming. Ewan ko ba. Di ako kumportable na makasama sa iisang bubung si Kuya Toby. Parang yelo at apoy kaming dalawa. Hindi kami magkasundo sa ano mang bagay. Ako lang ang palaging mali sa kanya. Palagi akong palpak at walang magawang matino sa paningin niya. In short, ako ang black sheep sa pamilya niya. Palagi naman ganito e kaya nasanay na ako. I always end up fighting with him even though ginagawa ko na ang lahat para mapasaya ko siya. But despite on how cold he treats me.. mahal ko parin kahit papaano ang Kuya ko. Kuya ko siya e!

“Nandito na pala ang lahat.” Sabi ni Papa. Umupo sila sa mga upuan sa lamesa. Tahimik ang lahat except ni Emily na nakaupo sa tabi ni Mama. Katabi ko si Harry sa left ko at katabi naman ni Papa si Kuya.. which means, nasa right ko si kuya.

Ganito oh:

                      Papa

Kuya Harry          Mama

Me                          Emily

Harry

“Matanong ko nga pala, nasaan na si Emily?” tanong ni Mama sa amin.

Emily raised her hands, “Mommy!! I’m here!!” she giggled.

Kumunot ang noo ni Mama pero ngumiti siya kay Emily kahit papaano, “Not you my dear Princess, si Ate Emily mo ang tinutukoy ko.”

Oy, si Miss Nerd pala.

“Umalis na siguro Ma, di nakayanan ang kamachohan ko.” Biro ni Harry. Tumawa siya ng malakas pero walang sumabay sa kanya sa pagtawa.. maya-maya’y tumigil na ito, “S-sorry po.” Bulong niito.

“Yes, you should be.” Kuya Toby answered in a grumpy way, “Seryosong nagtatanong si Mama sa inyo tapos ganyan ang isasagot mo?” he rolled his eyes.

Bakit ba ganyan ang trato ni Kuya sa amin?? Kasing lamig ng yelo.

“Nagbibiro lang naman po ako e.” pabulong na sagot ni Harry.

“Wag ka nalang sumagot pwede? Sumasagot ka pa e.” he was glaring at him. Galit na galit si Kuya kay Harry.

“Wag mong awayin ang kapatid ko. You don’t have a right to say such thing to him!” I exclaimed. Napuno na kasi ako  nung time nay un.

The Superstar's YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon