True stories, Problems and Advice.♥

169 5 4
                                    

His Eyes♥ (TS)

Naalala mo pa ba nung una tayong nagkita?

Kasama ko ang mga kaibigan ko at nakatambay kami sa tapat ng bahay namin habang ikaw naglalaro ka ng basketball nun kasama ang mga kaibigan mo. Ang galing-galing mo pa nga e. Naka-3 points ka nun nang bigla kang napatingin sa gawi ko at nagkatinginan tayo. 

Nung nagkatinginan tayo, Para bang may connection yung mga mata natin. Bigla kang nag-iwas ng tingin dahil binato ka ng bola ng kaibigan mo dahil nakatunganga ka daw. Hindi ko tuloy maalis ang mga mata ko sayo, Umaasang tumingin ulit saakin ang maganda mong mata na kakaiba. Habang naglalaro ka hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit sobrang pawis na pawis ka na ang gwapo gwapo mo pa din.

Pero bigla kang tumigil sa paglalaro at parang nagpapaalam ka na sa mga kaibigan mo. Hindi nga ako nagkamali at nagmamadali kang  pumasok sa bahay niyo. Tumingin ako sa bintana ng bahay niyo umaasa at nagbabakasakaling sumilip ka pero nahimasmasan ako nang bigla akong itulak ng isang kaibigan ko at tinatanong nila kung bakit ako nakatingin dun sa bintana niyo siguro hinihintay ko daw sumilip dun ang pinsan mo. Pero mali sila, Ikaw ang gusto kong makita hindi ang pinsan mo.

Pagkatapos nun hindi na kita ulit nakita at hanggang ngayon inaasar padin ako ng mga kaibigan ko sa pinsan mo. Naiinis na ako sa kanila dahil hindi naman siya ang gusto ko dahil ikaw ang totoo kong gusto.

Alam mo bang gustong-gusto na kita makita nun? May oras pa ngang matutulog na lang ako pero malalaan pa ako ng oras ko para isipan ang mga mata mo, para isipin ka. Kaya pati sa panaginip ko ikaw ang bida.

Lumipas ang mga araw, Naging close ko ang pinsan mo at unti-unti ko siyang nagugustuhan dahil siya ang palagi kong kasama. Inamin niya din na may gusto na siya saakin dati pa at gusto niya daw akong ligawan. Ang dami kong nalaman na tungkol sa pamilya mo, tungkol sayo.Nalaman ko din ang pangalan mo at bagay na bagay sayo ang pangalan mo.

Dumating ang araw na dapat sasagutin ko na ang pinsan mo kaso nakita na naman kita. Napako na naman ako sa kinatatayuan ko nun dahil nakita ko nanaman yung mga mata mo. Yung mata mong mahirap basahin na parang ang daming sekreto at madaming gustong sabihin. Nung mga oras na yun parang tayo lang dalawa ang nandun para bang walang tao sa paligid natin.

Napatingin ka saakin at kumunot ang mga noo mo siguro dahil nagtataka ka kung bakit nakatitig ako sayo. Ngingitian sana kita kaso tinawag ako ng pinsan mo. Tumingin ulit ako kung saan ka naroroon pero wala ka na. Umalis ka na.

Kinabukasan inaya ako ng kaibigan ko na sumama sa kanya dahil may pupuntahan daw siya. Ayoko sana sumama pero nagpumilit siya kaya sumama na ako. Maya-maya dito pala kami pupunta sa Mall at nagulat ako nang sinalubong mo kami. Nalaman ko na kayo pala. Gusto ko sanang umiyak sa harapan niyo at sabihing ang sakit pero hindi ko magawa dahil wala naman akong karapatan. Inisip ko tuloy na kaya ako sinama ng kaibigan ko ay para ipamukha saakin na tigilan ko na ang pagkagusto sayo pero wala naman siyang alam e.

Ang dami nating ginawa nun. OP na OP ako sa inyo dahil kadalasan kayong dalawa lang nag-uusap. Holding Hands While Walking (HHWW) pa nga kayo e. Sobrang sikip na ng dibdib ko dahil sa nakikita kong sweetness niyong dalawa. Kumain na tayong Jollibee dahil nagutom ang kabigan ko, katapat kita at katabi mo ang kaibigan ko. Nag-order ka na ng pagkain at naiwan kaming dalawa ng kaibigan ko. Tinanong ko ang kaibigan ko kung kelan pa naging sila kahapon lang pala at sinabi niya na ang swerte swerte niya dahil ikaw ang naging boyfriend niya. Dumating ka na kasama ang order natin. Nagsimula na tayong kumain at nagsusubuan pa kayong dalawa. Gustong-gusto bumitiw ng luha ko sa mata ko pero pinipigilan ko dahil ayaw kong makita niyo na nasasaktan ako. Sumubo ako nun ng Spaghetti at napatingin ako sayo at nagulat ako nang nakatingin ka sakin nabulunan tuloy ako at binigay mo agad saakin ang softdrinks at pagkatapos kong uminom pinunasan mo ang labi ko na may Spaghetti pala gamit ang tissue. Ayan na naman yung mata mo lalo tuloy akong nahuhulog sayo. Napatingin ako sa kaibigan ko kung anong reaksyon niya sa ginawa mo kung nagalit ba siya. Tama nga ako nakakunot yung noo niya. Iniwas ko tuloy yung tingin ko sainyo.

True stories, Problems and Advice.♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon