Gusto... (P&A)

61 1 4
                                    

Gusto...(P&A)

Problem:

Hi po. Nakita ko po kasi yung kay Ms. Flappybird sakto pong may problema ako kaya naisipan ko pong manghingi ng advice. Itago niyo na lang po ako sa pangalang Chinita Princess. Meron po kasi akong kaklase na palaging tingin ng tingin sakin, palagi niya akong kinakausap, minsan pa nga hinahawakan niya yung kamay ko, palagi siyang ngiti ng ngiti sakin, pag nagkikita kami palagi niya akong niyayakap o tinatapik, palagi niyang pinaglalaruan at inaamoy ang buhok ko, palagi niya akong sinasabihan ng maganda, tuwing may sakit ako gusto niya siya yung magdadala sakin sa clinic, hindi niya ako pinapansin at kumukunot yung noo niya pag may kausap akong ibang lalaki, palagi niya akong pinapatawa pag may problema at malungkot ako, palagi niyanh pinipisil ang pisngi ko at ako lang ang ginaganun niya maliban sa GF niya. Oo, tama kayo ng nabasa, may gf siya. Nagtataka nga po yung bestfriend at iba kong kaklase sa Inaakto niya at sinasabia nila mas mukha pa daw po kaming magsyota. Nagaaway na sila ng gf niya dahil sakin, at naririnig ko silang nag-aaway ang sabi ng gf niya layuan niya na ako pero ayaw niya, at sumigaw pa siya ng "palayuin mo na ang lahat ng babae sakin huwag lang siya". at naguiguilty ako kasi umiiyak yung gf niya. Naguguluhan na po ako. Gusto kong umiwas pero hindi ko kaya o magawa dahil nagwawala siya sa classroom namin pag hindi ko siya kinakausap. Naguguluhan na iyong kaklase ko, mas lalo ako. hindi ko na alam ang gagawin ko. oo mahal ko siya pero ayaw kong manakit.ano pong gagawin ko ms. aliengirl. please help me , thankyou. :(

Advice:

Miss Chinita Princess, That guy is inlove with you, Madly inlove with you. :) Ang kaso lang may gf siya. Hindi ka ba nagtataka? Kita naman natin na mahal ka niya pero bakit ayaw niya makipagbreak sa gf niya at ligawan ka. Ganto gawin mo, Diretsuhin mo siya, itanong mo sa kanya lahat ng gumugulo sa isipan mo ngayon at pag sinabi niyang mahal ka niya tanungin mo kung bakit ayaw niya makipagbreak sa gf niya, at tutukan mo ang magiging sagot niya, pag may nakita kang mali sa sagot niya, iwasan mo siya hayaan mo siya kahit magwala siya, siya din naman ang mapapagalitan. Yung line na "Palayuin mo na ang lahat ng babae sakin huwag lang siya" It's kinda sweet, so sweet. Pero paano na yung gf nung boy? Ayun lang yung tanong eh. Hindi mo din naman siya kayang iwasan dahil MAHAL MO DIN SIYA! Basta sumunod ka lang so flow ng nangyayari saiyo ngayon. Magiging maayos din yan. Pero isa lang ang maipapayo ko sayo: MAG-ARAL KA NG MABUTI! Bata ka pa naman siguro at madami ka pang makikilala pero malay mo kayo pala ang para sa isa't-isa. :)

Sana nakatulong ako. Youre welcome! :)

Author's Note:

Sa lahat po ng nagbasa, Huwag pong mahiya na mag-advice. Tulungan po natin siyang masolve ang problema niya. :) Salamat.

Ayun lang! Muahugs. :* Ciao! ♥

-AlienGirl

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True stories, Problems and Advice.♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon