Iniiwasan niya ako... (P&A)

129 2 0
                                    

Iniiwasan niya ako... (P&A)

Problem:

Miss AlienGirl! Itago niyo na lang po ako sa pangalang Ms.Flappybird. Sana po matulungan niyo po ako dito sa problema ko. Kasi po meron po akong bf , 8 months na kami tapos nung kelan lang he's acting weird at ang cold cold niya at hindi na siya tulad ng dati, ibang-iba na siya ngayon. Parang hindi na siya yung lalaking minahal ko. Tapos nung Feb 27, 2014 pag tuwing tinatawag ko siya hindi niya ako pinapansin at kahit nililingon man lang. Bakit ganun siya? Bakit niya ako iniiwasan? Please. Tulungan niyo po ako. Thank you po. :)

Advice:

Natawa naman ako sa codename mo Ms.Flappybird. Hmmm! Sana matulungan kita dito sa iaadvice ko. First of all, Ano ba yung huling pag-uusap niyo? Baka naman naturn-off siya sayo, May mali kang nasabi sa kanya or something. O baka naman nagseselos lang yan at kailangan ng lambing. Ganyan talaga ang mga lalaki, minsan hindi mo maintindihan. Cold na siya sayo? Ms. Flappybird, kadalasan kasi pag nagiging cold na sayo ang lalaki meaning, nakahanap na siya ng iba o talagang ayaw niya na sayo. Yung bang gumagawa siya ng paraan para ihate mo siya or ikaw na yung bumitaw. Pero sa tingin ko naman nag-iisip lang yan, kasi kung hindi ka na talaga niya mahal makikipagbreak yan sayo pero wala eh, lumayo lang siya. Try mo munang bigyan siya ng time and kapag tingin mong okay okay na siya tsaka niyo pag-usapan ang problema.

Yun lang! Sana makatulong to sayo Ms. Flappybird. You're welcome.! :)

Author's note:

May advice po ba kayo dito madlang pipol? Huwag pong mahiya icomment ang advice mo. Tulungan naman po natin siyang malutas ang problema niya.

Kung may problema din kayo, mag message lang po kayo sakin. at kung gusto niyo din magshare ng nangyari sa buhay niyo, imessage niyo lang din po. :)

Thanks sa pagbabasa! Muahugs. :* Ciao. ♥

-AlienGirl

True stories, Problems and Advice.♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon