Chapter 6

11 1 0
                                    

Charmaine's POV:

Friday na pala ngayon.

Andito pa rin tong babaitang to sa apartment ko...

"Oi Pau, di ka pa ba uuwi sa inyo?"

"Uhm...dunno."

Galing niya sumagot no? -_-

"Alis na ako ha?"

"Okay bye."

Actually maaga pa naman pero papunta na ako sa school.
Mga one hour pa bago mag-time.

"Cha!"

Alam ko na kung sinong tumawag saken.
Kilala ko na siya tutal siya lang naman ang tumatawag saken sa nickname kong Cha.

Huminto siya sa tapat ko. Nakasakay kasi siya sa kotse pero hindi siya ang nagda-drive.

"Sabay ka na samin."

Tiningnan ko naman kung sino yung babaeng kasama niya, and I found out na si anghel pala yun. -_-

"Ah nako, hindi na lang."

"Sige na sumabay ka na samin."

Psh! Si anghel na yung nagsalita, siguro kaya siya nagustuhan ni Roy kasi mabait na maganda pa.

"Uhm.. s-sige salamat."

Pumasok na ako sa loob ng kotse nila.
Wala naman din akong magagawa eh, anghel na yung nagsalita, psh! -_-

Magkatabi kami ngayon ng anghel na to.
Si Roy kasi eh nasa unahan katabi ng driver.

"Hi! Ako nga pala si Sheryl."

Nginitian ko na lang siya.

"Ah..so you're Charmaine right?"

"Ah o-oo b-bakit?"

"Palagi ka kasing nakukwento saken ni Roy eh. Ang bait mo daw, sa totoo lang, halata naman sayong mabait ka."

Nginitian ko na lang ulit siya.

"Alam mo bang matagal ka nang g---

"Ate! Wag ka ngang madaldal!"

"Oo na. Pero di nga eh, alam mo ba Charmaine na g---

"Ateeee!!!"

"Bakit? Ba't ba ayaw mo pang sabihin?"

"Psh!"

"Roy hinaan mo nga yang boses mo. Masakit sa tenga!"

"Kung di ka sana nag-ingay kanina eh di sana di rin ako nag-ingay."

"Fine! Ako nang may kasalanan."

"Ah maam, sir andito na po tayo."

Nauna nang bumaba si Roy tapos pinagbuksan niya ako ng pinto tapos nginitian niya ako.

"S-salamat. Salamat din sa pagsabay saken papunta dito sa school."

"Okay lang yun. Basta ikaw hehe."

"Uhm.."

"Charmaine sabay na tayong pumasok."

"Ah s-sige po."

"Ah Sheryl na lang. Wag mo na akong i-po haha."

"Ah pwedeng Ate Sheryl na lang? Para kasing wala akong galang sa mga mas matanda saken."

"Ah okay lang haha. One year ahead lang naman ako sa inyo."

"Halika na Charmaine, hatid na kita sa room mo."

"T-teka pano si Ate Sheryl? Sabay na lang kami tutal magkaklase naman kami eh. Okay lang ba?"

"Bahala nga kayo. Tss."

Tapos umalis na siya tapos naiwan kami ni Ate Sheryl dito sa labas ng gate.

"Pagpasensyahan mo na yang kapatid ko. Ganyan talaga yan pag bad trip. Pasensya ka na rin. Di sana yan maba-bad trip kung di dahil saken."

"Ah okay lang yun. Pasok na po tayo, baka malate pa kasi tayo. Terror pa naman ang teacher natin ngayong umaga."

"Haha oo nga nu?"

Hala kapatid niya pala yung pinag-iinitan ko... >__<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon