Ngayong araw, pinahinga muna ako ni Mr. Bautista. Dahil alam niya raw na stress na stress na ako sa trabaho, pagkatapos da-daan pa ako sa hospital para bantayin si Franc. Hindi naman siya naba-bantayan ng kuya niya, dahil masyadong busy itong nagha-handle sa companya ni Franc at sa kanya. Matagal na ring patay ang mama at papa nila dahil sa sakit, kaya ako na ang bumabantay kay Franc sa hospital. Balak na sanang maghire ng katulong ang kuya niya para hindi na niya na raw ako naaabala, pero hindi ako pumayag. Wala akong tiwala, baka may mangyari pang hindi kaaya-aya. Mas mapapanatag ang loob ko kung ako na mismo ang magba-bantay.
Naa-appreciate ko ang concern ni Mr. Bautista, pamilya na rin ang turing namin sa isa't-isa.
Pumayag na rin lang ako sa offer niyang magleave muna ako, para buong araw kong maba-bantayan si Franc. Kasalukuyang naggo-grocery ako ngayon, bumibili ng noddles, kape, at maka-kain para hindi ko na kailangang bumaba at lumabas ng hospital para bumili.
Excited na akong makita si Franc. Hindi ko siya nabisita noong isang araw dahil nagkasinat ako dahil sa stress. Walang araw na hindi ako nag-aalala. Miss na miss ko na siya, kahit isang araw ko lang siyang hindi nabisita.
Inabot ko ang malaking cup noddles sa itaas, pero hindi ko maabot. Bumuntong hininga ako. May nakita akong kamay na kumapit sa cup noddles na inaabot ko, I was about to stop him and say that I was the first one who saw it, nang binigay niya sa akin ito. Tinikom ko na lang ang bibig ko at tinanggap ito, tsaka nilagay sa basket.
"Salamat" sabi ko sa kanya at tumalikod na.
"Teka.." he approached, at sinabayan ako sa paglakad. "Ako pala si Gio Pecson" pagpapakilala niya at inabot ang kamay niya.
"Uhm.." nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ang pangalan ko o hindi. "Nice to meet you Gio" I said with a polite tone. Under my vision, I can see the un-acception as he moved he's hand down.
Lumiko ako sa isang food section at gano'n rin siya. Mukhang sinusundan ako ng isang 'to.
"So.. may boyfriend ka na ba?" tumigil ako sa paglalakad, at siya rin. Parang nagsisimula ng umiinit ang bulkan sa ulo ko.
Tss, parang alam ko na ang patutunguhan nito.
Humarap ako sa kanya at tinaas ang kamay ko para makita ang singsing na suot ko.
"Kita mo 'to? May asawa na ako. So please, if you want to flirt me. Masasayang lang ang oras mo" irita kong sabi. Bahagyang nagulat siya at bumagsak ang balikat nito.
"I'm s-sorry, I-I didn't know--" hindi ko na siya pinakinggan dahil tumalikod na ako. The steps I take was heavy. Nakakainis lang kasi, nagawa pang lumandi ng lalaking 'yon. Akala niya kung sino. Walang-wala siya kay Franc.
Pumunta na ako sa cashier para magbayad. Pagkatapos, lumabas na ng store, sasakay na sana ako sa motorbike nang nagring ang phone ko.
"Hello?"
"(Si Mr. Bautista 'to, Martha)" he said with a slight crack.
"Ah, ano po 'yon Mr. Bautista? May kailangan po ba kayo?" tanong ko.
"(Papunta ka na ba sa hospital ngayon?)"
"Oo, bakit?"
"(Please hurry..)" emotional na sabi nito.
Kinabahan naman ako bigla.
"B-bakit, m-may n-nangyari b-ba k-kay F-Franc?" kinakabahan kong tanong. Namumuo na ang luha ko dahil sa theorya na baka may hindi magandang nangyari sa kanya.
"(Just.. hurry, p-please..)" pagkatapos no'n binaba na niya ang tawag.
Nahirapan akong ipasok ang susi para umandar ang motor dahil nanginginig ang kamay ko. Napamura pa ako dahil sa inis, napagpasyahan ko na lang na sumakay ng taxi. Hindi ko na inisip pa kung manakaw ang motor ko sa pagbilin ko dito sa labas, wala akong pakialam. I need to know how's Franc condition. Maraming pumasok sa isip ko na hindi maganda, kaya mas lalo akong naiyak at pinapadali ang taxi driver sa pagmaneho.
Pagdating ko, tumakbo ako papasok ng hospital. Kahit na parang hindi kaya ng mga paa ko na gumana dahil sa lakas ng pintig ng puso ko at panginginig ng buong katawan ko. Sumakay ako sa elevator, hindi ako mapakali. Humihikbi na ako. Ayaw maalis sa utak ko ang theorya na.. baka iiwan niya na ako. Hindi, hindi ko kaya 'yon. Mas okay ng sumabay na lang ako, rather than living without him in the picture.
Nang marating na ako, agad kong binuksan ang pinto. Nanigas ako habang hawak ang knob ng pinto at ang tingin ay sa direksyon kung saan may maraming tao ang nakapaligid sa higaan niya. Tila tumigil ang paghinga ko, hindi ako makahinga. Walang hangin na pumapasok sa bibig ko.
Emosyonal ang mga tao, kasama na ro'n ang mga kaibigan ni Franc, best friend niya, at si Mr. Bautista. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, para akong pinako doon. All I can do is, watch him. Hindi maalis ang mata ko sa kanya.
Ang mga mata niyang matagal ko ng hindi nakikitang lumiwanag habang nakatingin ito sa mga tao. Ang labi na unti-unting nagpapakita ng kulay. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, saya, kaba, takot.. hindi ko alam.
Nagtama ang tingin namin, we where staring each other. Walang pumuputol sa koneksyon, hindi ko pinikit ang mata ko, not even a split-second. Baka kapag ginawa ko, hindi pala totoo ang nakikita ko. Baka baliktad ang nangyari. I don't want it to happen, kung kinakailangan kong maging ganito, gagawin ko.
Nakita kong may namuong luha sa mga mata niya.
"Martha.." he mouthed. Kahit ko narinig, alam kong sinabi niya ang pangalan ko. Wanting me to come closer, and embrace him tight with much love in each others hugs.
In a moment, I finally find my voice, the strangled chains in me where gone. Napahikbi ako at agad na tumakbo papalapit sa kanya.
Niyakap ko siya ng mahigpit, not wanting to let go. Pinabayaan kong tumulo ng tumulo ang luha ko at mga hikbi na para na akong hahapuin. I closed my eyes at his touch. Matagal ko ng hindi siya nayayakap ng ganito. Tatlong taon ang nagdaan, and finally.. nayakap ko na ulit siya. I miss he's embrace, he's touch, he's scent.. everything. I miss him so so much. Sana ganito na lang kami habang buhay, hinding-hindi ako magsasawa.
"Shh.. tahan na, mahal. 'Andito na ako, hindi na kita iiwan.." mahina nitong sabi at hinahagod ang likod ko.
Humikbi ulit ako. "Franc.." iyak kong sabi. Hindi ko makontrol ang pag-iyak.
"Its okay. Okay na ako, okay na ang lahat.." kumalas ako sa yakap nang hinawakan niya ang balikat ko at walang lakas na inatras para makita niya ang mukha ko. Tiningnan niya ako, at pinahid ang mga luha ko. Kahit na may tumutulo pa rin. Ngumiti siya.
" 'D-Di ba, s-sabi mo maghihintay ka?" tumango ako at hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. "Kaya lumaban ako, para sayo.. para sa atin" bahagyang tumulo ang luha niya. Ngumiti ako ng malawak. "Pasensya ka na at natagalan ako. Pinahintay pa kita ng--" nilagay ko ang index finger ko sa labi niya at umiling.
"O-okay lang, 'wag kang magsorry" kinuha niya ang index finger ko at in-interwine sa kanya. Ngumiti ulit siya.
"Naalala mo ang sinabi mo sa akin no'ng 3rd anniversary natin?" hindi ko alam kung saan banda do'n ang ibig niyang sabihin, kaya medyo kumunot ang noo ko. Napansin niya naman 'yon, kaya nagpatuloy ito. "Magpo-propose pa ako 'di ba?" I chuckle. Nakita niya ang singsing sa kanang kamay ko. Mas lalong lumawak ang ngiti nito. "Suot mo na pala eh. Ang ibig bang sabihin nito, payag ka na?"
"Kung sa pagpayag ko mapapanatag ang kalooban mo. Why not?" sabay kaming tumawa. Refraining my answer no'ng tinanong niya ako kung payag ba akong ligawan niya ako.
Dinikit ko ang noo ko sa kanya, kahit na natutuluan na siya ng luha ko.
"Yes" sabi ko. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya, hanggang dumikit ang mga labi namin.
Kahit na matagal siyang gumising, kahit na naghintay ako ng matagal. Masaya pa rin ako dahil ngayon, 'andito na siya. Bumalik na siya sa akin, bumalik na ang taong mahal ko.. ang taong gusto kong makasama hanggang sa huling hininga ng buhay namin.
Noon, malapit na akong sumuko, bumitaw. Pero, nang makita ko siyang lumalaban. Nagkaroon ako ng tatag at lakas ng loob para hindi sumuko. Iniisip ko na kailangan niya ako, hindi niya kayang lumaban mag-isa para sa amin. Kailangan niya ng tulong ko, kailangan kong tulungan siyang lumaban. Dahil sa pagmamahalan namin, nagtagumpay kami.
