chapter 7
Boy Transferee
MADDIE'S POV
Bakit pa ko pa ba nakita tong pinaka nakakagagong nilalang na to? At ang masaklap pa, nasa harap ko sya. Ang tangkad nya kaya langya. Punyeta kasi eh! Bakit ba sa Lahat ng school dito sa lugar namin, dito pa sa school na pinapasukan ko sya nag transfer?
Eto na talaga yung worstest (bagong word yun sa dictionary ni Maddie) na school year!
"Ms. Manalaysay, are you listening?"
Nagulantang ako nang sitahin ako ni Sir Alvares. Nagle-lecture na pala sya, sorry naman.
"Sorry po sir" sagot ko at yumuko nalang. Tumuloy naman na si sir sa paglelecture at nakinig nalang ako. Baka mamaya, ma-detention pa ko neto kapag di ako nakinig.
Mayamaya pa'y nag-bell na. Di ko namalayan na break time na pala.
Inantay ko munang makalabas yung mga kaklase ko bago ako lumabas. Alangan namang makipag-siksikan din ako diba? Di naman ako sardinas.
Bago ako lumabas, nilibot ko muna yung paningin ko sa classroom. Akala ko nandito pa sila Jam. Mga walangya iniwan ako.
Napatingin naman ako sa gawing kanan nang makita ko yung transferee slash kaaway ko. Naka-tungo sya sa armchair nya. Tulog pa ata.
"Huy!" sigaw ko sa kanya na may kasama pang sipa sa upuan nya. Gumalaw naman sya ng kaunti. Sa pwesto nya ngayon, kita na yung mukha nya kasi nakatagilid yung ulo nya. Mukha syang anghel pag natutulog. Ang inosente nya tignan.
Aaminin ko, may itsura sya. May mahabang pilik mata. Matangos ang ilong. Medyo manipis at perfect ang lips. Perfect shape ang jaw line. Walang bahid ng pimples, o kahit black heads man lang wala. To sum it all, gwapo.
"Anong masasabi mo sa mukha ko?"
"Gwapo"
Napahawak naman ako sa bibig ko nang masabi ko yun. Eh sa nagulat ako eh!
Napa-ngisi naman sya.
"Hoy 'wag kang feeler! Nagulat lang ako" pag-dadahilan ko.
"Sus! Kunwari pa"
"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!" sigaw ko sa kanya at lumabas na ng room.
Pupunta nalang ako sa canteen. Baka nandun na yung tropa.
Naramdaman ko naman na sumunod sya sakin.
"Oh bakit ka sumusunod?" pagtataray ko sa kanya.
"Porket ba nasa likod mo ko sinusundan na kita?" pagtataray nya din.
Inirapan ko nalang sya at dumiretso sa canteen. Nakita ko naman sila Jam sa usual na pwesto namin.
"Oh Mads! Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Kuya. Wala pala si Mago kasi may klase sya ngayon. Si Kuya mamaya pa ata.
"Iniwan nyo nga 'ko eh! Kainis!" pagrereklamo ko.
"Sorry na!"
Tumango nalang ako at umupo sa tabi ni Chari sabay kuha nung extra burger nya.
"Wow naman Mads ha? Binigay ko talaga sayo yan" pangsa-sarcastic ni Chari sakin.
"Peace offering mo nalang to!"
Nagpatuloy naman sya sa pagkain at napailing. Nakipag kwentuhan nalang ako sa kanila.
Nang matapos kaming kumain ay bumalik na din kami sa classroom.
"Class good news, wala kayong teacher hanggang mamayang hapon kasi may meeting kami"
Napa-yes naman yung mga kaklase ko nang marinig yung anunsyo ni sir. Pinayagan din kami ni sir na gumala pero dito lang sa loob ng school.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen Fiction"I'm Yours" Mag-ingat ka sa mga salitang yan. O kaya naman wag mo nalang paniwalaan kasi sa bandang huli, baka ikaw lang din ang masaktan