Chapter 10
Swallowing Pride
ALLY'S POV
"—kayo lang ni Chari nakaka-alam"
Naalala ko bigla yung sinabi ni Collins kahapon. Ano kaya yung alam nila? Well, 'di ko naman na business yun so why mind?
Kahapon matapos kong makatanggap ng gulat na ekspresyon mula kay Collins, tumalikod na 'ko at naunang umuwi sa bahay. Nakaka-inis lang naman kasi. Kung ayaw nya akong makita, edi wag. Bakit ko pagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw sakin?
Mabuti nalang at walking distance lang yung pizza parlor at nalakad ko naman sya. Nag-inarte lang talaga kami kahapon kaya nag-kotse pa.
"Gago ka ba?!"
"Tangina marinig ka ni Mama!"
Nandito kaming tatlong babae sa kwarto ko. Si Chari, ako pati si Maddie. Kanina pa din nila ako sinisigawan tungkol sa nangyari kahapon.
"Gaga ka, kasalanan mo din naman" sisi sakin ni Maddie.
"Aling parte dun yung kasalanan ko?"
Napa-ayos ng pwesto si Chari sa kama ko. Oo sa kama ko sya naka-upo samantalang kaming dalawa ni Maddie nasa sahig. Kapalmuks yan si Chari, eh.
"Hoy babae," turo sakin ni Chari, "ikaw kaya, try mong bumaba sa puno ng may naka-pasan sa likod tapos ihatid mo pa sa bahay nila. Hindi ba nakaka-inis kung hindi man lang sya nagpasalamat? Tapos ipagsasa-panaginip nya lang yung tulong mo? Tangina hustisya wer na yu?"
"Hay Ally, mag-sorry ka nalang. Napaka-liit na bagay lang, pinapalaki nyo pa" giit ni Maddie.
"Oo nga, naku baka di pa kayo magka-bati"
"Tapos pag di kayo nagkabati, magkakagalit kayo"
"Tapos aalis kayong dalawa sa barkada"
"Tapos gagaya yung iba kaya magkaka-watak watak na tayo"
"Oo nga tapos—"
"Teka teka teka, masyado namang OA yang pinag-iisip nyo! Manahimik nga kayong dalawa!" saway ko kila Maddie pati kay Chari na masyadong madaldal.
Biglang sumeryoso yung mukha ni Chari, "Tsk, ang saamin lang naman, babaan mo yang pride mo. Walang magagawa ang pride. Ipang-laba mo nalang"
"Hayop ka akala ko naman seryoso ka nang ulol ka!" sabay bato ko sa kanya ng throw pillow. Pero agad nya ring nasalo.
"Ble! Kala mo matatamaan mo 'ko? Nako! Maganda ata ako—" hindi na natapos pa yung sasabihin nya nang ibato ni Maddie yung mas malaking throw pillow.
"No one's more beautiful than me, biatch!" at nagsimula nanaman silang magbangayan.
Juskolord help me pleesss! Ako po ba dapat ang makipag-bati kay Collins? Eh wala naman akong ginawang masama. Pero kung sakin nga mangyayari na hindi nagpasalamat yung taong tinulungan ko, siguro naman ganun din magiging reaksyon ko. Pero—
"HELLO! Earth to Ally!"
Bwisit nanggugulat nanaman sila.
"Nyeta bakit ba?"
"'Nyeta bakit ba?'", ginaya ni Maddie yung pagsasalita ko tsaka nag make face pa. Gago talaga, "Duh, you're spacing out again. Kung ako sayo, makikipagbati na ako. Jusko naman napaka-liit na bagay. Ang i-immature nyo"
"Wow, so kami lang pala yung immature? Bakit 'di mo banggitin yung iba dyan" at oo, pinag-diinan ko talaga yung salitang 'iba'.
"Ah, so sinasabi mong immature din ako?" sabi ni Chari sabay turo sa sarili nya.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen Fiction"I'm Yours" Mag-ingat ka sa mga salitang yan. O kaya naman wag mo nalang paniwalaan kasi sa bandang huli, baka ikaw lang din ang masaktan