"saan mo ba ako dadalhin ha!.". irita at kuryoso kong tanong.
"mabuti pa, tumahimik ka nalang, parang excited ka pa yata". ,sagot nito.
"niloloko mo ba ako?!" , irita kong pagkakasabe at nabubwesitan na ako sa babaeng ito.
" ayan! Ayan ang problema nyu mga lalake, walang kayong malawak at mataas na pasensya, kaya di nagtatagal ang isang relasyon". ,galit ang pagkakasagot nya sakin.
"bakit? ! Lalake lang ba?".
"loko kase yang mga lalakeng tulad mo, ang kitid ng utak parang di nag iisip., sa bagay konti nalang ang mga matitinong lalake ngayon"
"di mo kase alam anong nararamdaman ng isang tulad ko. Nasasabe mo lang yan dahil di ikaw na nasa sitwasyon ko". ,sagot ko sa kanya at napahinto kame sa paglalakad tapos tumingin s'ya sakin.
"siguro nga van, pero dapat malaman mo rin yung limitasyon mo bilang isang tao marunong ding magmahal. ( a/n: weeeh Oa na masyado). Just trust in the Lord at darating din yang Gods will mo. Chill ka lang van". , napaimik ako sa mga sinabe nya , habang patuloy parin kami sa paglalakad.
Nasa 2nd floor na kame ng mall pababa sakay ng elevator. Ewan ko talaga sa babaeng eto kung anu an0ng pinagsasabe. Para bang nabihag nya yung atensyon ko at para bang may tumulak sakin at sundan sya. Anu bang meron sa kanya . Di bale na nga.
"oy eska! Ba't nagmamadali ka". ,napansin ko kase na mabilis na ang paglakad nya. "oy antay naman, susunod naman ako sayo eh.!".
"bilisan mo kase sa paglalakad jan, baka di na natin maabutan". ,sagot nya sakin ngunit nagtataka parin ako.
" ang aling?!. Anu ba iyang trip mo eska! ,sabihin mo na kase". ,napataas tuloy ang boses ko ,di ko napigilan.
"basta! Dalian nalang kase! ,basta wag na wag mo na uli ulitin yung ginawa mo kanina. Atsyaka mag move on kana. Dapat sa susunod na magmahal ka ,marunong ka ng mag-antay . Wag kang tumulad sakin van. Wag mong sayangin ang buhay mo ,tutulungan kita! ". ,sabe nya sakin , at sa oras na iyon di ko parin naiintindihan ang mga pinagsasabe nya. Sabe kase nya wag akong tumulad sa kanya. Eh ,ano bang ginawa nya? .urgggh!, ang daming tanong na bumuo sa isipan ko ngunit wala namang kasagutan ang lahat.Nandito na kami ngayon sa first floor palabas ng mall. Ayan at nakita ko na yung Exit. Habang patuloy parin sa paglalakad, pagkalipas ng ilang segundo ay biglang nagsalita si eska.
"van, kahit sa sandaling ito , gusto kong malaman mo na, kahit papano'y nakatulong ako sayo. Sana maliwanagan ka na kahit sa kabila ng ka OEhan ng storyang ito. Minsan sa buhay ng tao kelangan din nating magsakripisyo para sa mga taong mahal natin, di sa lahat ng panahon na sasaya ang tao. ,kelangan naman makaranas tayo ng pagsubok upang malaman natin kung ano ang kahinaan at limitasyon natin sa buhay. May mga desisyon sa buhay na dapat nating pag-isipan at pag-aralang mabuti. Ako at ikaw ay nandito sa mundong ito dahil may iba't-ibang papel tayong gagampanan. Maramang salamat elvan. Salamat :-)"
sa mga salitang sinambit nya sakin, masasabe ko na ang babaeng ito may may dinaramdam. Seguro may tupak sa utak o kaya'y walang kain kaya nagkaganun. Ba't ang dami nyang sinabe. Di naman kame ka anu-ano ah. . . Pero salamat sa babaeng ito dahil nakapag isip isip narin ako ng matino.
"salamat van, kelangan ko ng umalis. Paalam .". ,sabe nito,
tumalikod at tumakbo ito palabas ng mall.
"huh? ? ! Eska di kita maintindihan". ,sagot ko sa kanya, " eska! ! Hintay!".
Sinundan ko si eska at naabutan ko pa ito at hinawakan ang kamay nya. Pero bakit ganun? Di ko naintindihan ang lahat. Di ko magawang hawakan ang kamay nya. Parang nag reflect lang ito. Gusto ko syang pigilan ngunit di ko mahawakan yung kamay nya..
"eska! ! Antay!", napalakas ang boses ko , palabas na sana ako ng mall at biglang may humarang sa dinadaanan ko. Sinita ako ni manong guard.
"ah sir, sorry po talaga, buong magdamag po kaming nagbabantay rito pero wala po kaming nakitang babaeng tumatakbo palabas". .sagot nito.
"ah ganun ho ba. Salamat nalang po."
wala akong magawa, kaya lumabas nalang ako , di ko mapaliwanag ang sandaling iyon. Parang isang masamang bangongot nalang ang lahat. Ang daming pumasok sa isipan na pilit kong hinahanapan ng solusyon. Tiningnan ko yung relo ko ,mag aalas 4 na pala. .Palabas na ako ng mall . Biglang may napansin ako sa labas sa may bandang parking lot. Tanaw ko ang mga taong nagdadaragsaan, parang may pinalibutan ata sila. May mga pulis at ambulansya . Kaya agad kong pinuntahan ang kinaroroonan nila. Sa paglapit ko, lumantad sa aking mga mata ang isang babaeng nakahalandusay sa sahig, isang babaeng duguan, buong katawan nito ay puno ng dugo, at bali bali ang mga buto nito. Pamilyar sa aking isipan at sa dalawa kong mata ang babaeng iyon. Pagkalipas ng ilang minuto dinala at pinasok sa loob ng ambulansya ang katawan nito at nasipag alisan narin ang mga tao.
Nagtanong ako sa isa sa mga taong nakasaksi sa panyayari. At ang sagot nya ay nagpakamatay raw yung babae.
Nagtanong rin ako kung anong oras nangyari ang kaganapan. At ang sagot nito 'bandang alas 3'.
Sa paglalahad nya sa panyayari,
Di ko namalayang bumagsak na pala ang mga luhang galeng sa mga mata ko. Di ko mapigilan ang bawat pagpatak nito. Bumalik sa aking isipan ang mga panyayari at sa mga sandaling iyon.
Isang taong nakapagbibigay importansya at kahalagahan sa buhay. Kahit sa simpleng mga salita ay napukaw nya yung isipan kong makitid. Di ko malilimutan ang babaeng iyon.
Salamat . .
.salamat. . .;-( Eska. Salamat, di kita malilimutan.
----WAKAS----
A/N: Maraming salamat po sa pagbabasa...follow naman po kayu pag may time..para makapag update pa ako ng new stories ,,,hehe :-)
Sa kwentong ito ,kinakailangan ng HOTS (Higher Order Thinking Skills) hehe..Kung may mga comments kau...just comment lang po,,,wag mahiya...
Salamat....
