Chapter 1

27 3 0
                                    

Emily's POV

Nagi-strum ako ng guitar ko habang kumakanta ng kung anong pumasok sa isipan ko. Ang layo ng nililipad ng utak ko ngayon. 'Di ko alam bakit. Siguro dahil affected parin ako sa ginawa niya na desisyon. Na siguro 'di ko parin matanggap tanggap. Matanggap na wala na talaga..

na hindi na siguro kami ang para sa isa't isa.

*VROOOOOOOOOOOOOOOOM*

Naputol ang pagmu-muni muni ko ng may narinig akong napakabilis na takbo ng motor sa labas ng bahay. Naiinis ako. Naiinis ako sa mga masyadong mabilis magpa-takbo ng motor. Napasigaw  tuloy ako ng..

"HALA SIGE! MABANGGA SANA KAYO! MGA BWISET!"

Nagulat si Mother Earth ng sumigaw ako. Tumakbo siguro siya papuntang kwarto ko galing sa sala. Napalakas yata ang sigaw ko. Biglang bumukas 'yung pintuan ng kwarto. At ayun nga, tama ako. Tumakbo nga siya. Ay susme!

"Ano nangyari sayo ha?! Na-rape ka ba?!!" sabi ni Mother Earth habang hingal na hingal.

"Wala, Ma. Hindi ako na-rape. Ang bilis kasi magpatakbo nung motor na dumaan kanina sa labas! Alam mo naman ako, Ma. Ayoko sa maingay at mabilis magpa-takbo na motor."

"Ano ba yan! Nag-effort pa kong pumunta dito! Wala naman palang kwenta! Dyan ka na! Nasira beauty ko sa'yo!" Nag-walk out na ang aking magaling na ina.

Haynako! Kahit kailan talaga 'tong si Mama. Isip bata! Porque 35 years old palang eh! Sarap minsan netong batukan ng maging mature naman. Aish!

Pero syempre, kahit ganyan 'yan si Mama. Mahal na mahal ko 'yan. Ayokong nahihirapan at nasasaktan si Mama. Ayoko ring nababastos siya. Bagets kasi 'tong pumorma. Tipong sleeveless at shorts lagi. Kaya ayokong lumalabas 'to. Kung maaari ako na lang lalabas kung sakaling may bibilhin siya. 'Di naman sa kinukulong ko si Mama. Over protective na daughter lang po. Hahaha!

Tinabi ko muna 'yung gitara nung pagtapos ng walk-out chuchu ni Mother. Nakalimutan kong di pa pala ko naliligo. HAHAHA! Kaya ako'y maliligo na.

After 987654321 years..

Natapos rin ako sa paliligo. Nagbihis at nag-ayos na din ako. Balak kong pumunta sa SM. Titingin ako ng mga books sa NBS at bibili ng gummy bears & mogu-mogu. ^___^

Sa SM Marikina

Dire-diretso akong pumasok dahil wala naman akong bag na dala, tsaka wala namang akong mga deadly weapons. And kilala nadin nila ko dito. Madalas rin kasi ako dito.

Naglalakad ako ng may bumangga sakin..

"Ugh shit. Sorry, miss." pagkasabi nung kuya umalis agad siya.

Sinundan ko lang ng tingin si kuya ng naglalakad siya palayo. Ngayon ko lang napagtanto (WOW, makata) na ang ganda niyang pumorma. Borapengular!! May itsura din siya. Pero di ko type. Nagustuhan ko lang 'yung porma. Tapos naka-vans pa. Sheeeems! My eyes are twinkling! Nawala na siya sa paningin ko. Kaya dumiretso na ko sa NBS.

May nakita akong babaeng nakatalikod. Familiar siya. Bigla siyang humarap at sumigaw.

"EMILYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!! YOOOHOOOO!" sigaw ni Karen.

Sabi na nga e! Kaya pala familiar. Etong luka-luka na ito pala 'yon.

"Hoy! Ang lakas ng sigaw mo! Pinagtitinginan na tayo. Boset ka!" sabi ko.

"Tse! Ikaw na nga pinansin ng bongga e. Sayang effort ko. Sakit sa ngala-ngala ng pagsigaw ko sayo!" pag-iinarte niya.

"Tara! Labas na tayo dito. Kahiya ka." sabay hila sakanya palabas.

"Arawch! Hinay hinay lang. Chill gerlpren!" luka talaga 'to.

"Manahimik ka nga. Lilibre nalang kita Zagu. Manahamik ka lang." ayun. Nag-twinkle ang eyes niya. Basta't zagu ang usapan.

"Ay gerlpren! Gusto ko yan! TARAAAAAAAAAA!" ayan na po. Hinila niya na ko papunta sa stall ng zagu. Hindi pala hinila. Kinaladkad. Jusko talaga!

Nang makarating kami sa stall ng zagu, umorder siya ng pearl milk tea na grande. As in grande! Haaaays! Mahal din yun no. Hahahahaha. Ako nag pearl milk tea rin kaso baby-z lang. Di ko naman kayang ubusin e.

"Gerlpren, thank you sa zagu ah! Libre kita next time. Mwaaah!" ang childish! huu!

"Ge, bilisan mo dyan. Pupunta tayo sa NBS ulit. Titingin ako ng libro." epal kasi siya kanina eh. Maka sigaw wagas!

"Oki gerlpren! *_*" twinkling parin ang eyes niya.

Natapos kami sa paginom ng zagu. Dumiretso kami sa NBS. As usual, tingin libro, upo sa lapag, basa, balik ulit ng libro, sabay alis..

Narinig kong may kausap sa fone si Karen. Na-curious ako. Kaya nag-eavesdrop ako.

"Nukaba! Tigilan mo nga si Emily! Iniwan iwan mo siya 'tas magkaka-ganyan ka?!!" sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya. Anla, ano yun? Ba't nabanggit niya pangalan ko? Naguguluhan at nagtataka ako sa narinig ko.

Narinig kong pinatay na ni Karen 'yung fone niya. Kaya nagmadali akong umalis doon at umupo sa lapag kung san niya ako iniwan kanina. Lumapit siya sakin ng padabog at nakakunot ang noo. Mukhang galit at inis 'to. Kabisado ko 'tong babaeng 'to e. Bestfriend ko e. Malamang alam ko lahat sakanya. AS IN LAHAT.

-

Author's Note:

Dito nalang muna. Pagod na akatch. Mehehehe! May ginamit akong gay language dito. Bibigay ko nalang meaning sa mga di gets. ;)

Borapengular = Gwapo/Maganda

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon