Chapter 3

27 3 0
                                    

Pagtapos namin ni Mama manuod at kumain. Lumabas ako. Gusto kong maglakad lakad. Gusto kong mag isip at magpa-hangin. Syempre bago pa 'yun. Magpapakilala muna akatch.

Ako si Emily Rose Montero. Unica hija. Sixteen years old. Si Chelsea Ney Soliva-Montero ang mama ko. Si Mark Nathaniel Montero naman ang papa ko. Kasama ko nalang sa buhay ay si mama. Namatay kasi si papa nung 10 years old ako. Car accident daw. May companies kami. Montero International Airlines at Encarline Inc. Sa ngayon, si mama nagha-handle ng mga companies namin. 'Di pa kasi ako nakakapag-tapos kaya 'di ko pa pwedeng i-handle. Tsaka na daw 'pag tapos na ko sa pagaaral. Mayaman kami, pero 'di halata. Simple lang bahay namin, simple lang din kami manamit ni mama. Hindi kami showy sa pagiging mayaman namin. Down to earth kumbaga. Ako naman maganda at sexy. Pero 'di ko 'yun ipinaglalandakan. Kapag aalis ako, naka-jeans, vans or sneakers, t-shirt, backpack at bonnet. Tsaka naka-side braid or messy bun 'yung buhok ko palagi. Ayoko kasi ng may nakaharang sa mukha ko. Hahaha! Oh, tama na sa pagpapakilala.

Sa Park

Naglalakad-lakad ako ng makita ko siya. Biglang sumikip 'yung dibdib ko. Gustong gusto na lumabas nung mga luha ko. Pero pinipigil ko. Tinignan ko siya, naka-tingin din siya sakin. Papalapit siya ng papalapit.

*FLASHBACK*

Sept. 23, 2010. 10:43 am. 

Nagtext siya sakin na magkita daw kami sa dating tagpuan, 3 pm. Excited ako kasi baka yayain niya akong lumabas bukas. 13th monthsary na namin bukas. Kaya ayun, nagprepare ako ng bongga, nagdamit ng maayos. Tinignan ko 'yung orasan. 2:45 pm. Umalis na ko.

Nakadating ako sa park ng 2:55 pm. Nakita ko siya. Nakita ko ang pinakamamahal kong lalaki na si Kevin Jun Kai. Ang gwapo niya talaga kahit kelan. Sa malayo palang kitang kita mo na ka-gwapuhan niya.

Lumapit ako sakanya..

"Uy babe. Anong meron?" pagtatanong ko.

"Ayoko ng gumulo pa buhay mo dahil sakin." sabi niya. Nagtataka ako sa sinabi niya.

"Okay lang na magulo buhay ko, basta andyan ka." paiyak kong sagot. Nararamdaman ko ng makikipag-break siya sakin.

"I'm breaking up with you. I'm letting you go. I'm sorry, Emily." sabi niya ng hawak ang dalawang kamay ko.

"No babe. Please don't. I need you. I love you." humahagulgol na ko. Ang hirap para sakin. Ang sakit sakit.

"I'm really sorry Emily. Good bye." binitawan niya na 'yung kamay ko. At naglakad na palayo.

Pinagmamasdan ko lang siya habang naglalakad palayo. Hindi pa rin tumitigil 'yung pag-tulo ng mga luha ko. Wala na 'yung relasyon na iningatan ko. 'Yung pinaglaban ko ng matagal na panahon. Wala na 'yung lalaking mahal na mahal ko. Iniwan na ko.

*End of Flashback*

'Di ko alam gagawin ko. Yayakapin ko ba siya o tatakbo palayo. Naguguluhan ako. Mahal ko parin siya hanggang ngayon. At lahat ng sakit ay bumabalik. Lahat lahat.

Napagdesisyunan kong tumakbo palayo sakanya. Ayokong makita niya na 'di pa ko nakaka-move on sakanya. Na affected parin ako sakanya. Na mahal ko pa siya. Ayokong makita niya na hanggang ngayon mahina parin ako. Nagbago na ko para sa sarili ko. Ayokong biglang mawala 'yon ng dahil sakanya. Matapang na ko ngayon. Ayoko na siyang makita kahit kailan.

Nakauwi ako ng bahay ng hingal na hingal. Nakita ko si Mama na nasa tapat parin ng TV. Dios mio! Hindi ba 'to nagsasawa sa kakapanood? Tch. May pasok 'to e. Pero 'di pumasok. Eplogs. Gusto niya daw manuod magdamag. Hayaan na natin. Naaalala lang siguro neto si papa. Haaaays.

Dumiretso na ko sa kwarto ko. Magbabasa nalang ako ng wattpad kesa umiyak. Mas okay na 'to. Kinuha ko 'yung fone ko at nag-browse muna ng facebook, twitter, tumblr, etc. Wala namang nag msg sakin na importante. May mga notifs lang. Hindi naman siguro sila importante kaya 'di ko na binuksan. In-open ko na 'yung app na Wattpad. Titignan ko kung may mga update na.

Scroll, scroll, scroll. Refresh.

Wala pang naga-update. :( Kung kailan naman kailangan ko ng babasahin tsaka naman walang update. Huhubels! Bigti na pows!!

At dahil walang magawa, tinext ko si Kaycee.

To: Kaycee

Gala tayo bukas. 2 pm. Sabihin mo na 'din sa ate mo. Tsaka sa iba. Thank you! :)

PS. I have something to tell you guise.

Message sent.

Matutulog na ko. Gusto ko munang kalimutan mga nangyari ngayong araw at para fresh akatch pag nagkita-kita kami tomorrow.

-

Author's Note:

Enjoy reading~

Picture of Emily >

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon