Chapter 4

68 16 3
                                    

*Justine's POV*

Nagtext sakin kagabi si Alexa na makikipagkita sya sakin mamayang 3:00 ng hapon pero eto, 6:00 palang ng umaga gising na ko excited eh hahahaha pero bakit kaya biglaan? ano kayang sinabi ni Reese dun? Di pa naman ako nanliligaw sasagutin nya na agad ako? o baka naman aamin sya na may gusto din sya sakin tapos papayagan nya na ko manligaw? nagtext kasi sakin si Reese nung isang araw, sabi nya nasabi nya an daw pero nung tinanong ko sya kung ano ang sagot ni Alexa ay ang sabi nya ay hintayin ko nalang daw na si Alexa na mismo ang magsabi sakin. Mga babae talaga ang daming arte.

Pakiramdam ko ay ang bagal ng oras dahil lahat na yata ng pag-aaliw sa sarili ko ay nagawa ko na pero parang di gumagalaw ang orasan pero 10:00 na naman, apat na oras nadin ang nagdaan pero limang oras pa kong maghihintay kaya naman tinext ko nalang si Reese para pumunta dito samin tutal magkalapit lang naman kami ng bahay.

Ilang minuto lang matapos ko syang itext ay dumating nadin sya agad

"problema mo na naman?" bungad na bunbgad nya pagkabukas ko palang ng pinto

"wala kwentuhan lang tayo"

"utot mo blue, kwentuhan ka dyan, si tita nasan? nandyan ba?" dire diretso nyang pasok sa loob

"sige puntahan mo muna nandyan sa kusina"

habang nagkukwentuhan si Mama at Reese ay inihanda ko na yung video game na lalaruin namin, eto lang naman paborito naming past time pag wala kaming magawa eh. Nang mag-umpisa na ay naramdaman ko na ang paglapit ni Reese

"anong lalaruin natin?" excited nyang tanong

"tulad ng dati"

halos mga apat na oras din kaming naglaro nang bigla kong naalala na may lakad nga pala kami ni Alexa ngayon

"weak ka pala eh isa pa"

"aalis pa ko, magkikita pa kami ni Alexa my loves"

"yuck baduy"

"sweet lang"

"ano uwi na ko?"

"wag muna, tulungan mo muna ako mag-ayos"

"wow ha feeling mo naman date yon?" pang-aasar nya

"eh kahit na, dapat gwapo ako pag nagkaharap kami, dali na ano ba pwedeng isuot?"

"para namang di kayo nagkikita araw araw sa school noh? anong pinagkaiba non at kailangan mo pa magpagwapo? magbrief ka naalng baka sakaling mainlove sayo si Alexa" at tumawa na naman sya kaya naman kinurot ko ang magkabilang pisngi nya

"ang kulit moooooo"

"aray! Justine masakit!" tinampal nya yung kamay ko kaya naman binitawan ko na "aray ha!" nakasimangot sya habang hinihimas nya yung pisngi nya. Ang cute ng bestfriend ko

"ano tutulungan mo na ko?"

"oo na"

"salamat talaga at nanadyan ka" ginulo ko ang buhok nya at pagkatapos non ay nag-umpisa na kong mag-ayos



*Alexa's POV*

Kakadating ko lang dito sa cafe and its only 2:45 pm pero saktong pagpasok ko ay si Justine na agad ang bumungad sakin at ngiting ngiti

"kanina ka pa?" tanong ko sa kanya habang inaayos nya yung upuan ko "thankyou"

"ah hindi naman kakarating ko lang din, so ano na yung gusto mo sabihin? tsaka bakit kailangan pa dito sa cafe di nalang sa bahay o sa school?" aba excited

"pwede order muna tayo?"

"ay oo nga pala sorry hehe sige" umorder lang kami ng tig-isang coffee at isang slice ng red velvet cake

Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob kasi syemre kaibigan ko sya, kaya kailangan kong umisip ng mga tamang salita na gagamitin ko para di ko sya masaktan at syempre kailangan ko ding iconsider ang feelings nya, hindi dapat ako basta basta sa pagbitaw ng mga salita. Huminga muna ako ng malalim saka ko sya kinausap

"uhm Justine/Alexa" sabay naming sabi

"ano yun?" ang lawak ng ngiti nya parang pakiramdam ko ang sama ko kung irereject ko sya kasi all this time ang bait nya sakin pero kailangan ko tong gawin para hindi ko na sya mas masaktan pa ng mas matagal, madami na ngang umaasa sa mundo dadagdag pa ba sya? syempre bilang kaibigan nya ayokong mapasama sya dun

"sige una ka na" sabi nya

"hindi ikaw na muna"

"ladies first"

"ikaw na muna please"

"sige sabi mo eh" natigil sya saglit saka nagsalita ulit "Kasi Alexa di ko alam kung bakit, pero ikaw ang nagustuhan ko, halos tatlong taon ko din tong nilihim pero ang hirap pala talagang itago ng nararamdaman kaya naman eto nilalaksan ko na ang loob ko at naisipan ko nang sabihin kay Reese at umamin sayo"

"bakit ako?"

"bakit hindi ikaw? Kung tutuusin pwede naman akong magkagusto sa iba eh kaso ikaw pinili ko"

"Justine kase ano...."

"mukhang bigo yata ako ah, di pa man din ako nanliligaw pero busted na ko agad"

"kaibigan kita Justine at hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sayo, ayoko namang paasahin ka sa wala. sorry"

"ano pa bang magagawa ko? alangan namang pilitin kita diba? ayoko naman ng ganun, ayoko ng mamahalin ako ng isang tao dahil pinilit ko lang kasi paniguradong sa huli pareho lang din kaming masasaktan, hihintayin ko nalang na magustuhan mo ko, sa gwapo kong to alam kong di mo ko matitiis" tumatawa sya pero halata mo sa mga mata nya na hindi naman talaga sya masaya

"Justine....sorry"

"hindi ok lang wag kang magsorry, hindi mo naman kasalanan kung wala kang nararamdaman para sakin eh, hindi naging kasalanan ko kaya hindi ka dapat humihingi ng sorry"

"alam mo kasi di lang naman ako ang babae sa mundi, sigurado akong may darating na para sayo o baka nga dumating na pala sya eh di mo lang napapansin kasi nga ang iniisip mo ay ako ang gusto mo"

"ha?" halatang naguguluhan sya

"marerealize mo din tong sinabi ko sayo soon" at nginitian ko sya

"pero Alexa, matapos kong umamin, magkaibigan padin naman tayo diba?"

"syempre naman, magiging friends padin tayo" and i gave him a smile

"walang awkward moments ah, sana tulad padin tayo ng dati"

"oo naman promise yan" at itinaasa ko pa yung right hand ko just to make him see na totoo talaga ang sinasabi ko

"masakit man pero kailangan ko nalang tanggapin na hanggang magkaibigan nalang talaga tayo"

"sorry talaga Justine,I'm just not as deep into the emotional love feelings at this point as you are. I know its hard, pero eto lang ang masasabi ko sayo. Move on"

Trembling HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon