Chapter 6

55 13 1
                                    

Alexa's POV


Ilang mga linggo nadin ang nagdaan simula nang magkita kami ni Justine at okay na ulit ngayon, syempre nung una ay hindi ko mapigilang hindi mailang sa kanya pero ngayon ay balik na ulit kami sa dati. Friends na ulit.

"Alexa! Janah!" speaking of

"Oh Justine bakit?"

"nakita mo ba si Reese?" napatigil naman si Janah sa pagbabasa nya at nagkatinginan kami . At ayun nga napansin ko na ams malapit na sya kay Reese simula nung nabasted ko sya, malapit naman talaga sila syempre bestfriends eh kaso iba ngayon mas sobra ganun. Sana naman marealize nya na si Reese ang gusto nya haaays di naman sa nangingialam ako pero kasi gusto ko talaga silang magkatuluyan eh

"Sumaglit lang sa canteen, nagugutom daw sya eh bakit? babalik din yon dito hintayin mo nalang" umupo sya sa bakanteng upuan sa may tabi ko at ilang sandali lang din naman ay dumating na din si Reese

"Oy Justino bat nandito ka?"

"Maka-Justino naman to! nagtext kasi sakin si mama, sabi nya papuntahin daw kita sa bahay mamaya, tutal sabay naman tayong nauwi samin ka na dumiretso"

"Bakit daw?"

"ano pa ba? edi ayun may nadiskubreng bagong recipe, ipapatikim daw sayo"

"galing talaga ni tita, nurse na nga pwede pang maging chef hahaha excited na meeeee" lumapit si Justine saka ginulo ang buhok ni Reese

"basta pagkain ang bilis mo mapapayag eh noh? sige alis na ko"

"sige"

"sige bye, Alexa, Janah una na ko ah"

"ah sige" sabay naming sabi at naglakad na sya paalis sa garden

"hoy bakit hindi nalang maging kayo ni Justine?"

"anong klaseng tanong yan?"

"tanong ng magaganda"

"luh baka nga maganda"

"shatap so ano nga?" saka ko sya binigyan ng nakakalokong ngiti

"bagay kaya kayo" sabi naman ni Janah saka umaktong kinikilig

"ay sorry tao kami"

"ay kala ko ba hayop kayo?" pang-aasar ko

"leche ka time 100 bes" naleche pa nga

"hahahaha pero seryoso nga may chemistry kayo, kinikilig nga ko sa inyong dalawa eh lalo na pag ginugulo nya buhok mo" sabi na naman ni Janah na parang kilig na kilig

"ay oo parang couple kayo pag ganun shems"

"ganon na yon bata pa lang kami, hobby nya na yatang pisilin ang pisngi ko at guluhin ang buhok ko"

"pero nakakakilig talaga, ako no.1 shipper nyo"

"ako din!" taas kamay pang sabi ni Janah

"anober! nakamove on na ko okay?"

"weh? basta i ship ReesTine"

"Baliw! ikaw gusto nun!"

"Eh di ko naman sya gusto"

"bakit?"

"di ko din alam eh, mabait naman sya, gwapo pero ewan ko ba"

"baka naman kasi iba gusto mo?" tapos ay ngumiti din sya ng nakakaloko

"alam ko yang iniisip mo! no way! maging kamukha man sya ng pinakagwapong tao sa buong universe di ko padin sya magugustuhan duh! kilabutan ka nga!"

"dami mo namang sinabi, napaghahahalataan ka bes"

"wag nga ako ang pagtripan nyo ha"

"the more you hate the more you love"

"Oo nga Alexa baka naman nadedevelop ka na kay Pat?"

"pewede ba! naririnig nyo ba mga sinasabi nyo? mas imposible pa yang mangyari kaysa sa pagputi ng uwak"

"oo na kalma! beastmode na agad eh. Tara na nga sa room, ikaw Janah?"

"sige sabay na ko, magtatime narin naman kami eh"

"mabuti pa nga tara na baka highbloodin pa ko dito nang dahil sa inyo eh"

"grabe ka"

Naglakad kami papuntang room, dumiretso na si Janah sa room nya na katabing room lang din naman ng samin ni Reese at sakto pagkadating namin ay sabay dating din naman nung teacher namin

"Hi po maam goodafternoon po" sabay naming bati ni Reese

"pasok na kayo may iaannounce pa ako"

"sige po" sabay naming sabi

"ano kaya yun?" bulong sakin ni Reese

"ewan ko! ako ba si Maam? tara upo na tayo" nakaupo lang kami at hinihintay kung ano yung announcement ni maam

"ok guys may iaannounce ako, so may acivity tayo by pair na ipepresent nextweek, dahil MAPEH ang subject natin ay mamimili lang kayo either sing or dance at ako nadin mamimili ng partners para walang gulo at walang aarte, in random tong pairs na ginawa ko"

"omg sino kaya makakapartner ko?" bulong sakin ni Reese

"hala oo nga ako rin"

"first pair is Reese and Dylan"

"Si Dylan? hmmm pwede nadin hahawahan ko sya ng kadaldalan ko" sabay tawa nya

"next is Alexa and Patrick"

"ano po?" sabay naming sabi

"bakit? may problema ba kayo?"

"ah eh wala po wala naman po" sagot ko at tiningnan ng masama si Patrick. Binanggit na lahat ni Maam ang mga magkakapartners, balak ko sanang makipagpalit kaso ay bigla naman syang nagsalita na no exchange of partners daw kundi ay ibabagsak nya kasi may list na sya. Umalis na sya pagkatapos nun dahil ibibigay na lang daw nya yung oras nya para sa pagpaparactice namin

Hinintay kong si lumapit si Patrick, nagbabaka sakaling sya ang mauna na kumausap sakin pero halos lahat ng mga classmates namin ay nag-uusap na at kaming dalawa nalang ang wala pang ginagawa

"hoy ano wala kayong balak magplano?" sabi sakin ni Reese kaya naman ako na ang lumapit, paniguradong walang mangyayari pag pinairal ko ang pride ko kaya bahala na lalapitan ko na sya

"hoy!"

"ano?"

"wala ka bang balak gawin yung activity?"

"meron" tipid nyang sagot

"tsk. umayos ka nga kahit ngayon lang, kunwari hindi tayo magkaaway"

"coming from you ha?"

"dali na kase! nakakainis naman kasi si maam eh bakit ikaw pa kapartner ko?"

"aba parang luging lugi ka naman ha, swerte mo nga eh?"

"encyclopedia ka ba?"

"anong pinagsasasabi mo dyan?"

"ang kapal mo kasi eh tsk, akin na nga lang nymber mo?"

"bakit? gusto mo textmate tayo? ayoko nga!"

"utang na loob! pwede ba! wag ka ngang feeler ha! magpapractice tayo sa bahay namin sa weekend. Itetext nalang kita" 

"ah sige" at walang anu-ano'y binigay nya naman sakin yung number nya. Goodluck nalang talaga samin

Trembling HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon