"Everything happens for a reason "Kung sa tagalog pa ....
"Lahat ng nangyayari ay may dahilan...... "
Kung sa bisaya naman ...
"Tanang nahitabo , naay rason ......."
Yan ang favorite kung WOW-means (Words Of Wisdom ) .
Hep !
Hindi 'yan ang prologue gawa-gawa ko lang 'yan dahil wala lang natripan ko lang .
So ito na ...........ito na ang totoong prologue .
PROLOGUE :
Hindi ko akalaing ..Nang dahil sa pustahan naging miserable ang buhay ko .
Hindi ko akalaing ... Nang dahil sa pustahan naging magulo ang tahimik kung buhay .
Nang dahil sa pustahan , naranasan ko kung gaano kasakit saktan ng mga tao .
Napunta ako sa mundo kung san ayoko kong puntahan .
Sa mundo na hindi ako kabilang . Sa mundo na naging dahilan kung bakit ako natutong lumalaban .
Ang tahimik naging magulo . Ang bagay na ayaw ko ay pumasok sa bahay ko .
Ang masaklap ...Nang dahil sa pustahan , nakilala ko siya . Ang taong iikot sa mundo ko .
Nang dahil sa pustahan , Naranasan kong maging masaya , malungkot at magmahal . Naranasan ko rin kung gaanu kasarap umiibig . Naranasan ko ring masaktan ng sobra . Nalaman ko na rin kung bakit marami ang mga taong baliw sa pag-ibig .
Noon nagtataka ako kung bakit ang tanga ng mga tao sa pag-ibig . Gagawin nilang lahat para sumaya ang taong mahal nila kahit nasasaktan na sila . Ang tanga lang diba ? . Minsan nga may nagpakamatay dahil iniwan siya ng jowa niya , Like what the fuck ! . Ganun nalang ba sila kababaw .... mga baliw ! Marami na mang tao ... pwede naman kapag iniwan kana ng jowa mo , edi maghanap ka ng iba ! Simple lang naman .
Pero Nang dahil sa pustahan ...
Nalaman ko kung bakit ..... kung bakit nagawa nilang magpakatanga at magpakamatay ng ganun ganun nalang. Na hindi pala pwedeng diktahan ang puso. Hindi pala pwedeng kapag iniwan kana ng taong mahal mo ay pwede ka nang magmahal ulit . Hindi pala pwede ........
Kasi Nang dahil sa pustahan , naranasan ko maging sobrang tanga , baliw at martir .
Nang dahil sa pustahan , minahal ko siya .
Nang dahil sa pustahan , nalaman ko ang buong natutohanan . Nalama ko kung bakit siya naging ganun ....
Masakit pala , sobra .
Masakit na naging parte ako sa naging dahilan kung bakit siya nagdurusa ng ganun . Kung paano siya sobrang nasaktan ....
Hindi ko mababago ang nakaraan , pero pwede ko namang takpan ang masama niyang alaala at bigyan siya ng isang napakagandang alaala .
Pwede naman diba ?
Baka sakaling matuto din siyang pahalahagahan ang nararamdaman ko .
Baka sakaling matuto din siya bigyan ako kahit na konting pag-asa lang .
Maybe .....
Just maybe .....
Mahalin niya nadin ako .
END OF PROLOGUE ..
*************
A/N : * INSERT BIG SMILE HERE * YES ! MARUNONG NA AKONG GUMAWA NG PROLOGUE !! KAHIT HINDI MAGANDA ! KAHIT CORNY AT LEAST MAY PROLOGUE AKO ..
PS . MADAMI PO 'TONG ERRORS AT WRONG GRAMAR AT WRONG SPELLING ..... ASAHAN NIYO HINDI ITO PERFECT ... KASI HINDI AKO MAGALING NA AUTHOR .
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Pustahan
Teen Fiction"I like seeing you suffering ....but , I always found myself saving you " *****************