Chapter 2

9 1 0
                                    

Two days na ang nakalipas simula ng nangyari sa ang insedinteng nabangga ako ni CyriL at hindi niya ako tinulungan tapos sinipa niya pa ang libro . Kapag naisip ko talaga 'yun kumukulo talaga ang dugo ko . So anyway Recess time na namin at nandito ako ngayon sa room namin habang nagsusulat ng story sa wattpad . Mahilig akong magsulat , pangarap kung maging sikat na writer balang araw .

"Hi . Can I join you ? " Napalingon ako sa nagsalita at parang nanigas ako sa inuupuan ko ng nakita ko kung sino siya .

"W-walter . " Nautal -utal kung sabi .

"buti naman at kilala mo na ako , hindi ko na pala kailangan magpakilala . So anyway can I join you ? " Aniya sabay ngiti sa akin .

"Join ? As in sali ? " Tanong ko . Napa-tawa naman siya sa sinabi ko .

"Oo . Pwede ba ? " Aniya .

"Sige . " Sabi ko .

Nagtataka talaga ako kung bakit siya nandito . Ayoko ko talagang may kasama dito pero nahihiya naman akong umayaw . At saka anong bang nakain niya at sinalihan niya ako dito samantalang hindi naman kami close . At believe it or not ngayon lang kami nag-usap . Bumalik ang tingin ko sa cp at nagsimulang sumulat .

Umupo siya sa tabi ko , "May sasabihin sana ako sayo .... " Aniya .

Tumigil naman ako sa pagsusulat at tumingin sa kanya , " Ano 'yun ? "

Umuko muna siya bago nagsalita, "A-alam mo ba F-frances Arcellana ...... matagal ko na sanang gustong sabihin sayo 'to pero nahihiya ako ..... kasi .... kasi ..... " Nagangat siya ng tingin at tumingin sa akin " Gusto kita matagal na simula ng nag-aral ka dito ! "


Nag-Loading ang utak ko sa sinabi niya . Hindi siya na processo sa utak ko . Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya o hindi , Impossible kasi . I mean sikat samantalang ako hindi tapos bigla nalang siyang sisipot sa harapan ko at sinabing gusto niya ako . Paano nangyari 'yun samantalang hindi naman kami magkakilala ? Hindi ko nga siya kilala noon .

"Huh ? " Yan lang ang nasabi ko matapos ma-processo ng utak ko ang sinabi niya .

"Alam kung Impossible . Pero 'yun talaga ang nararamdaman ko para sayo . Sana ... bigyan mo ako ng chance na patunayan ang mga sinasabi ko . At kapag napatuyan ko na ... pwede bang manligaw sayo ? " Aniya .

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya pero napa-isip ako wala namang masamang mag-try diba ? Na bigyan siya ng chance para patunyan ang mga sinasabi niya .

"....... Sige .... " Sabi ko .


"Yes ! Thank you ! Hindi ka talaga magsisisi sa desesyon mo .
" Aniya .

Tatlong araw na ang nakalipas at tinotoo talaga ni walter ang mga sinasabi niya . Palagi niya akong sinasamahan tuwing recess time minsan nga nagdadala siya ng pagkain para sa akin . Tuwing vacant naman sinasamahan niya rin ako sa library . Minsan nga tinanong ko siya kung boring ba akong kasama . Pero ang sabi niya ay hindi naman dahil mahal niya daw ako . May konting kiliti naman akong nararamdaman tuwing nagsasalita siya ng ganun . Nagpapadala din siya sa akin ng bulaklak , tinutukso na nga kami ng kaklase namin pero binabaliwa ko lang sila .

Last subject namin ngayon at salamat sa diyos dahil vacant . At dahil vacant ngayon pupunta muna ako sa library . Gusto ko sanang umuwi kaya lang hindi pa pwede dahil 3 : 30 pa ng hapon . Kapag kasi Huwebes vacant kami ng 3 : 30 to 5 : 00 pm so ibig sabihin wala na kaming susunod na klase . Hindi pa pwedeng bukasan ni guard ang gate dahil 3 : 30 pa , bubuksan niya lang ang gate kung 4 : 30 na . Kaya kailangan muna naming maghintay ng ilang oras at dahil boring pupunta muna ako sa library . Hindi ako sinamahan ni Walter ngayon dahil may usapan daw sila ng barkada niya .


Nang Dahil Sa PustahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon