"Parthenogenesis is a process in which female organisms produce gametes ( called egg cells ) that develop into individuals without being fertilized . This form of reproduction can observed-................. "
Napatigil si Ma'am Ginuo sa pagdi-discuss ng biglang pumasok si Cryril at deritsong umupo sa upuan niya na nasa tabi ko . Hindi man lang nag-sorry , tsaka bakit ngayon lang siya eh second subject na namin 'to ? Ewan ko talaga sa lalaking 'to pumasok lang kung kailan niya gusto . At ang malala pa hindi siya pinapagalitan ng guro parang ok lang sa kanila pag-ganun siya .
"Observed in several species of bla ... bla .. bla " Pagpapatuloy ni ma'am sa pagdi-discuss . Napatingin ako sa katabi ko na nakatingin sa harap kung san nagtuturo si Ma'am .
"CyriL " Pabulong kung sabi . Kinakabahan man gusto ko pa ring mag-pasalamat sa kanya . Mamaya na sana ako magpapasalamat sa kanya pero baka kasi biglang siyang mawala , tuwi kasing gusto kung magpasalamat sa kanya ay bigla nalang siyang nawawala .Kaya kahit nagtuturo si Ma'am sa harap gusto ko na siyang pasalamatan . Atat na kasi ang dila ko kaya ganun .
"CyriL . " Tawag ko ulit . Buti naman at narinig na niya kaya lumingon siya sa akin . Seryoso parin ang kanyang mukha gaya ng inaasahan .
"Salamat . " Sabi ko . Tumango naman siya at timingin ulit sa harap . Tumingin narin ako sa harap at nakinig na sa lession ni Ma'am .
*****Ring*******
"Ok that's all for today ...... and don't forget your assignment . " Sabi ni Ma'am . Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay agad din siyang umalis .
"Nako naman ..assignment nanaman..." Reklamo ng classmate ko .
"Kung nakapag reklamo akala mo gumagawa ka ng assignment .... " Sagot naman ng isa kung classmate .
Agad din naman silang naglabasan dahil recess time na . At dahil recess time na dito muna ako sa classroom . Nilabas ko ang cp ko at agad naglaro ng fruit ninja . Mayamaya nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya itinigil ko muna ang pagce-cellphone at tumayo sa upuan at lumabas sa room .
Pagkarating ko sa cr ay pumunta ako sa cubic para umihi . Lalabas na sana ako ng may narinig akong nag-uusap . Nakinig ako dahil feeling ko ako 'yung pinaguusapan nila .
"Poor her . Pinagpustahan lang pala siya kaya siya niligawan ni Walter . Hahahhaha ." Sabi ng isang babae . Hindi ko siya kilala kasi ngayon ko palang narinig ang tinig niya. Tawagin nalang natin siya si ML1 short for (Maarteng Linta One ) . Buti naman alam niya na pinagpustahan lang ako . Siguro naman titigilan na nila ako , diba ?
"Yeah right ! Assumerang froglet siya ... at alam mo ba ang pinakamaganda ?. " Sabi naman ni ML2 .
"Kyaaaaaaaaahhhhhhh !!! Oh Em Gee . Oo alam ko !! " Kung tumili naman si ML1 parang walang bukas . Dalawa lang sila . May Pasuspense pang nalalaman , sabihin mo na kasi ! Ok.. hindi ako nakikinig ( konti lang ) .
"NA SI CYRIL ANG DAHILAN KUNG BAKIT NILIGAWAN KUNYARI NI WALTER SI FRANCES !!! " Sabay nilang sabi . Ha ? Teka tama ba ang narinig ko ?
"At kapag napasagot ni Frances si Walter magkakaroon siya ng kotse dahil 'yun ang pustahan nila ni Cyril .... " Sabi ni ML2 .
"Tugma ! I wonder bakit kaya ginawa ni Cyril 'yun ? I mean she cheap ang poor .. you know " Sabi naman ni ML1 . Grrrr kung makalait siya wagas na wagas .. kung sipain kaya kita diyan ?! Bwisit 'to .
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Pustahan
Novela Juvenil"I like seeing you suffering ....but , I always found myself saving you " *****************