Chapter 7

4.1K 102 1
                                    

“Umalis si Rachel pero hindi ko sya pinigilan. Yun naman talaga ang gusto ko ang umalis sya rito.” Franco

Nagsama kami ni Alma pero hindi rin nagtagal at iniwan nya ako sumama sya sa dati nyang nobyo at ngayon di ko alam kung nasaan sya. Pati si Rachel hindi ko alam kung nasaan. Pero isang araw alam kong babalik sya kasi andito ang isa sa pinakaimportanteng bagay sa buhay nya. Ang abo ni nanay Magda.

Sobrang lugmok na lugmok ako. Dalawang tao ang nang-iwan sakin eh. Lagi akong lasing. Halos dalawang buwan din akong ganon. Pero ipinagpatuloy ko ang buhay ko. Mas pinagbutihan ko ang trabaho ko at kailanman hindi na ako nakipagrelasyon.

“Pare kumusta?” Franco

“Ok lang ito dalawa na anak. Kayo ni Rachel may anak na ba kayo?” Edward

“Wala matagal na kaming hiwalay isang taon lang kaming nagsama.” Franco

“Hiniwalayan mo pa yun? Ang ganda nun saka mabait. Di ba alagang – alaga ka nun.” Edward

“Sya ang nakipaghiwalay. Nambabae ako eh kaya yun iniwan ako.” Franco

“Di ka na nagbago pre. Di mo ba sya namimiss? Yung mga pag-aalaga nya saiyo. Alam mo yung asawa ko binili ko lang din yun pero tingnan mo sineryoso ko sya at natutuhan naming mahalin ang isa’t isa.” Edward

Hindi sya makasagot.

“Asan na ba si Rachel?” Edward

“Di ko alam eh.” Franco

“Pare pare bukas na lang ulit andyan na yung anak ko eh.” Edward

“Sige ingat.” Franco

“Sige ikaw din lasing ka na.” Edward

“Asan ka na nga ba Rachel?” Sabi ko habang nakahiga ako sa kama ko. Napapikit na lang ako ng mata sa sobrang kalasingan.

Kinabukasan ang sakit ng ulo ko. Ngayon ko na lang ulit naexperience ‘to.

Nadisappoint ako nung pagbaba ko. Walang nagtimpla ng kape.

“Ganun ba ako kalasing para makalimutan na wala na nga pala si Rachel.” Franco

Naalala ko tuloy yung mga bulyaw nya sakin pag lasing akong umuuwi. Napapangiti na lang ako.

End of Chapter 7

My made to order BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon