"Yes! Summer!!!" Napasigaw kong sabi pagkagising ko habang nag stretch ng kamay at paa.
Summer na. Ibig sabihin pwede ng magising ng late, magbabad sa internet at syempre makapag laro.
"Nak, bakit?" Biglang sabi ni mama sabay katok sa pinto ko at binuksan.
Hala narinig yata yung sigaw ko. Hahahaha.
"Wala mama ayos lang ako!" Patawa kong sabi.
"Oh siya, akala ko naman kung anong nangyari sayo. Baba na nak, kain na tayo" sabi ni mama at pagkatapos sinarado ang pinto.
"Sige po ma, sunod nalang ako" sabi ko habang paikot ikot sa kama ko. Haaaaaay so much love.
Bumangon nako at patalon talong pumasok ng banyo para mag ayos.
After 3 mins bumaba nako at dumiretso sa dining room.
"Morning, papa! Morning mama!" Sabi ko sabay halik sa cheeks nila. Oh diba sweet at magalang ako? Hehe
"Oh. Ang ganda yata ng gising mo nak, ah!" Ani papa at nginitian ko lang siya. Aba, syempre summer na.
"Awwww. So sweet naman ng chani ko binati ako!" Sarcastic na singit ni ate shae. Ay may ate pala ako.
"Ay ate andyan ka pala. And by the way, stop calling me 'chani'!!!" Sabi ko ng pataray. Kainis kaya, ikaw ba namang tawaging chani.
"Mga nak tama na yan kain na tayo" sabi ni mama
" k mama" sabi ko sabay upo sa katabi ni ate shae.
"Ano namang gagawin niyo ngayong bakasyon, chantle at shae?" Tanong ni papa habang kumukha ako ng pagkain.
"Maglalaro at magiinternet papa!" Sabi ko
"Edi magshohopping at gala with friends" sabi naman ni ate shae.
"Sus. Arte arte" bulong ko na narinig naman. Pwe.
"Hoy! Atleast ako pambabae eh ikaw? Para kang matotomboy na diyan" sabi ni ate. Aba, sungit naman.
Eh kasi ang mga kalaro ko talaga is yung pinsan kong mga lalake. Eh sa nasa malayo yung ka age kong babaeng pinsan kaya no choice ako, ang boring sa bahay eh alangan namang magbabad talaga sa harap ng computer o cellphone.
"Di ah. Di ko pinangarap na maging tomboy. Che" sabay subo ng pagkain.
Si mama at papa naman ay napapatawa nalang kasi sinasabihan din ako niyan na baka maging tomboy ako. Hays.
"Whatever you say" ate shae na natatawa.
BINABASA MO ANG
Love Life Less
Teen FictionWala akong love life? Eh ano naman? Nakakapaghintay naman yan eh. Hindi porket may love life ang mga taong nasa paligid mo, ibig sabihin dapat ikaw, meron din. Hindi ka din naman mamamatay kapag wala, diba? Hindi naman yan dapat minamadali. Kelang...