Pag katapos kumain ng breakfast ay dumiretso na agad ako sa kapit bahay. Which is, my cousin's house.
Binuksan ko lang ang pintuan at pumasok na ako sa loob. Sus wala ng hiya hiya.
Nakita ko si tita jae at tumakbo papunta sakanya para humalik sa cheeks niya.
"Tita sila jake at josh po?" Tanong ko kay tita.
"Oh. Ang aga mo naman chan, bakit maglalaro na ba kayo?" Patawang sabi ni tita jae.
"Uhmmmm opo? Hehehe" sabi ko na nag papacute. You know, para payagan. Hahahaha.
"Tulog pa si josh eh pero si jake nasa harap na agad ng computer. Puntahan mo na" ani tita
"Sige po thanks tita jae!" Sabi kong masigla.
Pumunta ako sa kwarto ni jake at josh. Oo, share sila ng kwarto kasi gusto nila tita jae.
"HIIIIIIIIII JAKEEEEEEE" Sigaw ko pagpasok sa kwarto nila.
"Aray! Ano ba? Bingi? bingi?" Sungit naman.
"Hehe sorry!!!" Sabi ko sabay peace sign. At pwe, tinarayan lang ako. So kind.
"Ano nilalaro mo?" Sabay lapit ko sakanya. "Tara gisingin natin si josh?" Sabay evil laugh.
Tumayo naman siya at lumapit sa natutulog na si josh. Pag talaga asaran, go siya eh.
"Jooooosh gising na!" Sabi ni jakey habang ako eh patalon talon sa kama ni josh.
"JOOOOOSH! bigyan kita limang jolen oh! Ganda!" Sabi ko na bigla namang napabangon si josh. Hahahaha gotcha!
"Talaga? Asan?" Sabi ni josh na kinukusot pa ang mata.
"Joke lang gising na diyan mag lalaro pa tayo ng jolen" sabi ko ng patawa
"Ano ba yan! Kainis kayong dalawa ah!" Sabi naman ni josh.
"HAHAHAHAHAHA" tawa namin ni jake.
--
"Ako na! Eh, daya!" Sabi ko. Ano ba naman kasi yan ako na titira eh.
"Wala na, mananalo na ako eh"
Titira na si jake in 5.....4......3.......2......on-"Jake!" Di natira ni jake kasi may tumawag sakanya. Yes!
Sabay sabay kaming lumingon sa nag salita and...... OMG gwapo ah?
"Oh fourth, pat tas ian! Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni jake tas lumapit sila ni josh sa mga bagong dating.
"Uh we saw you guys kasi playing, we want to play with you sana if.......pwede?" Sabi nung gwapong lalake sabay tingin sakin.
Napaiwas naman ako ng tingin. Kahiya, ano ba naman yan op nako dito. Myghad.
"Oh sure naman walang problema, fourth" singit ni josh.
Ay aba wag na nga lang sumali. Kahit gwapo pero nakakahiya all boys sila.
"Eh how about you?" Sabay turo sakin ni 'fourth' at saka nginitian ako nung dalawa pa niyang kasama. Meh. "Pwede ba kaming sumali?" Tanong ulit niya.
"U-uhh sure! B-bye!" Sabi kong utal utal. Ghad asar naman. Kayo na nga lang maglaro. Kahiya eh.
"Hoy! Ang arte mo chantle! Eh parang di ka sanay makipaglaro sa lalake! Pahiya hiya ka pa diyan, bahala ka!" Sabi ni jake.
"May gagawin pa ko. Sasali nalang ako pag gusto ko, okay? Sige, bye guys?" Tiningnan ko silang lahat at tinigil ang tingin kay.....fourth bago tumakbo paalis.
BINABASA MO ANG
Love Life Less
Teen FictionWala akong love life? Eh ano naman? Nakakapaghintay naman yan eh. Hindi porket may love life ang mga taong nasa paligid mo, ibig sabihin dapat ikaw, meron din. Hindi ka din naman mamamatay kapag wala, diba? Hindi naman yan dapat minamadali. Kelang...