Dali dali akong pumasok sa bahay at dumiretso sa aking kwarto pagkatapos ng nangyari.
Humiga agad ako sa kama. Haaaay. Kainis naman bat ang pabebe ko dun. Ay ewan makapag internet na nga lang.
Kinuha ko ang itouch at earphones sa drawer at nag simula akong magpatugtog sa spotify habang nag fe-facebook at iba pa.
Naalis ang earphones sa tainga ko habang nag s-scroll ako sa news feed ko. Ibabalik ko na sana ito pero may narinig akong ingay mula sa labas.
Pumunta ako sa bintana at nakita ko ang mga pinsan ko at sila 'fourth' na masayang nag hahabulan. Hay bakit ako nagsisisi? Eh sana kung kinilala ko nalang sila eh hindi boring buhay ko ngayon. So stupid.
May bigla akong naisip na paraan para maibsan ang pagkaboring ko. Naks.
Mabilis na bumalik ako sa kama ko at nag facebook. Clinick ko ang search at tinype ang pangalan ni jake.
Oswald Jake Jacinto
Nang lumabas ang result ay pinindot ko ito. Iniscroll ko naman at pinindot ang friends tsaka search. Sinearch ko ang fourth pero walang lumabas. But wait,
Elijah De Leon IV
I don't know pero kamukha niya yung nasa picture kaya iyon na lang ang kinclick ko.
And, yes. Siya nga iyon. Ngayon ko lang napansin yung IV sa dulo ng pangalan. How blind. Gaaah.
Stalker mode: On
Ano ba yan naka private. Tatlong profile pictures at dalawang cover photos lang ang lumabas. And guess what? Maliban sa recent profile pic niya, puros mga baby pictures niya pa. Great. Just great.
"HAY ANG ANTI SOCIAL MO NAMAN!" Mahinang sigaw ko sa itouch ko.
"Pero ang judgmental ko naman ata. Baka hindi lang siya vain tulad ko" sabi ko sa sarili ko at napatawa ng mahina. Hay ang baliw.
Gusto ko sana siya iadd pero ano ako? First move? Hell no.
Naboring nako sa ginagawa ko. Eh boring naman pala ng account niya wala namang makukuha. Ano namang gagawin ko sa picture niyang baby? Hay.
Ang ingay naman nila, nakakaingit. Pumunta nalang ulit ako sa bintana at pinanood ko nalang sila habang naglalaro. Ang sasaya nila.
Busy ako panuorin sila kaya di ko namalayan na pumasok si ate shae sa kwarto ko.
"Anong titingin tingin mo diyan?" Sabi ni ate shae habang dinudungaw kung anong tinitingnan ko sa bintana.
"Wala. Labas! Shoo!" Takwil ko sakanya.
"Bat di ka sumasali sakanila? Eh parang inggit na inggit ka eh" sabi niya na naniningkit ang mata, parang nagdududa.
"Eh wala ayoko nga. Shoo kasi!" Sabay hawi sa kurtina ng bintana ko.
"Siguro may crush ka dun noooh? Yieeeeee" lumapit siya saking at sinundot ang tagiliran ko.
"Ano ba, ate! Hind--"
"Pero joke lang pala. Tomboy ka pala" sabay tawa ng malakas at tumakbo palabas.
ANG BAIT NIYA GRABE. I'M SO THANKFUL.
BINABASA MO ANG
Love Life Less
Teen FictionWala akong love life? Eh ano naman? Nakakapaghintay naman yan eh. Hindi porket may love life ang mga taong nasa paligid mo, ibig sabihin dapat ikaw, meron din. Hindi ka din naman mamamatay kapag wala, diba? Hindi naman yan dapat minamadali. Kelang...