A/N: hindi kayo makakarelate sa chap na to kung di niyo alam yung laro hahahaha
---Habang kumakain ng breakfast ay nag uusap sila ate shae at si mama at papa. Hindi ako nakakasabay kaya tahimik lang ako, hanggang sa ang pinakamabait kong ate ay dinamay ako.
"Ma, pa, alam niyo ba? Si chani may crush naaaa" sabi ni ate na may pang asar na tingin.
"Wala kaya" sabi ko sakanya at nilabas ang dila. "And stop calling me chani!" Dagdag ko na may pagkairita. Pang pasira ng umaga.
"O? Sino ba iyon?" Tanong ni papa at tumingin sakin
"Wala papa. Wag ka ngang maniwala diyan!" Sabay turo sa kapatid kong tumatawa. Seriously kapatid ba tawag dito?
"Ahhhhhh. Okay" patawa tawang sabi ni papa. What?
"Papa naman eh!" Pagreklamo ko. Ano ba naman yan. Eto ang pinaka ayaw ko sa lahat, yung inaasar ako pag crush crush.
Tumawa nalang sila at iniba nalang ni mama ang topic hanggang matapos mag breakfast.
After mag breakfast ay dumiretso nako sa kwarto. Mamaya nalang ako makikipaglaro kila jake.
Habang naglalaro ako ng tetris sa computer ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at umingay. Jake & josh.
"What?" Tanong ko ng hindi humaharap dahil naglalaro ako, baka matalo.
"Tara laro tayo?" Tanong ni jake tas lumapit sa tabi ko.
"Wait lang. Pagkatapos neto" sabi ko at hindi na siya umimik, nakatangin lang siya sa nilalaro ko.
Pagktapos ng round na iyon iooff ko na sana ang computer pero biglang nagsalita si josh kaya napalingon muna ako sakanya.
"Chantle! Akin na to ah?" Sabay taas ng kinakain niyang cookies. Ugh. Favorite ko pa naman yan.
"Geh. Binuksan mo na eh, saka ka palang nag tanong" sabay off nalang ng computer.
"Eh yan ang technique eh" sabi niya
"Eh kung technique-in ko kaya mukha mo?" Sabi ko sabay sabunot ng mahina sa buhok niya.
"Aray naman" reklamo ni josh at humawak sa buhok niya.
"Tss. Oa mo"
"Tara na nga!" Sabi naman ni jake
"Sige una na kayo sa baba kukunin ko lang jolen ko. Baka kasi makita niyo kung san nakatago" sabi ko sabay tulak sakanila palabas.
Eh kasi kelangan talagang taguin kasi pag hindi, pagtingin mo kulang kulang na at wala na yung mga maganda mong jolen.
Kinuha ko na iyong bilog na lalagayan kong jolen sa closet ko at bumaba na.
Papunta nako sa ginagawang bahay na pinaglalaruan namin. Habang papalapit naririnig ko ang ingay. Andiyan nanaman ba sila fourth? Para tuloy akong magbabackout pero huli na dahil..
"Chantle!" Sigaw ni josh. Hay nako. Pambihira.
"Coming!" Sabi ko sabay lakad ng mahina.
"Oh andito na si chantle, ulit tayo" sabi ni jake.
Tumingin naman sakin sila fourth tas sil- basta yung dalawang kasama ni fourth.
"Sige" sabay ngiti ni fourth. Ano ba yan. Nahihiya na ako ah.
Gumuhit na si josh ng linya sa lupa. At pumili nako ng pambato ko na jolen. Ang weird ba ng laro namin? Basta.
Pagkatapos nila pumili ay isa isang tinapon ang mga pambato sa linya. Dito kasi malalaman kung sino ang unang titira at ang mga susunod. Ang pinakamalapit sa linya iyong una at pinkamalayo ay yung huling titira.
"Ako una!" Sigaw ng kasama ni fourth na si ian(?) i think. Tinatawag itong kuya ni fourth.
"Second!" Sabi ko naman at napatingin sila sakin. Ngumiti nalang ako. Nakakahiya bes.
Pangatlo si pangapat joke si fourth, pangapat si jake, panglima si pat at last si josh.
Nagsimula na kaming maglaro. Unang tumira iyong tinatawag na kuya ian.
Hinagis niya yung pambato niya sa malayo. Iyon din ang ginawa ko at ng iba maliban kay fourth. Hinagis kasi niya iyong pambato niya malapit sa pambato ko.
Tumira na iyong ian malapit sa pamabato ni jake at nagtawanan sila.
Ako na ang titira. Malapit din naman yung pambato ni fourth kaya yun nalang. Tumingin muna ako sakanila at ngumiti at "bye fourth" sabi ko saka nag ready para tumira.
Sinasight ko na yung pambato ni fourth para alam niyo na, para matamaan. Naka pikit ang isa kong mata habang ang isa ay ineeksakto ang jolen sa pambato ni fourth.
"Go chantle!" Sigaw nung pat.
"Yieeeeeeeeeeee" sigaw nilang lahat kaya napabukas ako ng mata.
"Ano ba yan. Tigil nga kayo" sabi ko at bumalik na sa ginagawa.
Titira na ako......babatuhin ko na pamabato ko.......
And then, yikes. Di ko natamaan pero isang ihip nalang ng medyo malakas na hangin gagalaw na sana. Tsk. THE F...... I lose.
"Hay ang fail mo talaga parati! Hahahahahahaha!" Pang asar sakin ni jake.
"Sorry ah? Perfect mo kasi" sabi ko at tinarayan ko siya. Nakakahiya tuloy may pabye bye pa naman akong nalaman. Tss.
"Ako na!!!" Sigaw na masigla ni fourth.
"Sige na out nako eh wala ng pag asa. Hmp!" Sabi ko kay fourth pero naka smile lang siya sakin.
Kinuha niya na pamabato niya. Hayyy maaout nako! Titirahin niya na pambato ko.......pero joke lang pala. Out na si pat.
Di ko alam pero ang bilis. Di ko nakita kung pano niya natira iyong kay pat kasi nakafocus lang ako sa pambato ko na akala ko ay titirahin niya.
Tumingin ako kay fourth "bakit di mo pa ako inout?" Tanong ko pero nag kibit balikat lang siya at ngumiti.
"Wooh. Ang swerte mo chantle!" Sabi ni ian sakin.
"Bye pat" pang asar nila jake, josh at fourth kay pat. Hay kawawa naman ako sana maaalis eh hahaha.
Pinatuloy na namin ang paglalaro. At pag ako na ang titira, parating sisigaw ng 'go chantle' yung pat. Nakaka asar pero di ko nalang pinapansin.
Natamaan ko pamabato ni jake kaya out na siya. Natamaan naman ni josh yung kay ian at natamaan ni fourth yung kay josh.
So, kaming dalawa nalang ni fourth ang hindi pa out. Ang galing ko naman ah.
"Ehem. Ehem" kunwaring ubo ni ian at tiningnan ko siya at ngumiti lang siya.
"Go chantle!!" Sigaw nanaman ni pat at tumawa silang lahat.
"Magpapaout na nga lang ako!" Sabay tira ko malapit sa pambato ni fourth.
Tumingin muna sakin si fourth sabay tira ng pamabato niya, akala ko out nako pero di pa pala. Ako yata mananalo dito kasi tinira niya ng mahina at sobrang lapit na ng pambato niya sa may sakin kaya tumingin muna ako sakanya at pinulot ang pambato ko sabay tira sa pambato niya. Yes! Ang ganda pa naman ng pambato niya, and sakin na to!
"Winner!!!!" Sigaw ko at tumawa tawa nalang sila.
BINABASA MO ANG
Love Life Less
Teen FictionWala akong love life? Eh ano naman? Nakakapaghintay naman yan eh. Hindi porket may love life ang mga taong nasa paligid mo, ibig sabihin dapat ikaw, meron din. Hindi ka din naman mamamatay kapag wala, diba? Hindi naman yan dapat minamadali. Kelang...