Chapter 3:Unknown Boyfriend
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay. Bangag na bangag akong naglakad. My brain is still processing what happened in the entire day. Talo pa nga siguro ng nabasted ang nararamdaman ko ngayon eh.
"Hey Ash! Ba't ngayon ka lang nakauwi? May ka date ka ano? Yieee dalaga na talaga ang lil sis ko," Sabi ni Ate Cleo habang pumapalakpak at tinaas-baba ang kilay. Kung hindi pa niya ako tinawag ay hindi ko siya mapapansin.
"Mabuti nga ate kung ganon. Mabuti pa nga'y ganon nalang ginawa ko," sabi ko sa mahinang boses.
"Siya nga pala Ash, sabi ng mga classmates mo di ka nila makita kanina kaya pinadala nalang nila yung mga pinapabigay sayo."
Napatingin ako sa sofa at Jusme! Bakit mas marami ngayon kay sa noong nakaraang taon? Every year akong nakakatanggap ng mga ganito pero every year naman, dumarami sila lalo! Nagkalat ang chocolates, love letters, teddy bears, roses at iba pa. Kung kay Xylem pa to galing lahat edi sana naappreciate ko na sila. Kahit nga yung cake na gawa ko di ko pa nagawang ibigay. Oh well okay na rin to. Para mayroon akong stock ng chocolates para sa period ko.
I was about to go up to my room when a familiar boquet was sitting pretty above the table.
"Ate, kanino galing yan?" Kahit alam ko na ang sagot. Masokista nga siguro ako.
Tinuro ni ate ang boquet."Ah yan ba? Galing kay Xylem yan," sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sa cellphone niya. Bakit parang di siya kinikilig?
"Oh tapos? Wala ka bang ano nga ba tawag dun? Ahh wala ka bang sparks na nafeel?" I said while giving her my teasing look. Oh Ash ang galing mo talagang magpanggap.
Ate Cleo snorted."Seriously Ash? Galing yan kay Xylem ano ka ba. He's like a brother to me okay? Tsaka alam mo namang malapit ko na sagutin si Kuya Justine mo diba?" Hindi man halata pero ang close namin ng Ate ko. We share our problems and secrets to each other. Well, yung kay Xylem shineshare ko pero di ko pinangalanan. Kahit naman crush ko siya eh hindi yun magiging barrier naming magkapatid noh. Hoes before bros pa rin.
"Ahh oo nga pala. I almost forgot," I replied. Kaya nga I still have this little hope. Knowing that my sister doesn't have feelings for him. Oo na ang sama ko na. Eh gusto ko talaga siya eh. Haays.
"Oh by the way. Naibigay mo ba yung cake sa manhid mong crush?"
"Ha? Ahh yun ba. Wala eh. Di ko naibigay. Naunahan kasi ako Ate. May bibigyan din pala siya di ko nalang binigay. Magmumukha lang akong tanga," I said while lowering my gaze to my feet. Nararamdaman ko na naman ang luha kong namumuo.
Tumayo siya at niyakap ako.
"Ikaw talaga bata ka. Iba ka talaga magmahal noh? Ang tagal mong makamove on! Ang masokista mo pa," she chuckled.
"You're still young Ash. Makakahanap ka pa ng mas kaysa sa crush mong yan. In the perfect time ba. Pero if you feel you still have a chance, then why not diba? Maybe all your efforts will be worth it and will be paid off. Basta I'm always here for you Ash," She kissed the side of my hair.
Kaya nga mahal na mahal ko ang kapatid ko eh. She always makes me feel that I'm not alone. Na nandiyan siya para suportahan ako sa lahat ng kagagahan ko. Although we're complete opposite kasi she's the adventurer extrovert type and I'm more on making my own world but it didn't became a hindrance for us to have a close bond. Siyempre may iba-iba kaming circle of friends (well mine can't be consider as circle coz I only have Julie) but we never forget to keep in touch with each other.
"Julie bilisan mo ngang kumain! Malelate na tayo nito eh," Sabay tingin ko sa relo. Nandito nga pala kami sa cafeteria. 20 minutes nalang at magstastart na sila.
"Oo na eto na nga diba? Bakit ba ang die hard fan mo sa lalaking yun as if naman --" Di ko na siya pinatapos ng pagsasalita at tinakpan ang bibig niya.
"Alam ko yun okay? Di mo na kailangang ulit ulitin pa. Alam ko pwede na akong gumawa ng fan group sa katangahan kong ito," I frowned while glaring at her."Bilisan mo nalang kumain diyan."
"Oo na Ash sorry na. Sige na nga. I forgot supportive bestfriend mo nga pala ako. Sige magsisilbi na tong pambawi sa epic plan kong sinuggest sayo," Sabay akbay sa akin. Kaya nga love na love ko tong bespren ko na to eh kasi tinotolerate niya kalokohan ko.
As if one cue my mood lightened up."Eh ayun naman pala eh! Tayo na nga para sa front row tayo makaupo," Sabay hila ko sa kanya. Natisod pa nga siya at lumipad sapatos niya. Tawa ako ng tawa habang siya eh pinipigilan lang ang sarili niyang sakalin ako. Oh such a cutie.
We arrive just in time. Mabuti nga't meron pang bakanteng upuan sa unahan. Nakahinga talaga ako ng maluwag. Literal na nakahinga. Game nga pala ngayon nila Xylem. He's the captain of their team. Oh diba dagdag pogi points talaga.
Dagdag pogi points nga Ash, di naman magiging sayo.
Pagkapito ng referee ay tumayo agad ako at nagcheer.
"GO COJUANGCO! WOHOO!" Sanay na sa akin si Julie kaya no say siya. Ang sama ng tingin ng ibang babae sa akin na sa pakiramdam ko'y gusto si Xylem. Oh well, bakit hindi sila magcheer? Dumb ass.
Lalong lumakas ang sigaw ko ng nakagoal siya! Napatili pa nga talaga ako eh. Napansin naman ako ni Xylem kaya kinindatan niya ako. Para akong hihimatayin sa kilig talaga!
Nasiko si Xylem sa giliran kaya naagaw sa kanya ang bola. Natumba pa nga siya. Nako sarap bangasan ng lalaking yun ah! Walang ka sport-sport tsk tsk.
Pero in the end nanalo pa rin sila. Expected naman talaga kasi as ever. 3 straight champion kaya ang school namin sa larangan ng soccer. *flips hair*
After the game, I hurriedly grab Julie's hand. Hinila ko siya papalapit kina Xylem para icongratulate sila. Nagpahila nalang si Julie as if may magagawa pa siya sa kagagahan ng kaibigan niya.
Pero hindi pa ako nakakalapit sa kanila ay may humila sa pulsuhan ko kaya napatingin ako sa aking likuran. Nakita ko ang tatlong babaeng kanina pa masama ang tingin sa akin. I think their from our school's rival.
"What do we have here. The ever supportive fan of Xylem Cojuangco. No wonder bakit ang raming nagkakagusto sa iyo. You are such a scene maker. Sobrang papansin," the front girl said with a clown make up. Excuse me? Oo papansin ako pero kay Xylem lang. Di ko na kasalanan bakit nagkakagusto yung ibang lalaki sa akin.
"Hoy babae ka! Kung makapagsalita ka ah, nahiya naman kagandahan ng bestfriend ko sa make up mong kasing kapal ng ugali mo," Pagtatanggol sa akin ni Julie.
"What did you say? Ang lakas rin pala ng loob mong pagsalitaan ako ng ganyan? Do you even know me? Sino ka ba sa inaakala mo?" Sagot ni clown girl.
"Oo hindi talaga kita kilala. Ganyan naman talaga pag hindi ka sikat at maganda diba? Di ka makikilala. Di katulad ni Ash. Di nga tayo iisa ng paaralan pero tingnan mo nga naman abot sa inyo ang kagandahan niya," Julie said while giving a 'nanghahamon look'.
Meron pa sana siyang sasabihin ngunit inunahan ko na siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
"Excuse me miss. But if you think you know me too well, then I'm sorry to disappoint you. Papansin nga siguro ako pero kay Xylem lang. And kung nagtataka ka kung bakit maraming nagkakagusto sa akin? Simply coz I'm not like you I don't have a filthy attitude like yours," I said camly trying to piss her.
Naging effective naman ang ginawa ko dahil kitang kita ang pamumula ng mukha niya.
She was about to slap me but before it landed on my face, a hand cut it off on mid air.
"What are you trying to do with that to my girlfriend huh?" My eyes widened in shock. I don't even know I have a boyfriend!
And when I look whose voice is that, my eyes grew even wider finding out that it's Xylem!