Chapter 4:
My jaw literally dropped in awe after hearing those words. Parang ayaw gumana nang utak ko. Tila ba sirang plakang paulit-ulit na nagpleplay sa tenga ko.
What are you trying to do with that to my girlfriend huh?
What are you trying to do with that to my girlfriend huh?
What are you trying to do with that to my girlfriend huh?
Teka nga..
BAKIT PARANG HINDI AKO NAINFORM TUNGKOL DITO? HINDI NAMAN PO AKO PAKIPOT PERO SANA PINAALAM NIYA MUNA SA AKIN BAGO SA IBA.
My trance was broke when someone closed my jaw-dropped mouth. Si Julie pala. Di ko alam kung ginawa niya yun para tuksuhin ako o sadyang ayaw niya lang akong magmukhang tanga.
"X-Xylem.." iyan lang ang nasabi ng babaeng muntik na akong sapakin. Her face was now red not because she's angry but because of humiliation.
"Yes miss? Care to explain?" Xylem said with a serious face but wearing a smirk.
"Eh kasi nakakainis siya kanina eh! Acting like a pathetic fan! Ang ingay-ingay niya pa. Para bang siya lang ang nanunuod!" Clown girl said angrily.
"And so? What's your problem about that? Diba ganyan naman talaga ang ginagawa ng mga supportive girlfriend. Baka nainggit lang kayo sa kanya kasi wala kayong boyfriend na maichecheeran," Xylem said teasingly.
Bago pa niya maipagtanggol ang kanyang sarili ay inunahan na siya ni Xylem.
"Tsaka ikaw naman By," sabay akbay sa akin. Anong By?! For short sa Baby?! Juice colored. Pwede na akong lamunin ng lupa ngayon dahil ang pula-pula ko na.
"Don't go near to trouble please. I won't be always around to defend you. Di ko siguro masisikmura pag may nangyarinh masama sayo lalo na't dahil sa akin. Kagaya ngayon," sabay yakap sa akin. Para parin akong tuod na nakatayo sa harapan nila. Nang nilingon ko si Julie para manghingi ng tulong, aba'y nagpipigil ng tawa ang gaga.
"Ah eh Kuya Xy, una na pala ako nandon na sa labas ang sundo. Pakihatid nalang po si Ash ha? Sige bye!" Savi ni Julie sabay kindat sa akin at kumaripas ng takbo. Patay sakin yun bukas oh. Naman oh kung kailan ko kailangan ng tulong niya.
"Uhh Ash we are really sorry. Pasensya na sa pagsisimula ng gulo. We promise not to make some trouble with you ever." Sabi ng lider lideran nila. Instead of sayinh something I just smiled at them.
"Better," Xylem said. Hinigit niya agad ako palayo sa kanila. Mga 5 minutes kaming palakad-lakad. Hingal na hingal na nga ako pero di ako makareklamo.
Nang nakarating kami sa likod ng science laboratory. Nagkatinginan kaming dalawa.
Sabay halagapak ng tawa.
"Shit Yzabelle! Kung nakita mo lang ang mukha mo kanina na parang matatae! Pulang pula ka eh parang hinog na kamatis," maluha-luha niyang sabi.
Hinampas ko siya."Ay sobra ka naman Kuya! Eh ikaw kasi ginulat mo ako sa mga linya mo. Di ko alam marunong ka rin palang umarte. Nakakaawa tuloy yung mukha nung babae," sabay nguso ko. Eh totoo naman eh. Marami kayang nakakita nun. Kaya nga mas nahiya ako eh.
"What do you expect me to do? Hayaan nalang ang lil sis ko na maagrabyado? Baka maturn off sakin ate mo pagnagkataon," He said jokingly. Ayan na naman siya sa lil sis na yan. Nararamdaman ko na naman ang dibdib ko na sumisikip.
"Pero seriously Yzabelle. Stay away from danger okay? O kung may aaway nga sayo, wag ka ngang matakot na lumaban at ipagtanggol sarili mo. Kaya nga lagi ka nalang napapaaway eh. Tapos ikaw pa yung magsosorry."
