Chapter Two

222 1 0
                                    

Chapter Two

“Sam, Risha you are to dance for the upcoming UN. Each section has its representatives in high school, don’t worry you’ll be dancing as a group” She explained. I and Risha just nodded. Why do they always have to do it in a rush?

“Can I count on you both?” She asked. Again, we just nodded and she gave us an all-white-teeth smile only a student council head teacher has. “When do we practice ma’am?” Tanong ni Risha.

Muntikan na nga ako mapa-roll eyes eh. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit dapat English ang gamit sa pakikipag-usap sa mga teachers at English rin ang usapan kapag may mga teachers.

“Right after lunch, in the studio” That’s all she said before leaving. Right after lunch?

“Psst, Risha!” Tawag ko kay Risha na busy sa pangongolekta ng papel. “Bakit?” Tanong niya habang nakatingin parin sa mga papel na in-assign na ipasa sa kanya.

“Anong oras na ba?” Tanong ko. Ipinakita naman niya sa akin ang kanyang relo para ako na mismo ang tumingin sa oras.

Napa-awang ang bibig ko.

“12:05 na?” This time, napatingin sa akin si Risha at saka sa watch niya. Nagkibit-balikat lang siya. “Yun ang sabi dito eh. Malamang oo” Hindi ko nalang pinansin ang pambabara niya at tinakbo ang canteen.

12:10 ang lunch namin, pero may usapan kasi kaming magkakabarkada na sama-sama kumain. Maaga ang lunch ng ibang section kung nasaan ang iba naming kabarkada kaya dapat abot ako.

I know what ma’am means by after lunch, ibig sabihin nun dalian ang pagkain dahil after lunchtime lang ang free time. Pfft. That’s how it goes in this school.

Natapos ang lunch naming ng hindi tuloy ang pinagusapan. Ayun, badtrip. Kung bakit ba naman kasi nagpa-upo yung mga ugok ng iba.

I sighed.

“Ang abno talaga ng mga yun! Sila nga maghahanda ng lamesa, iba rin naman makikinabang” Reklamo ni Elle. Hindi nalang kami umimik kasi totoo naman.

Hindi nga kami nakakain ng lunch kasi wala ng table, sila lang inaasahan naming magreserve, nagpa-upo pa ng iba. Eto kami ngayon, binabantayan silang lumabas ng canteen kaso halata naman umiiwas sila.

Natakot siguro, buti naman kasi ang shunga ng ginawa.

“Ayan na sina Ray!” Si Ray. Ang ka-mutual understanding ni Farah. Napa-smirk ako.

Lahat sila nakatungo, tanging si Ethan lang ang lumingon at nag-sorry.

Hindi naming sila sinagot, masyado silang mailap eh.

SIgurado naman akong mag-aaya sina Jean na mag-intay ulit sa kanila para pagalitan.

“Putik naman oh! Hindi na ako nakakain” Lalo na ngapala kay Farah na walang inisip  kung hindi ang kumain.

Halos sakupin na nga ng pout niya ang mukha niya sa laki eh, hindi ko tuloy maiwasan hindi matawa.

Bigla naman akong siniko ni Jean, sinundan ko naman ang tingin niya na nasa hagdan at nakita ko ang pababang si Mirck. Lahat naman sila tinukso ako.

“Hi Sam!” Halata ang hiya sa kilos at boses niya, habol tingin rin ang paraan ng paglalakad niya. “H-hi” Nag-aalangan kong bati pabalik. Nang makalayo siya ay sinamaan ko agad ng tingin ang ngayo’y nagtatawanang sina Elle.

A Player's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon