Chapter 2

67 45 6
                                    

Shit. Shit. Shit.

Anong gagawin ko? Bakit siya naririto da harapan ko?

"Kilala mo siya, babe?" umiiyak ng babaeng nakabangga ko. Sino ba ang babaeng ito at grabe makaarte?

"Shh... Stop crying. Ano bang ginawa sayo nito?!" galit at madiing tanong ni Demitri habang nakatingin sa akin.

"Tinulak niya kasi ako sa hagdan." pagsisinungaling nito habang nasa mukha ang pagpapaawa. Huh! Talagang nagsinungaling pa.

"What the fck are you saying?! Obviously, ikaw ang nanulak sakin. Can't you see? Nasa mataas kang parte ng hagdan at ang laki ng gap nating dalawa. Kung tinulak man kita ano yun lumipad ka pataas? Nasaan utak mo, bitch?" hindi ko napigilang singhal sa kanya. Huwag niyang binabaliktad ang sitwasyon dahil sasamain siya sa akin.

Halata namang nagulat iyong mga taong nakapaligid sa amin dahil sa sinabi ko. Wala akong pakialam sa kanila!

Iyong iba natuwa ata at nakahanap ng katapat 'yong girlfriend ng taong kinahuhumalingan nila.

"See! Babe, kung anu-anong sinasabi niya sakin." lalong umiyak ang babae at yumakap pa ng mahigpit kay Demitri.

Aba't!

"Bobo ka kasi! Mag-aral ka muna bago ka lumandi." singhal ko sa kanya bago sila nilampasan at umakyat ng hagdan.

"Hailey..."

"Tsk. Taray mo, Aryan ha? Ganyan ba napulot mo sa San Diego? Makapunta na nga rin doon." na-aamaze na sabi niya ng makasalubong ko siya at pumulupot pa ang braso sa akin.

"Ms.Terror!"

"Y-Yan, si..." nauutal na sabi ni Hailey habang nakaturo sa likod ko. Nilingon ko ito at hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon.

"Demitri."

Naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang pagkakahawak sa braso ko habang kinakaladkad niya alo pababa ng hagdan.

"Shit. Demitri, bitawan mo si Aryan!" rinig kong sigaw ni Hailey habang humahabol sa amin.

"A-Aray. Ano ba! Bi— Ahh!" sigaw ko ng lalo niyang higpitan ang hawak sa braso ko.

"Anong karapatan mong gawin sa grilfriend ko yon?!" galit na tanong niya sa akin habang nanlilisik ang mga mata. Akala niya ba masisindak ako dyan?

"Ang alin? As far as I know. Wala akong ginagawa sa kanya!" nang-uuyam na sagot ko at tuluyang hinila ang braso ko na hawak niya. Ayokong-ayoko na napapalapit pa sa kanya.

"Wala. Eh 'yong ipahiya siya sa maraming estudyante?! Wala ba?!" pag-uulit niya.

Wala naman akong ginawang masama diba? Sinabi ko lang ang totoo at ipinagtanggol ang sarili ko.

"Ano bang problema mo, Demitri ha?! Wala namang ginagawa si Aryan sa malandi mong girlfriend ah!" galit na galit na sigaw ni Hailey ng maabutan niya kami.

"Isa ka pa. Anong karapatan niyong sabihan ng kung anu-ano ang girlfriend ko?!" pagbaling niya kay Hailey at ito naman ang sinigawan. Aba, namumuro na siya ah!

"Tanga ka na ba, Demitri? O sadyang kumagat ka na sa pustahan niyong tatlong mga gago?" nakangising tanong ni Hailey kay Demitri. Lalo namang nag-igting ang panga nito dahil sa narinig mula sa kaibigan ko.

"What th—"

"Demitri, tumigil ka na nga! Hailey, ako nang humihingi ng sorry sa ginawa niya sa kaibigan mo." sabi ng lalaking bagong dating na may malaking ilong kay Hailey.

"Ilayo-layo mo sa akin iyang kaibigan mo, Clever!" sigaw ni Hailey doon sa lalaking tinawag niyang Clever bago ako kaladkadin paalis sa harap ng maraming tao.

Cold-Hearted HeartthrobWhere stories live. Discover now