"Kailangan mong iwan sa Pilipinas lahat ng alaala mo doon para maging matagumpay ka dito sa pinasok mong buhay ngayon, Ice."
"Kinalimutan ko na ang lahat ng iyon. Hindi mo ako kailangang paalalahanan." malamig kong sagot.
"Huwag mong kalimutan. Dahil babalik at babalik ka din doon. Ang mabuti na lang sigurong gawin mo ay gawing inspirasyon ang lahat ng iyon at itago lahat."
"Salamat. Magtatagumpay ako sa larangang ito at papatunayan ko iyon. Hindi ko hahayaang maapektuhan ako ng mga alaalang iyon. Ito na ang simula." determinado kong sagot sa kanya bago nya ako niyakap.
~~~~~~~~~~
Gusto kong maawa sa itsura ni Manlillo ngayon ngunit hindi pa pwede. Kailangan ko munang magmatigas para sa plano ko.
"Huwag mong gagalawin ang pamilya ko. Gagawin ko ang kahit anong iuutos mo." nagmamakaawa nyang sabi. I remained impassive na nakatingin sa kanya na sargo pa rin ng luha. Hindi ko pa nga alam kung sino ang nanay at mga kapatid nya maging ang taong nasa likod ng insidente eh paano ko gagalawin. At wala akong balak gawin iyon. Parte lang iyon ng stratehiya para umamin sya. They are her weakness, yun ang una kong nabasa kanina sa kanya.
Madali syang paikutin. Kaya madali syang nasindak ng kung sino mang nag utos sa kanya. Kakilala nya lang din iyon at alam ang kahinaan nya.
"Kung ganun. Sabihin mo sa akin kung sino ang nag-utos sayo ng nakatingin ng diretso sa mga mata ko." utos ko ng may pagbabanta. Tinignan ko sa gilid ng aking mga mata si Dark. Para syang tanga, gulat pa ata sya sa inaasta ko ngayon. I can't blame him.
Ilang beses napalunok at napapikit si Tangerine bago napirmi ang mga mata nya sa mga mata ko. Hindi ako kumurap at tinitigan sya ng malamig. Nakita ko ang pangangatal ng labi nya bago nagsalita, "S-si Drae Knight Monteliaso." nanatili akong nakatitig sa kanya upang maitagong hindi ko kilala ang tinutukoy nya.
"Drae Knight Monteliaso?? Coach of your team?" gigil na sabi ni Dark. Marahas akong napalingon sa kanyang sinabi.
Kunot na kunot ang kanyang noo at nakatitig ng malalim kay Tangerine.
Tango lamang ang isinagot ni Manlillo. "Anong dahilan para utusan ka nya na gawin ang ganito kay Anica? Pumayag kang maging kriminal dahil sa utos ng coach mo? Why the hell did you do that?" matigas na tanong ni Dark.
"Hindi ko din alam. Hindi nya sinabi. Napilitan lamang akong sundin sya para hindi madamay ang pamilya ko maging ang team ko." sabi nyang sargo pa rin ng luha ang mga mata.
Nakakunot ang noo ko habang nakikinig sa kanilang dalawa.
"Please spare my family. Huwag nyo silang idamay." pakiusap nya pa.
Tumingin naman sa akin Dark. Tinignan ko lang din sya na tila walang pakialam.
"Walang mangyayaring masama sa pamilya mo kung susunod ka sa plano ko. Palalayain kita at kakalimutan kong pinagtangkaan mo ang buhay ko. Papabantayan ko din ang pamilya mo upang hindi magalaw ng Monteliaso na iyon. Isn't in a good bargain?" sabi ko na tila nakikipag-usap sa militar.
"Anong kapalit ng lahat ng yan?" humihikbi pa rin nyang tanong.
"You will be my spy. Umakto kang wala ka pa ring alam tungkol sa akin. At maging kaalyado ka pa rin nila. Just report me every detail you learn from that man na nag-utos sayo, lahat ng plano nya at lahat ng kaalyado nya." paliwanag ko.
"Paano kung hindi ako pumayag?" hesitant nyang tanong.
"Then goodbye to you. Bahala na din siguro ang grupo ni Monteliaso sa pamilya mo." balewala kong sabi.
BINABASA MO ANG
Yearning For Love
Ficción GeneralBITTER - yan ang malimit kantyaw sa kanya ng mga kasamahan. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil sa pananaw niya sa usaping pag-ibig. Ngunit hindi din nman sya masisisi ng mga ito dahil hindi din naman nila alam ang kwento sa likod ng pananaw...