Pinusuan nya kasi ang post ko sa instagram ... sa unang pagkakataon.
*****
Ako si Tadashi Earl Maniquiz. 'Dash' nlng for short, 'yan nmn kasi ang tawag nila sa akin. Kasalukuyang isang fourth year college stupident na kumukuha ng Bachelor of Science in Landscape Architecture.
Normal nmn ang buhay ko. Pumapasok sa umaga, gumigimik sa gabi. Walang super powers. Single by choice. Ayoko munang magka GF, concentrate muna sa pag-aaral. Naniniwala kasi akong darating rin ang tamang babae sa buhay ko sa tamang panahon.
Nasa bahay lng ako ngayon. Ayoko munang gumala ang lakas ng ulan sa labas eh may bagyo atang paparating.
Wala akong magawa. Hindi nmn ako pala-laro ng Dota nagsawa narin ako sa larong COC kaya inopen ko nlng ang Instagram account ko. Oo may IG ako mahilig kasi akong kumuha ng mga litrato gamit ang paborito kong camera.
114 posts 612 followers 224 following
Tambay muna ako sa IG. Hindi nmn ako peymus. Madalas ko 'tong ginagawa, nakakalibang kasi. Nag sta-stalk ako ng mga taong 'di ko kakilala na 'di rin nmn ako kilala . Hindi ako mashadong active sa fb kaunti lng nmn friends ko doon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ui may notif. Tinignan ko nmn agad kung ano.
Tumalbog na parang bolang dinidribol ang puso ko.
Letse.
Ngayon ko lng 'to naramdaman ulit.
Ambakla.
Pinusuan nya kasi sa unang pagkakataon ang post ko sa instagram.
Tinignan ko profile nya. Eto na nmn ako sa aking pag sta-stalk. Nakita ko ang mga posts nya. Larawan ng kanyang mukha, mas gumanda ata sha ngayon. Mga masasaya nyang ngiti kasama ang mga kaklase nya ata 'to. Mga awards at sandamakmak na medals nya.
Hindi nya ako finollow 'di ko rin nmn sha finollow. Nagdadalawang isip ako kung pipindutin ko ba o hindi 'tong green na rectangle na may nakasulat na 'follow'.
Arghhh tinapon ko ang cp ko. Bakit ba 'di ko kaya? Ang weak ko talaga.
Napahiga ako sa kama. Bakit patuloy parin sa pagtibok ng malakas 'tong puso kong torpe.
Haysssst.
Bakit hanggang ngayon ganito parin ang epek nya sa akin.
***
High school pa lng ako, iniidolo ko na si Maria Yumiko Imperial.
'Yumi' ang tawag sa kanya ng mga kaklase't kaibigan nya. Magkabatch lng kami pero niisang beses di ko pa sha nakakausap. Nahihiya kasi ako sa kanya.