Panimula

314 2 0
                                    

"Ma!" Tawag ko saking ina habang papasok ako sa maliit naming bahay.

Kadarating ko lang galing eskwelahan mula sa pag-e-enroll para sa susunod na pasukan. Last year ko na sa high school kaya na-e-excite ako. Ibig sabihin pwede na kong lumuwas ng Maynila.

Nadatnan ko si Mama sa sala namin kausap si Papa habang nagmemeryenda sila. Lumingon sakin si Mama nang mapansin nya akong pumasok.

"Nandito ka na pala Mia anak. Halika, samahan mo kaming magmeryenda ng Papa mo."

Lumapit ako kay Mama para magmano tapos kay Papa bago ako umupo sa tabi ni Papa.

"Anak, alam mo bang dumating kanina ang mga apo ni Don Augusto?" Tanong sakin ni Mama. Yun siguro ang pinag-uusapan nila kaninang madatnan ko sila.

Uminom muna ako ng juice bago sumagot kay Mama. "Hindi po Ma. Bakit?"

Ngumiti ng maluwang si Mama. Pakiramdam ko may binabalak sya at involve ako dun. Hay! Si Mama talaga.

"Hindi ka ba natutuwa? Di ba kalaro mo sila noong bata ka pa? Balita ko kasi anak dito nila tatapusin ang high school." Kinikilig na sabi ni Mama.

Napakunot-noo ako. Saan ba patungo ang usapan na ito?

"Di naman po silang lahat. Sina Carmela at Judith lang po ang kalaro ko noon. Tsaka kung dito nga po sila magtatapos ng senior year edi maganda. But I doubt it po na natatandaan pa nila ako. Matagal na panahon na rin po kasi nung huli ko silang makita."

"Adel hayaan mo na itong anak natin. Kung ano man yang iniisip mo itigil mo na." Sabi ni Papa at ipinatong ang isang kamay nya sa ulo ko.

Umirap na lang si Mama sa sinabi ni Papa. Ngumisi naman ako sa direksyon ni Papa. Kahit kailan talaga, kampi sakin si Papa. Kaya nga asar lagi sakin si kuya Miggy kapag inaaway ko sya. Ako lagi kasi ang kinakampihan ni Papa.

"Nakapag-enroll ka na ba anak?" Tanong sakin ni Papa.

Tumango ako. "Opo Pa. Excited na nga po akong pumasok. Isang taon na lang, makakapunta na ako sa Maynila. Miss ko na si kuya Miggy." Ngumiti si Papa.

"Basta pagbutihin mo ang pag-aaral ha?" Tumango na lang ako kay Papa bilang sagot.

KINAGABIHAN habang nakahiga ako sa kama, naisip ko ang mga apo ni Don Augusto na kalaro ko noon, pero di naman lahat.

Sa mga apo ni Don Augusto, apat sa kanila ang ka-edad ko. Sina Hugo, Carmela, Judith at Yohan. Pero may isa sa mga apo ni Don Augusto na hindi ko kayang kalimutan.

Paano ko sya malilimot kung sya lang sa kanilang magpipinsan ang di pumapansin sa akin noon. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama sa kanya noon para lagi nya akong tignan ng masama.

Kapag iniimbita ako nina Carmela sa bahay ng lolo nila noon palagi nakasimangot ang lalaking yon.

Pero isang araw, may ginawa sya na naging dahilan ng pagkamuhi ko sa kanya...

"Dito tayo sa may pool maglaro Mia. Dala mo ba yung doll mo?" Ani Judith sakin habang hila ako papunta malapit sa pool ng lolo nya. Si Carmela nakaupo na at hinihintay kami.

"Oo dala ko Dith." Umupo ako sa tabi ni Carmela ng makalapit na kami. "Nasan na yung doll house mo Ela?" Tanong ko.

Unexpected FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon