7 : The Call

44 1 0
                                    

"Sige, mauna na ako. Ingat kayo jan. Huwag masyadong malalakas yung boses niyo. Kita-kita na lang sa photoshoot niyo." Nakangiting sabi ni Manager habang tumatayo na sa pagkakaupo at dumiretso na sa pinto. Isa-isa na kaming lumabas sa mga kinaroroonan namin at nagpaalam sa kanya.

"Bye, hyung!" Pagpapaalam namin, na ang iba ay kumakaway pa sa pinto at si Suho hyung naman ang naghatid kay Manager hyung sa may gate.

Mukhang nakahinga naman ng maluwag lahat nang maisarado na ang pinto at ni-lock ito.

"Guys, matulog na tayong lahat. Maaga pa ang photoshoot bukas." Panimula ni Suho hyung at tumingin sa kanyang relo sa kaliwang kamay. "10 minutes lang para gawin lahat ng night routines niyo. Gawin niyo tapos, lights off na tayo." Parang direktor niyang sabi.

Pagkabigkas niya ng mga salitang iyon ay mabilis pa sa alas-kwatrong nag-unahan ang iba papunta sa banyo para magtoothbrush at maghilamos. Good thing, tapos na ako sa routine na iyon, dahil habang nagdidiscuss sila, hindi ako mapakali, kaya't maya-maya akong umalis sa sala para magbanyo.

Hindi ako nage-LBM. ( - _ - ) Hindi kasi ako mapakali sa paghahanap ng diary ko. Naiinis ako sa sarili ko. Hayst. Bakit ba napaka-makakalimutin ko? Bago pa akong mapagkamalang kung ano dito, dumiretso na ako sa kwarto ko.

Chinese members lang ang may sariling kwarto para daw makapag-adjust pa kami sa bagong paligid namin, pero alam niyo naman si Tao. Matatakutin iyon kaya 3 lang kaming nakakwarto. Doon siya natutulog kasama si Kris hyung sa isang kwarto. Yung kwartong dapat ay kay Tao, tinutulugan ng mga vocal ng grupo namin. Sina Chen, Baekhyun, D.O, at Suho hyung. Sa may sala naman palaging natutulog ang mga dancers.

Pagkasarado ko ng pinto ay mabilis na ulit akong kumilos upang libutin ang buong kwarto ko. Nasaan na ba kasi yun? Ang huli kong natatandaan ay nung...

'Yours truly, Lay'

Tama! Nung kumatok si hyung sa pinto ko at... at...

Napahawak ako sa buhok ko at ginulo ito. Saan ko nga ba nilagay yun? Sa drawer, tama. Patakbo akong umikot sa kama ko para tignan ang drawer na katabi nito. 2 layer lang naman kaya sigurado akong makikita ko din agad iyon. Nang mabuksan ko ang unang layer, may ballpen. Tama. Iyon ang ballpen na ginagamit ko para sulatan yun e. Hinila ko pa ito na parang tinatanggal na sa mismong lamesa. Puro papel pero wala doon ang diary ko. Nanginginig ko pang ibinalik iyon sa dati at binuksan naman ang ikalawang layer.

"Sana naman nandito na." Napakagat-labi ako sa paghahanap. Mababaliw na ako dahil patapos na rin ang 10 minuto na ibinigay sa amin ni Suho hyung.

Mukha nang bodega ang kwarto ko dahil sa kalat-kalat ng gamit sa paligid nito. Halos baliktarin ko na ang buong kwarto ko pero wala, ni isang bakas, ng nawawalang diary ko. Napapikit ako ng mariin at napahiga sa kama ko. Saan ko ba kasi pwedeng mailapag yun?

"AHA!" Napalakas ang sigaw ko kaya napatakip ako sa bibig ko, at baka may nakarinig sa akin. Napabalikwas ako sa kama at naupo ng maayos nang makarinig na nga ng sunud-sunod na katok mula sa pinto.

"Hyung, okay ka lang jan?" Narinig ko ang isang boses sa labas ng pinto na hindi ko makilala kung kanino ba. Chanyeol? Kai? D.O?

"O-oo! May ginagawa lang ako." Sigaw ko bilang sagot.

Medyo nakakailang na pakiramdam kong parang hindi umaalis yung tao sa harap ng pintuan ko kaya tumayo ako at binuksan ang pinto. Nalaglag naman ang ulo ng maliit na taong 'to sa may dibdib ko.

"D.O?" Tanong niya at mabilis na nag-ayos ng tayo. Ngumiti naman ito ng alanganin.

"Tulog na." Biglang naging poker-faced si D.O at parang zombie na naglakad papunta sa kabilang kwarto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Remember [An EXO Lay Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon