5: Denial

68 2 3
                                    

Chen's POV

Nandito kami ngayon sa sala, tahimik at tila walang kibo. Pero nararamdaman ko, ako lang yung hinihintay nilang magsalita.

"Eherm..." Pag-putol ko sa katahimikan. Lahat sila ay napatigil sa kanilang ginagawa at napalingon sa direksyon ko. Isa-isa ko silang tinignan. May mukhang nagtatanong, may mukhang naiinis, may mukhang di na naalis yung pagkakangiti, may mukhang naghihintay, may mukhang walang pakialam, may mukhang animal at may mukhang di ko makita. Madilim kasi.

Oy, kayo talaga. Kung anu-ano na naman yung iniiisip niyo dun sa sinabi kong madilim. Tsk. Kayo talaga. Hindi ko naman sinabing si Kai yun ah? Sinabi ko ba? Hahaha. Sorry na.

"May sasabihin ka ba?" Nakakunot-noong tanong sa akin ni Xiumin Hyung. Galit ata. Haaay. Bakit ba kasi ang seryoso nilang lahat? Parang sinabi ko lang na may kasamang babae si Lay Hyung, ganyan na sila.

"Hyung, ang tahimik naman kasi. Kanina pa kayo seryoso. Kanina pa kayong may malalim na iniisip. Binasag ko lang yung katahimikan. Nakakabingi e." sabi ko na medyo pa-cool pa na sumasandal sa sofa.

"Bakit hindi, e malapit na tayong mag-debut? Kapag nalaman ni Manager yun, baka ma-delay pa yung debut natin. Tsaka, alam naman nating sumisikat na tayo. Ngayon pa nga lang, tinututukan na tayo ng media." Nakakunot-noo pang sabi ni Suho-hyung.

"Bakit hindi na lang natin hintayin si Lay hyung at siya na lang ang hayaan nating magpaliwanag? Baka kung anong kalokohan na naman yung sabihin ni Chen." Ang sama ng tingin sa'kin ni Luhan-hyung. Pft. Ano na naman bang mali sa ginagawa ko? Hindi ko sila maintindihan.

Pagkatapos ng ilang minutong titigan at walang kaimik-imik na atmosphere sa dorm, may kumatok sa pinto.

"Hindi po kami nagpadeliver ng Pizz-- ARAY!" Batukan naman daw ba ako habang sumisigaw? Psh.

Lumakad na si Baekhyun sa pintuan at sumilip muna bago tuluyang buksan ang pinto.

"Speaking of..." Pabulong na halos sabi ni Baekhyun sa amin habang dahan-dahang tumatalikod sa pintuan at naglakad pabalik sa kanyang upuan.

"H-hyung.." Masama ang tingin ni Tao sa bagong dating na si Lay hyung. Pero si hyung? Malapad ang ngiti. Parang anghel na akala mong kabababa lang sa lupa.

"Anong pagkain natin jan? Gutom na ako e." Inosenteng tanong ni Hyung habang nagtatanggal ng sapatos sa labas bago tuluyang pumasok. 

Sabay-sabay na naglabas ng buntong-hininga ang mga kasama ko at patuloy na naman ang masamang tingin sa akin. Tinignan ko sila ng may 'ano-na-namang-ginawa-ko' look. Nakakainis naman. Nananahimik na nga ako dito e. Pft. Kumuha ako ng isang unan na malapit kay Xiumin hyung at itinakip ito sa mukha ko. Ang gwapo ko naman kasi talaga. Kanina pa silang nakatitig sa'kin. Tulungan niyo po ako. Baka pinagnanasahan na ako ng mga kasama ko sa mga isip nila. >.<


3rd POV

'Tila hindi naman napansin ni Lay ang kanina pang tahimik na paligid habang sila ay sabay-sabay na kumakain.

"A-aish! Wala ba talagang magsasalita sa inyo? Natutuyo na yung laway ko." Sabi ni Chanyeol sabay sa pagbitaw niya sa chopsticks niya at isa-isang tinitigan ang kasama.

"Magsalita ka kasi, para hindi matuyo." Nakapoker-face na sabi ni D.O habang kumukuha muli ng extrang kanin.

"Ugh. Busog na ako." Pagsuko ni Sehun at isinandal na ang kanyang likod sa upuan at pumikit para huminga ng maayos dahil sa sobrang kabusugan.

Isa-isa nang natatapos nang pagkain ang 12 binata at isa-isa na rin silang sumasandal sa mga upuan, signal na busog na sila. Nag-aabutan na rin sila ng pitsel para sa kanya-kanyang tubig na iinumin bilang panulak.

"Laro tayo! Ang tahimik. Boring." Pag-aaya ni Lay at humalumbaba sa lamesa habang tinitignan ang mga platong wala nang laman at mga basong ubos na rin sa tubig.

"SPIN THE BOTTLE!" Sigaw ni Tao na napatayo pa sa excitement. Napalitan agad ng masiglang mood ang binata samantalang kanina ay mabaliw-baliw na siya dahil sa kaba sa kung ano ang mangyayari sa kanila.

"Nasan naman ang bote?" Pataas pang kilay na tanong ni Kris na hindi mo alam kung gusto rin bang maglaro o nahihiwagaan lang dahil wala namang bote sa paligid.

"Order tayo ng Soju. Tapos yun na lang gamitin natin sa paglalaro." Sagot ni Tao at umupo na muli para ilibot ang tingin at maghanap ng bote.

"Wag yun! Malalasing tayo nun e. Tsaka matagal pa bago dumating yung order." Pagkunot ng noo at pagtanggi ni Luhan sa ideya ni Tao.

Nakalimutan na nga ata ng lahat ang tungkol sa sinasabi ni Chen kanina. Pero si Kai, malalim pa rin ang iniisip sa isang sulok, nakatulala sa sahig.

Isa-isa na silang tumayo maliban kay Xiumin at Suho na nagpresenta nang magligpit ng kinainan nila. Naghiwa-hiwalay na rin sila ng daan. Ang iba ay dumiretso sa kwarto, ang iba ay nasa sala, at ang ilan naman ay sa dance practice room.

Sa sala...

"Saan ka galing?" Bungad na tanong ni Luhan habang papaupo ang inosenteng si Lay sa sofa, katabi sila Tao at Kris. Nagsama-sama sa isang lugar ang mga Chinese Members at doon nagkaroon ng masinsinang usapan.

Bumalik na rin ang masasamang tingin at ang tensiyon na namumuo sa pagitan nilang apat.

"Ako? Wala. Nagpahangin lang." Kampanteng sabi ni Lay. Dahil mas malapit siya kay Tao, nilalaro niya ang braso nito at akmang kakagatin pero inilalayo agad ito ng binata.

Tinapik naman ni Kris ang balikat ni Lay na parang sinasabing makinig kay Luhan.

"Ang tagal mo namang nagpahangin..." May pagdududa sa tono ng pagtatanong niya.

Luhan's POV

Nakakapagtaka naman na napatagal siya ng pagpapahangin. Ang sabi niya pa kaninang umaga, mag-gagala lang. At yung sinabi ni Chen... Parang may hindi kami alam sa ginagawa ni Hyung. Medyo nakakapagduda din yung mga kilos ni Kai. Parang palagi siyang may iniisip kaya kapag practice, medyo mabilis siyang mapagod. May nangyayaring hndi maganda. Kailangan makausap namin sila ng maayos. Magseset ako ng Bubble Tea session para sa kanila. 

"Hyung, paano 'to?" Napatalon naman ako sa sofa at naibato bigla kay Sehun ang unan na hawak ko kanina. Nakakagulat naman kasi. Nasa gitna ako ng pagmumuni ko, tapos biglang lalapit sa likod ko, bubulong sa tenga ko para lang magpaturo sa rubix cube na hawak niya. Teka--

"Saan mo nakuha yan?" Pagtatanong ko sa kanya habang titig na titig sa hawak niyang laruan. Bakit parang ito yung nakatago sa bag ko at kabibili ko lang?

"I-iniabot lang sa'kin." Palunok-lunok lang niyang sabi sa akin. Sabi ko na nga ba!

Tumayo ako at binigyan siya ng head lock. Ayoko sa lahat, yung pinapakelaman yung gamit ko. At hiindi pa nagpaalam, huh?

"Sinong nag-abot sayo? Sino?!" Sabi ko habang ngayon ay yakap-yakap na si Sehun dahil sa pagpupumiglas niya. Hindi ko talaga 'to titigilan hangga't walang salarin!

"Hello---"

Natigilan kaming lahat ng may dumating. Parang tumigil ang lahat, walang oras, walang kahit anong ingay. Kahit siya e natigilan sa pagkakita sa amin.

"Manager?!" Nanlalaking mata na sabi ni Suho habang nagpupunas ng kamay matapos maghugas ng kinainan.


***

A short 3 POV's update. Thank you po sa lahat ng nag-add ng I Remember sa Reading Lists niyo! Thank you sa mga naghintay ng halos isang taong walang update dito. Naka-draft na talaga ito pero di ko masundo kasi yung environment ko, medyo nakakaapekto sa mood ko magsulat. Thank you ng sobrang dami sa nag-follow sa'kin. I know, sayang lahat ng read nito dati kasi I know, they're one of the greatest writers in Wattpad now. Basta, thankful po ako, at the same time, sorry sa lahat ng pagkukulang. Ahe. So, hope you enjoyed the chapter! ^_^

-Uniceairasarmie1

I Remember [An EXO Lay Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon