4:His Diary

177 3 1
                                    

Hannah's POV

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Ang makulit, maingay, mataba, at makakalimutin kong bestfriend, sisikat na. Akala ko, mapapatulad na siya sa ibang artista na kapag sumikat, kung minsan, hindi na kilala ang mga dating kaibigan. Pero si Yixing, ibang-iba talaga siya. Pumuti siya ngayon, pumayat pero nagkaroon ng muscles, hindi na gaanong pala-imik. Ang dami niyang pinagbago.

"Tsaka, Hannah, alam mo ba, ang dami namin sa dorm. Maniwala ka at sa hindi, 12 kami sa loob." Okay. Masasabi kong maingay pa rin siya, ng konti. Haha. XD

"Hmm.. Wag ka na muna magkwento. Kumain ka muna. Baka mabulunan ka pa." Sabi ko sa kanya habang nakangiti. Hayy, buhay nga naman. Ang bilis-bilis.

Ngumiti naman siya pabalik at itinuon na ang atensyon niya sa pagkain. Namiss ko 'tong bestfriend ko. Nakakaiyak! Hahaha.

Habang hinihintay ko siyang matapos, pinagmasdan ko siyang kumain. Iba na talaga siya. Pasensya kung paulit-ulit pero hindi ko kasi magawang hindi magulat sa mga bago niyang ikinikilos. Yung pagkain niya, nabago na rin. Kung dati, lahat ng amount ng pagkain na iniisip niyang kaya sa bibig niya, kinakain niya. Pero ngayon? Paunti-unti na siyang sumubo.

Hindi ko na sana mapipigilan ang sarili kong tumawa nang bigla akong mapatingin sa notebook sa tabi ng kamay niya. Ano kaya yun?

*ringgg!* *ringgg!*

Bigla namang nag-ring ang celphone niya. Tumingin naman muna siya sa akin na para bang nagtatanong kung pwede niyang sagutin yung tawag. Ngumiti naman ako at tumango. Tumayo naman siya at nagtungo agad sa CR ng mga lalaki.

Bigla na namang napukaw ng notebook ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong meron sa notebook na parang tinatawag akong hawakan siya. Dahil na rin sa kagustuhan kong malaman yun, kinuha ko ang notebook at binasa ng mahina ang naka-imprinta sa harapan nito.

"My Diary..." bulong ko.

Kelan pa nagkaroon ng diary si Yixing? Alam ko naman, wala kaming lihiman eh. Pero baka naman nabili niya lang 'to habang trainee siya.

Handa ko na sanang buksan yung diary niya ng mahagip ng mata ko na paparating na siya. Agad ko namang itinago ang diary sa bag ko. Mali na kung mali, pero kasi baka makita niya pa ako.

"Pasensya na ah. Tumawag kasi yung ka-member ko. Pinapabalik na ako sa dorm." Sabi niya ng makaupo sa upuan at tumingin sa direksyon ko.

"Ah. Ganun ba? Sige." Yun na lang yung mga salitang nasabi ko dahil sa kaba. Kaba na baka mapansin niyang wala yung diary niya, at kaba na baka ito na ulit yung huli naming pagkikita.

"Gustuhin ko pa sanang mag-usap tayo at magkamustahan kaso mukhang hanggang dito na lang muna. Sa susunod na ulit ha? Pasensya na kung hindi na kita maihahatid. Baka kasi hanapin na rin nila ako. Magaling ng maingat." Sabi niya sa'kin habang hinahaplos yung batok niya. Pero ang sunod niyang ginawa, ay hinawakan niya ang kamay ko at tumingin ng diretso sa mata ko. Hindi ko alam kung may kung ano sa loob ng katawan ko na nakakapagpainit ng pakiramdam ko. Kakaibang pakiramdam na kasabay ng kuryenteng parang dumaloy sa kamay ko habang hinahawakan niya ito.

Ngumiti na lang ako at tumayo.

"Tara na?" Sabi ko sa kanya. Tumayo na rin naman siya at isinuot ang pang-disguise niya . . . habang hawak niya pa rin yung kamay ko.

"Tara." Sagot naman niya sa'kin habang nakangiti.

Hinayaan ko na lang muna na magkahawak ang kamay namin. Ngayon na lang ulit kasi 'to mangyayari. Baka hindi na maulit.

Nang malapit na kaming makarating sa pintuan, tumigil siya sandali at humarap sa'kin.

"Hannah, alam ko magkikita pa tayo. I-text mo ako kung kelan ka free ah? Para naman kapag wala kang makausap o magawa, pwede tayong magkita." Sabi niya ng  nakangiti. Hindi ko alam kung nakatingin siya sa'kin ng diretso. May salamin kasi siya eh. Tumango na lang ako bilang sagot.

Lumapit naman siya sa akin at hinalikan ang noo ko at pagkatapos noon ay niyakap niya ako. Ano ba talagang meron sa bestfriend kong 'to? Hays. Gusto ko pa man siyang samahan palabas, sabi niya baka daw may iba nang makahalata. Kaya, eto na ako ngayon, naglalakad palabas ng mag-isa.

*Ringgg! Ringgg!*

Agad ko namang binuksan ang bag ko para sana hanapin ang cellphone ko. Pero isang bagay ang nakapagpatigil sa'kin. Yung diary ni Yixing, nasa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil sa nasa akin yung diary niya.

Naguguluhan man ako, hinanap ko pa rin ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.

Someone’s POV

Setting: Dorm

Hindi pa rin mapakali si Kai sa pag-iisip ng misteryosong ‘Hannah’ na nakita niya sa cellphone ni Lay. Patuloy lamang siya pag-lakad, paggulo ng buhok at bigla na lang uupo.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Suho. Sa tinagal-tagal na rin nilang magkakasama, kabisado na ni Suho ang mga galaw ng bawat isa.

 "Parang kanina pang malalim 'yang iniisip mo ah?" Sabi naman ni Baekhyun na noo'y napapansin na rin pala ang kakaibang kinikilos ng binata.

Kinakabahan man si Kai, sinubukan niyang magtanong sa mga kasama.

"May kilala ba kayong babaeng 'Hannah' ang pangalan?" Sabi niya na nakapagpalingon sa ibang miyembro ng grupo. 

"Hannah? Wala naman." Sagot ni Chanyeol na napabaling din ng tingin nang magtanong si Kai.

"Bakit mo naman naitanong?" Tanong ding pahayag ni Xiumin. Medyo nakukuha na ni Kai ang atensyon ng lahat at mapapansin na rin ang unti-unting pagkunot ng mga noo ng iba.

Nag-aalinlangan pang tumingin si Kai sa lahat na naghihintay ng sasabihin niya. Nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga at tumayo sabay lagay ng kamay niya sa bulsa.

"Kasi..." Panandaliang naudlot ang sasabihin niya nang isang malakas na kalabog ang kanilang narinig mula sa may pintuan.

*BOOOGGGGSSSHHHH!!*

Parang isang malakas na hangin ang tumulak sa pintuan at inilabas si Chen na tila hingal na hingal pagdating. Nagulat ang lahat sa bigla nitong pagsigaw at sa sinabi nito.

"GUYS! SI LAY HYUNG, MAY KASAMANG BABAE!!!"

Tila rinig sa buong bahay ang boses ni Chen na sapat na para maintindihan at marinig ng iba ang kanyang sinabi.

Nanlaki ang mata ni Kai at agad na tinignan si Chen.

'Yung Hannah kaya yun?' Bulong na tanong ni Kai sa sarili.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Yeah. Heto na ulit ako sa sobrang habang PASENSYA. Sorry sorry sa lahat ng nainip na maghintay netong update. Alam ko hindi siya mahaba kaya pag pasensyahan niyo na rin. Oo nga pala, malapit na ang sembreak so I'm Hoping na sana talaga, makapag-focus na ako dito. Ayoko namang mawala na lang 'to bigla sa mga alaala niyo. xD Drama. Pero sorry talaga ng napakarami. Anyways, ayan na! Nagsalita na si Hannah. What can you say? :) Comments are highly appreciated. 

Posted: October 17, 2014

I Remember [An EXO Lay Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon