Chapter 14: escape from the abyss part 1: strange man

1.2K 34 0
                                    

Sa huli matatapos na din tong labanan na to.. habang nag lalakad kami ng kasama ko kase anlupet ng kalaban namin eh pero anyway habang nag lalakad nga kaming dalawa may nahagip sa paningin ko na parang isang tao na dumaan na naka hood siya na parang yung kulto style ang itsura ambilis niya nga eh.. kaya inisip ko na guni-guni ko lang yon..

“oh liz bakit may problema ba?”

“ah wala kase parang may dumaan eh ewan ko ba kung ano yun..”

“ah wala yun baka mga ano lang yun hangin..”

So di ko na nga pinansin yun nag patuloy kami sa pag lalakad naming hanggang sa makarating kami dun sa may dulo ng riles.. actually angweird eh kase napansin ko meron naman sa tabi ko dumaan mabilis lang na parang yun din yung kanina..

 Ang weird talaga may nakahood na nadaan tapos sayad hanggang lupa ang damit niya..

Hanggang sa di ko na namalayan yung kasama ko nawala na.. tapos linga ako ng linga sa paligid baka kase andun lang siya hanggang sa may lumalapit saking tao.. akala ko yun na yung kasama ko yun pala yung nakikita ko kanina pa..

Lumapit siya sa harapan ko.. tinaas niya ang kamay niya sa harapan ko at isang liwanag.. napaka lakas na liwanag..

Dun sa liwanag na yun parang may nakikita ako.. yung bahay ng lolo ni Philip at yung bahay kasama ng lolo niya na at kami din.. na nakahiga lang lahat sa lapag at isang matanda.. na parang siya din yung andito..

Sa una naguguluhan ako sa nakikita ko kase ang alam ko kalaban pa din nila yung matandang tagabantay.. habang ina analyze ko yung nangyayari may boses na lumabas..

ang lahat ng ito ay panaginip lang kailangan mong magising at ng matapos na ang lahat ng ito..

Biglang nawala yung liwanag at yung naka hood na tao ay nasa harapan ko pa din at yung kasama ko wala pa din siya dun..

Tinanggal niya ang hood na nakasuot sa ulo niya.. pagtanggal niya laking gulat ko sa di ko inaasahan..

“leo panung.. buhay ka?!”

“hindi patay na ko.. diba nga sabi ko panaginip lang to..”

“pero pano mo nasabing panaginip lang to?”

Inexplain niya ang lahat para magets ko napaka slow ko kase sa mga bagay na ganito lalo na pag sunu-sunod na yung mga pangyayari na puro twist lahat..

“kaya kailangan magising ka na.. at para matapos na to..”

“pero leo bakit ako lang bakit di nalang yung iba?”

“eh kase sa ngayon talo na sila eh pianpanuod ko lahat ang laban niyo.. lahat sila wala ng malay kaya ikaw nalang ang pag asa nila..”

“huh? Weird talaga..”

“sus eh di inshort kailangan mo lang gumising at gamitin mo yung gamit na binigay sa inyong tatlo..”

“yung binigay samin..?”

“oo yun ibabato mo yun sa kanya tapos yun mawawala na siya mateteleport siya sa mundo na kung san siya nararapat..”

“ah pano nga ko magigising..?”

“para magising ka hanapin mo yung exit ng train station na to at pag nakalabas ka dun magigising ka na”

May mga tanung pa ko kaso unti unting nawawala ang katawan niya na parang sumasama siya sa hangin

“ikaw nalang ang pag asa nila..”

Yun na ang last words ni leo bago siya mag fade sa harapan ko.. sa nagyon mag sisimula akong mag hanap ngayon sa wala ewan ko ba nag iba iba na kase to eh di to yung original na itsura ng station..

Since panaginip to at siyempre may kapangyarihan ako susulitin ko na aba minsan lang to eh pag gising ko normal na to.. wala na ordinaryong tao nalang ako..

Ginamit ko yung crystal na bigay sakin ni Philip.. inutusan ko yung crystal bago yun gumalaw yung crystal papunta dun sa exit ng trainstation nung mag sisimula na kung maglakad ay dumating nanaman yung naka hood na lalaki.. inalis niya yung nakatakip sa mukha niya..

“liz..”

“leo.. bakit?”

“sabihin ko lang na maging alerto ka sa paligid mo.. tsaka since magic na rin ang gumagalaw sa paligid na to mag ingat ka na din sa mga puno dito ang ilan kase dito ay buhay..”

“ganun ba o sige yun lang pala eh..”

“tsaka isa pa yung taga bantay kaya niyangparamihin ang sarili niya mag ingat ka sa kanya dahil yung mga kopya ng sarili niya kasing lakas niya din di yun normal na kopya lang..”

“o sige.. mag iingat ako..”

“good.. sige aalis na ko andito lang ako gagabayan kita..”

At yun umalis na ulit siya.. I wonder kung ano nga ba nasa loob nito..

Nung papasok na ko sa loob may narinig akong boses sa likuran ko na tumatawag sakin..

Yun pala yung kasama ko.. bigla kasi siyang nawala eh ayun sinabi ko sa kanya na binigyan ako ng misyon nung strange man.. at sabi niya tutulungan daw niya ko siya daw yung bahala para matapos ko dawyung misyon ko..

Nakapasok na kami sa loob medyo creepy kase yung mga puno may mukha sila na parang lalaban sila anytime.. biglang may umihip na malakas na hangin at sa hangin nayun biglang parang may bumulong din sakin..

“liz.. mag ingat ka kasama mo baka maging hadlang siya sa misyon mong pag alis dito..”

Pagkatapos nun alam kong si leo ang dumaan at may babala nanaman siya sakin siguro tama nga siya na dapat wag ako masiyado mag tiwala sa kasamahan ko dahil na take over na nga silang lahat malamang mag turned yun against me bat kase sinabi ko pa yun sa kasama ko bwiset lang..

“ahh.. ano san po ba kayo nanggaling? At bigla kayong nawala..”

Paglingon ko nagcharge na siya ng pag atake sakin yung fireball sa kamay na naktutok sakin..

“anung?! Bakit?”

“kailangan kitang pigilan sa misyon mo dahil hadlang ka sa tagabantay..”

“anung pinag sasabi mo?”

Di na siya nag salita at inatake na niya ko agad.. at tumakbo na ko nangangahalatio na din atayung tinatakbo ko at yung crystal na binigay sakin ni Philip ay tumigil na siya.. dun sa parang may covered na sanga..

Siyempre para matanggal yun at dahil sa panaginip nga lang to.. ginamit ko yung kapangyarihan ko.. wooh !! di ko akalaing mag raranasan ko to at dahil lang sa mga kaibigan ko to ha..

Natanggal ko nay un mga sangang nakaharang sa daanan pero nung dadaan na ko may fireball na tumama  sa tabi ko..

I have no choice pero labanan siya.. siguro yun lang ang paraan para maka survive ako at matapos na ang lahat ng gulong to..

train station (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon