Chapter 6: The unclosed case of ana calizo

2.4K 67 0
                                    

Hapon na ng natapos sina liz sa pag tatanung tanung tungkol sa train station.. pagabi na din ng natapus sila sa kabila ng pag tatanung nila ay nabanggit ng isa sa pinag tanungan nila liz si ana calizo na isang college student na namatay din sa train station.. na kung saan namatay ang ka officemate nilang si leo..

“hayy sa wakas natapos na din ang araw na to grabe nakakapagod talaga”

“oo nga eh nakakapagod talaga sobra.. imagine ang lawak pala ng station na to palibhasa ngayon ko lang nalibot eh..”

Habang nag kukwentuhan ang dalawa si Philip ay mag isa lang sa likod na tila malalim ang iniisip..

“hoy!! Philip!!” sigaw sa kanya ni liz

“ah bakit??”

“kanina ka pa tahimik ah anung meron..?”

“ah wala curious lang ako sa college girl nay un..”

“ah sino..? yung ana calizo ba?”

“oo kase parang may story yung pagkamatay niya eh.. sino kaya siya talaga nung nabubuhay pa siya?”

Nakaramdam ng konting selos sa narinig niya kay Philip

“uii.. nag seselos siya!!” kantiyaw ni rex kay liz

“ui hindi ah.. asa ka naman..”

“eh bat ganyan ka parang na bad mood ka bigla kanina lang ang saya mu ah uii aminin na kase..”

“hay nako tumigil na nga kayo para kayong mga bata.. wala lang yun curious lang talaga ako.. sige una na ko senyo ah ditto na ko sa terminal eh bukas ulet haJ”

Naghiwalay na ang tatlo.. pag uwi sa bahay ay agad na nag search si Philip tungkol kay ana calizo.. ng nakita niya sa google ang name na ana calizo ay nakita niya sa preview na namatay daw ito sa train station at agad niyang knilick yung site tungkol kay ana calizo..


“the unclosed case of ana calizo.. wow sounds  really curious bat kaya di pa solve yung case niya..”

Binasa ni Philip ang article tungkol kay ana calizo nakasalaysay dito ang pagkamatay ni ana calizo nung February 25 2007..

“5 years na din pala siyang namatay di manlang ba siya naalala ng mga kamag anak niya or mga kaibigan niya..”

Binasa pa ulit ni Philip ang mga sumunod na pang yayari tungkol kay ana calizo.. namatay siya sa train station na kung saan sila nag investigate kanina.. at ang kinamatay niya ay suicide act daw pero may mga nag sasabing na may huling tao daw itong nakausap ngunit nag tangka itong gahasain siya kaya’t  nanlaban ito at sa kasamaang palad ay naitulak siya nito sa riles kung saan malapit na dumating ang tren at saka ito nasagasaan at yun na ang naging sanhi ng pagkamatay ni ana calizo..

“hayy ang haba naman nito..grabe ah di ko akalain na ganito pala ito kahaba kala ko naman saglit lang..”

Habang nag babasa siya ay may tumawag sa kanya at si liz yun..

“hello?”

“hello PhilipJ” masayang bati ni liz kay Philip

“o bakit bat ka napatawag?”

“ah wala nangangamusta lang..”

“ah ganun ba..”

“anung ginagawa mo ngayon..?”

“ah binabasa ko yung article sa internet tungkol kay ana calizo..”

“ah ako din eh same pala tayo ng ginagawa..”

“hayy.. feeling ko kulang pa ito eh tong mga details dito..”

“bakit naman?”

“kase walang nakalagay kung san siya nakatira at wala ding reference tungkol sa kanya.. kaya mahirap na gusto ko itanung kung sino yung huli niyang nakasama nung last day ng buhay niya ditto sa mundong ibabaw..”

“ah o sige samahan na lang kita bukas kasama ko na din sir ex para tayo ulitJ”

“ah o sige babyeJ good night sayo lizJ mwaahJ”

At nag end na ang phone conversation nila philip at liz.. kinabukasan ay nag meet ulit sila din na sa train station kundi sa isang police station..

“hay nako Philip ano ba ginagawa natin ditto?”

“kukuha tayo ng information tungkol sa case ni ana calizo.. kase ditto na assign ang case niya nung mamatay siya..”

Pag pasok nila sa loob ng police station ay pumunta agad sila dun sa chief police ng station at dun nila tinanung yung tungkol sa case ni ana calizo..

“ah yun ba si sp03 yap ang may hawak ng kaso nay un..”

“ah ganun po ba nasan po ba siya ngayon..?”

“andito siya kaso nag lunch break lang kaya niyo ba mag intay atleast 30 minutes?”

“ah o sige pos a labas na lang po kami mag iintay..”

“ah o sige..”

Makalipas ang 30 minutes ay dumating na si sp03 yap at kinausap nila ito tungkol sa kaso ni ana calizo.. sinabi ng sp03 na hanggang ngayon ay misteryo ang pagkamatay ni ana calizo dahil mahiwaga nga ang pagkamatay niya sabi nila may huli itong nakasama kaya kinontact daw nila ang mga kaibigan ni ana calizo ngunit iisa lang daw ang binanggit ng lahat.. nung maganap daw ang aksidente ay nasa bahay lang sila nung oras nay un..

“ah eh pede ko po ba mahingi yung mga information tungkol kay ana calizo kung pede lang po sana?”

“ah masiyado kasing confidential ang kaso niya pinaprivate kase ito ng family niya after ng pagkamatay niya..”

“ah may permit naman po kami kay chief alam niya nap o kase ang tungkol dito..”

Agad namang naniwala ang sp03 kay Philip kaya bigay agad ito sa kanya ngunit ibalik da agad ito matapos nilang gamitin..

train station (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon