"Maaaaa!! Bat hindi mo ako ginisiiiiing, late na akoooo!!" sigaw ko mula sa kwarto ko"Nag alarm ka dapat, hindi na dapat kita ginigising !"
"Pero ginigising ako ni Ja-!!"
Bigla ko binawi sasabihin ko.
Pag umaga kasi ginigising ako ni Jane kapag papasok ako sa work. Pero almost 6 years na ang nakalipas.
Wala na siguro paraan para makita pa yung babaeng yon at saka ayoko na din makita sya.
"Anu yon erick?
" Uhm wala po ma!"
Ayaw ni mama pinag uusapan si Jane kase sobrang sumasama loob nya sa divorced namin.
"Si Jane nanaman ba?"
"Huh!? hindi po wala po!"
"aaah okay sige bilisan mo magready ka na sa work mo late ka na!"
"Hindi na ako papasok! sobrang late na po ako eh!"
"At ano naman gagawin mo dito maghapon? hihilata ka nalang dyan?"
"Ma ayoko magkulong dito kasama kayo baka talakan nyo lang ako dito maghapon hahaha." pabiro kong sabi kay mama
"Abay pasaway kang bata ka!! eh ano gagawin mo dito aber!!?" sumbat ni nanay habang nakapamewang sa harap ko.
"I'm going to call Collin, And we're going out! For a date!"
"Aba'y malanding bata!! pano kung makita ka ng mga katrabaho mo pagala-gala kayo dyan."
"No problem mom! sasabihin ko sa kanila, I'm your boss!"
"Baliw!" Natawa nalang si mama at bumaba na ulit sa kusina.
Maya-maya kasama ko na ang Girlfriend ko nagpunta kami sa mall, nanood ng movie tapos kumain at dumeretso sa park.
Nakaupo kami sa isang bench sa ilalim ng malaking puno, naakaakbay ako sa kanya.
"Mahal ice cream oh! dyan ka lang bibili ako" sabi nya habang papunta kay mamang sorbetero.
"KOLEEENG!!"
"Bubble Gum"
"No! ayaw mo nang Bubble Gum flavor diba!?"
"Ayy oo nga pala haha!" napangiti nalang ako
FLASHBACK
"Favorite mo talaga Coffee no? i want you to try Bubble Gum!" sabi ni Jane habang pinapadilaan nya sakin yung Buble Gum ice cream nya.
"Eeeeeew ayokooooo!"
"Dapat mo magustuhan yaaan, change flavors"
"Bat naman mali bang coffee gusto ko?"
" Hindi! i just want to torture you" tumawa sya nang mapang asar.
"Pfffft! okay fine gusto ko na ang Bubble Gum ! Sarap nga eh!"
Simula non nagustuhan ko na ang Buble Gum flavor.
END OF FLASHBACK
May mga bagay talaga na magpapaalala sa atin ng ating nakaraan lalo na yung masasayang sandali ng iyong buhay.
Pero ayoko naman ubusin ang panahon ko sa mga ala-ala nya.
Hindi ko na dapat sya iniisip at wala na ako paki alam sa kanya.
At sa tingin ko wala na din sya pakialam sa akin at wala na din sya interes makita ako.
siguro may anak na yon?
BINABASA MO ANG
Close As Strangers (On-Going)
RomanceAs story of a couple got married then got divorced because of each other mistakes, they treat their relationship as a mistakes after their divorced but few years later they knew that they're both have feelings with each other left in their hearts.