---*Ella's POV*
"Ate! Ate! Ate! Wag mo kong iwan! Ateeeeee!" At napabangon ako bigla, panaginip lang pala hindi ko kayang mawala si Ate pero wag naman sana.
Kaya agad kong kinuha yung phone ko at kinontak yung si ate bigla kasi akong kinabahan eh .
'Krrrrrriiiiiinnnnnnngggg'
'The number you have dialed is ....'
Pinatay ko na yung phone ko di ko naman makontak eh .
Hayyyy Lord kayo na pong bahala kay ate wag niyo po silang pabayaan . Maraming maraming salamat po .
After magdasal, inayos ko na yung gamit ko at naligo may pasok eh .
After kong maligo at magbihis ay umalis na ko syempre nilock ko yung pinto . Papunta ako sa isang Sari-sari store para bumili ng almusal . As usual softdrinks and Junk foods lang naman ang aking almusal.
Nung nakabili na ako binuksan ko naman yung chichiriang hawak ko at nung akmang kakaainin ko naman ay may pumigil sa akin kaya napatingin ako kung sino ...
"Ang aga aga yan yung almusal mo?!" Sabi niya .
"Oh!" At inabot niya sa akin yung Sandwich niya and Vitamilk . Hindi ko sana kukunin pero nagpupumilit siya eh haha .
Kinuha ko naman at kinuha niya yung pinamili ko .
"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko .
"Kakainin ko malamang sayang naman" sabi niya .
"Share na tayo dito Ward" sabi ko .
"Naku kulang pa sayo yan haha" aba at batukan ko nga hahaha .
"Aray ha?!" Sabi niya at hinihimas yung ulo niyang binatukan ko .
"Bakit angal ka ha?!" Sabi ko ng taas noo .
"Hahaha halika na nga!" At ginulo niya yung buhok ko . Loko to ang tagal tagal kong ayusin tas guguluhin niya lang?! URGH! Panira ng araw talaga tong bwiset na to!! Pigilan niyo ko!
"Kuyaaaaaa!" Sigaw ni Monique papalapit samin ng hingal na hingal. Nyare? Pero nagulat ako ng tinawag ni Monique si Edward na kuya .
"Ah oh bat may nangyare ba??" Sabi ni Edward .
"M-may n-namatay n-naman" pautal utal niyang sabi kaya automatic na gumalaw yung mga paa namin na patakbo sa classroom. Sino? Sino nanaman?
Pagkapasok namin sa class room may nakita kaming note sa board using blood .
Ang nakalagay .
'I am second but I am first what I am? Find me.'
Yan yung nakalagay sa board . May ibang umiiyak, iba natatakot .
Pero bakit siya nakangiti? Siya kaya?
Bat nakangiti si Kirby, siya ba?? Wag munang padalos dalos mahirap nang maghinala .Binalik ko yung atensyon ko sa board sinubukang sagutan ang bugtong ba to ay ewan .
Hmmmmm . Lahat kami nag iisip maski si Edward .
I am second but I am first? Anu ba to?
I am second ? Huh , number 2?
But I am first? number 1?Wait ..........
Wait, medyo parang masasagot ko to .
Aha !!!
"EVEN! NUMBER TWO!!" Sabay naming sigaw ni Edward .
Even numbers ang uunahin ng Killer.
Pero san naman niya ilalagay yung katawan ng number two? At sino yung number two hindi pa kasi kami kumpleto eh kaya hindi namin malaman kung sino .*Dal-dal's POV*
Hindi ko akalain na may pinatay na naman si King . Hindi man lang niya ako sinabihan edi sana nakatikim ako ng dugo hahaha
Eto kami sinasagutan yung sinulat ni King at nagulat ako ng sumigaw si Edward at Ella .
"EVEN! NUMBER TWO!!" Sabay nilang sigaw , tama nga naman . so Even numbers first?
Ang tanong ay kung saan nilagay ni King yung bangkay at sino ang number two .
Nakatingin sa akin ngayon si Monique yung tingin na bakit hindi ko siya sinama, ang alam niya siguro ako yung pumatay haha hindi niya kasi alam yung tungkol kay King eh at hindi rin naman alam ni King yung tungkol kay Monique na pinaglalaruan ko si Monique . HAHAHAHA . Tawa ko sa isip ko .
"Sa tingin niyo san pwedeng ilagay ng killer ung bangkay na may kaugnayan sa number two" sabi ko syempre para di halata haha .
"2nd floor?" Tanong ni Kayla.
"Ang possible lang naman is 202 and 222, pero may nagkaklase sa room 202 edi sa. Janitors room !!!" Sigaw ni Ruby . Janitors room which is room 222. Dali dali naman kaming bumaba sa 2nd floor .
Habang papalapit kami sa Janitor's Room ....
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!" Sigaw na nagmumula sa loob nito kaya agad naming binuksan.
Nakita namin si Manang Rhea na takot na takot na tila nakakita ng isang multo, napalingon siya sa amin at mas lalong natakot ang mata niya na tila kaharap si Kamatayan at nawalan ng malay .
Agad naman siyang binuhat ni Craig at ni Christian para dalhin si Manang sa Clinic.
Pununtahan namin yung pwesto ni manang at tinignan yung tinitignan niya kanina .
"Aaaaaaah!" Tilian ng iba naming girls pero sila Kayla umiiyak .
Si Rica yung pinatay ng Killer . Hindi ko siya naging close pero mabait siyang tao hindi ko alam kung bakit kelangan niyang mamatay .
"Boys pakibuhat yung bangkay ni Rica then takpan niyo muna mamayang gabi niyo na ilibing, then girls linisin natin tong kalat at dugo" utos ni Eunice, hindi ko nga alam kung bakit ayaw niyang sabihin sa Principal/President ng school yung mga nangyayari dito eh . Sinunod nalang namin siya .
Linis dito, linis doon hanggang sa may nakita akong kumikinang na bagay sa ilalim ng locker . Kaya kinuha ko pagkakita ko isang sing sing lang pero may nakaukit na 'Queen'
"Ella anu yan?" Tanong ni Lavinia .
"A-ah wala, wala Lavinia may iniisip lang ako" palusot ko at pinasok ko na sa bulsa ko yung sing sing.
Nung tapos na kami nagsilabasan na ang lahat at ako nalang ang naiwan chineck ko muna kung may naiwan akong gamit .
Nung palabas na ko ng Janitor's room may nakita akong isang bagay sa isang sulok yung hindi mo talaga siya makikita kung hindi mo titigan kaya kinuha ko .
'Cellphone to ni Rica ah' bulong ko . baka makatulong to sa pagalam kung sino ang killer kaya binulsa ko naman siya . sa bahay ko nalang to bubukasan para walang makakita kasi pag nakita nila pagbintangan pa ko eh .
After ko makuha umalis na rin ako at bumalik na sa room andun na rin sila Craig at Christian na naghatid kay Manang Rhea sa Clinic.
Napapadalas na wala kaming teacher kasi for sure iniiwasan nila kami or tinatanggihan na turuan kami kasi siguro nababalitaan nila na may namamatay sa amin pero ang pinagtataka ko kung bakit hindi nakakarating sa labas tong mga nangyayaring pagpatay ay ewan . sasabog na yung utak ko kakaisip .
Wala naman kaming teacher kaya pupunta muna akong library . Basa basa lang sasabog utak ko dito eh.
Papunta na ako sa labas ng ....
"San ka pupunta Ella??" Tanong ni Edward bwiset na to nagising pa .
"Sa library, sama ka?" Tanong ko
----
(A/N: Hi ! After 26382618372 Years nakapag Update din ! Pasensya na po talaga ! Dis hirap po kapag college na haha . Thank you po sa mga nag intay . Plug ko lang po ung stories ko: HUGOT SYNDROME (Completed) and HEX ACADEMY (School of Magical Abilities) Hahaha hindi ko pa po sure kung kelan po ung next UD. Maraming maraming salamat po uleeet !!!)
BINABASA MO ANG
The Killer's Game (A Game Of DEATH)
Mystery / ThrillerThis is my 2nd story :) It is like Class 3-C pero hindi naman gayang gaya . NaInspire po kasi ako sa gawa niya eh . Kaya Hope basahin niyo din po . Vote din po kaya . Love lots :*