D

1.1K 48 0
                                    

After six years...

"SEAL! Oh good God! Please watch your step!"

Napahawak sa sariling noo si Locket habang nakatingin sa batang nagmamadaling bumaba sa kanilang hagdanan. Ngayon na kasi ipalalabas ang kaniyang New Outline sa kaniyang boutique na Seal of Lock. If you think that this boutique is a shop of padlocks, you're wrong. Sadyang ipinangalan niya lang ito sa kanilang mag-ina. This boutique is the fruit of her success.

Sa nagdaang anim na taon ay nagsumikap siyang umahon sa buhay. At ang kaniyang naging inspirasyon ay ang kaniyang anak. Oo, inaangkin niya na ito pero hindi tulad ng iba na ipinagkait sa mga bata ang katotohanan. Alam nito ang lahat ng tungkol sa kaniyang tunay na ina, pero hindi ang sa ama.

Sa anim na taon na 'yon, nagkaroon ng magandang trabaho si Locket. At ang boss mismo niya ang nakakita ng kaniyang abilidad sa paggawa ng mga magagandang damit. Kaya hindi na niya sinayang pa ang oportunidad na binigay sa kaniya noong panahon na iyon. At di lumaon ay naging matagumpay naman ang kaniyang pagsusumikap. Nakapagtayo siya ng sariling boutique na taon taon nagkakaroon ng New Outline. At ngayong taon ay Kids Show na ang kaniyang pinlano.

Syempre hindi na niya kailangan pang maghanap ng main model for kids. Dahil nasa tabi niya ang kaniyang gwapong anak. Nagpatulong na lang din siya sa paghahanap ng iba pang bata na magmomodel sa kaniyang gawa. Isama pa ang pagtawag ng medic for this show.

Masyado siyang sigurista na walang masasaktan sa show na ito lalo na't mga bata pa. Hindi din naman mawawala ang catering for this event. Na pinangungunahan ng kaniyang best of friend na si Phoenix Renon. Isa ito sa mga nakilala niyang taong malaking naitulong sa kaniya noong panahon kailangang kailangan niya ng masasandalan.

Nakakatawa mang isipin pero ang una nilang pagkikita ay sa banyo. That was an epic meeting of her. Pero simula naman ng araw na yon ay naging matalik na din silang magkaibigan. Pero hindi ibig sabihin nun ay alam na nito ang lahat ng tungkol sa kaniya. Naikwento lamang nito ang kamiserablehan ng kaniyang buhay six years ago.

"Mommy! Come'n! We'll be late if you keep on reminiscing your past!"

Napangiti naman siya sa tinuran ng anak. Lumaki itong matalino at mabait. Kahit na six years old pa lang ito ay marami na itong nalalaman sa kamunduan.

"Shut up Seal. Let's go na manong Shrek."

"Woah Locket! Akala ko magkakaroon ka pa ng grand entrance mamaya eh. Anyway, marami rami ng bisita sa loob, pumunta ka na sa backstage ng maasikaso mo na ang little devil na 'to!"

Napatawa naman si Locket sa bungad ng kaniyang kaibigan. Parang kanina lang ay kinukwento niya ito na ngayo'y nandito na at nakaabang pa sa kaniya.

"Hey Tito Nix! I'm not a devil! Devil are antagonist! They are the destroyer! And in this show I'm the protagonist because I'm the main model here! So shut your filthy mouth Mr. Phoenix Renon!"

Sabay na napatawa ang dalawa sa tinuran ni Seal. Sa sobrang lawak na kasi ng pagiisip nito ay kahit saan nadadala niya ang malikhaing pananalita. Well, her Seal wants to be a writer someday. Thats what Seal said when he was in grade one.

"Dinudugo ang ilong ko sa batang to eh! Tara na nga!"

"AND now please welcome! The models for the New Outline! The Kids!"

Isang masigabong palakpakan agad ang bumungad kay Key ng makarating siya sa venue ng isang event na imbitado siya. Well, hindi naman sa imbitado sila pero ganun na din 'yon dahil sila ang medic ng event na ito. Hindi nga lang niya maintindihan na ang isang fashion show pala sa mga bata ay kailangan pa ng medic.

Key Dixon: Mr. Arrogant Series 1Where stories live. Discover now