E

1.1K 42 2
                                    


"MOMMY! Can you cook for me? I'm starving na po kasi."

Napatigil si Locket sa pagtingin sa mga magazine ng magsalita si Seal. Day off ngayon ng lahat ng maid at driver nila kaya walang magluluto ng pagkain para sa kanila. May alam namang lutuin si Locket pero lahat ay tungkol lang sa hipon dahil noon pa man ay paborito na nila yong magkapatid. Napaisip naman si Locket kung anong klaseng luto ng hipon ang gagawin niya. Ngayon na lang ulit siya magluluto para sa kanila, simula kasi ng maging mayaman sila ay parati na lang siyang busy kaya wala na siyang oras sa pagluluto. Pero hindi naman siya nawalan ng oras para kay Seal dahil ito ang una una niyang priority kahit anong mangyari. She feel little bit excitement when imagining how Seal reacts on her present. Sigurado kasi siyang matutuwa ang anak sa iluluto niya.

"Okay. Just a minute baby."

"Thanks, mom!"


"UHMMM!"


Inaantok na kinuha ni Key ang kaniyang cellphone ng marinig niyang magring ito. Late na siya nakauwi kagabi dahil sa dami ng kaniyang inasikasong delayed deliver ng mga gamot ng mga bata kahapon. Halos buong maghapon na siyang nasa opisina kahapon na pati ang pagkain niya ay hindi na niya nagawa. Kaya sinabihan niya ang kaniyang secretary na hindi na muna siya makakapasok ngayon dahil babawi siya ng tulog. Pero ngayon ay naudlot ang kaniyang pagpapahinga dahil sa pesteng tumawag!

"I already told you yesterday that I'll be absent today, Sandro!"

Sigaw niya sa secretary niya ng masagot ang tawag. Minabuti na niyang lalaki ang magiging secretary niya dahil sa pagkakaalala niya ang huling babaeng naging secretary niya ay halos mamuti na ang mata dahil sa buong magdamag na nakatitig sa kanya! Minsan kung kukurap man ito ay magpapacute pa! She's not even cute or pretty! Locket is prettier than her!

Oh shit! Why the hell is she doing in my head?!

"I'm really sorry sir for bothering you but this is really an emergency! There's a kid that needs your help!"

What the hell?! Kung wala lang siguro siyang respeto sa ibang tao ay kanina pa niya minura ang kausap. Ngayon na lang siya ulit makakapagpahinga dahil buong linggo na siyang busy at buong linggo na din siya nababaliw sa kaiisip kung bakit sinusundan siya ng mukha ni Locket hanggang sa panaginip! There must be wrong with me! I think, I need to see Clyde to check on me!

"Sandro, you know how much I'm tired right now. I badly want to rest!"

Ibababa na sana niya ang telepono ng may marinig siya umiiyak na babae kasabay ng pagsalita nito, "Please Mr. Dixon! My Seal needs you!"

Oh geez!

Hindi pa man niya alam ang nangyar at dali daling bumangon si Key sa kama at dirediretsong pumunta ng banyo. Tila wala pang sampung minuto siyang nagayos ay tapos na siya at handa ng pumunta sa kaniyang clinic. What happened?!


"HEY!"

Sa labas pa lang ng clinic niya ay nakikita na niya ang di mapakaling babae sa loob. At parang may kung anong pumiga sa kaniyang puso ng makita itong umiiyak. He never felt this before pero hindi na muna niya iyon pinansin dahil mas kailangan siya ng anak nito.

"Mr. Dixon! Please help my Seal! I really don't know what to do so please!"

Patuloy sa pagbuhos ang nga luha nito at kahit siya ay nasasaktan para dito. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso at inilapit sa katawan nito. Marahan niyang niyakap ito habang hinahaplos ang likod para patahanin. "Shh. Just tell me what happen then everything will be fine."

Key Dixon: Mr. Arrogant Series 1Where stories live. Discover now