K

897 39 0
                                    

"SO ikaw pala ang bagong kaibigan ni baby Abri?" Zach said in the middle of their silent lunch. Dapat ay uuwi na ito kanina pero bigla nalang nitong sinabi na magtatatagal daw ito. Nakita niyang tumingin si Key sa kaniya pero agad din nitong ibinalik sa pagkain. Kanina pa napapansin ni Locket ang masamang tingin ng binata sa kababata. At ang kababata naman niya ay kanina pa malaki ang ngiti. At kanina pa din niya gusto itong batukan.

"Old man. Stop calling my mom your baby. She's old enough to be called baby." Sabat ng kaniyang anak. But her friend didn't bother. He even laugh with it that made her son rolled his eyes. Mas mataray pa ata ang anak nito kaysa sa kaniya. Nag 180 degrees kasi ang mata.

"Okay okay. I'll stop calling her that way. But if your Tito Key will call your mom 'my baby', is it okay?"

Napatigil siya sa pagsubo sa narinig. She felt her face burn up. How dare him to ask that question! Kung kanina ay batok lang ang gusto nitong gawin sa kababata, ngayon ay parang gusto na niya itong turukan ng tinidor sa ngala ngala. Yung tipong baon hanggang batok! Napakadaldal!

She glance at Key. She wants to see his expression. If he would be gross or ashame. Pero wala siyang nakitang kahit na anong ekspresyon mula dito. Hindi niya masabi kung naiinis ba ito o kung ano.

"Of course."

"Seal!" She shouted. Nahihiya na siya para sa dalawang binata. Lalo na kay Key!

"It's okay."

Napatingin siya kay Key nang magsalita ito. Simula kasi ng umupo sila sa hapag ay tahimik na ito. Tila walang balak magsalita o kumausap. Ayaw naman niyang siya ang unang magtanong o magsalita dahil baka isipin nitong gusto niya itong makausap. Na totoo naman.

"I'm Locket's friend. At nakakahiya naman sigurong kausapin mo siya sa harapan ko ng ganon."

Nakatingin lang ito sa pagkain niya at pinapaikot ikot ang pasta sa pinggan.

"Ha? Why? Is there anything wrong with that? You're just a friend, Mr. Dixon."

"You too is just a friend." Madiin nitong balik na sagot. Parang gusto na lamang ni Locket umalis sa kusina at magkulong sa kwarto sa paraan ng pagbigkas non. May nararamdaman kasi siyang hindi maganda kung patuloy na magsasagutan ang dalawa. At ayaw naman niya iyon.

"A childhood friend." Pang gagatong pang muli ng kababata. Hindi alam ni Locket kung ano ang pinupunto ng dalawa. Basta ang alam niya hindi na dapat sila mag usap. Lalo na nandito ang kaniyang anak.

"A fvcking friend."

Agad siyang napatakip sa tenga ng anak sa sinabi ni Key. Tiningnan niya ito at sakto namang napadako ang mata nito sa kaniya.

"Stop cursing, Key. Seal is here." She warn him.

"Yeah bro. Stop cursing. Pinagmamalaki ka pa naman sakin kanina ni Seal kasi hindi ka daw nagmumura tapos ganiyan." Mapang asar na sabi nito. Hindi na nakapagpigil si Locket at hinampas niya na ito sa braso.

"Aw!"

"Stop talking and proceed to eat. Ang ingay mo eh!"

"Pake mo ba!"

"Duh bahay ko kaya to."

"So, pwede naman akong tumira dito kasi dati nagkakasama rin naman tayo sa bahay ko."

Napatigil ang dalawa sa pagbabangayan dahil sa sunod sunod na pag ubo ni Key. Agad itong dinaluhan ni Locket at inabutan ng tubig. Mabilis naman nitong nilagok ang tubig bago huminga ng malalim.

"I think I need to go."

Tatayo na sana ang binata ng biglang tumayo at kumapit sa beywang niya si Seal.

"Please Tito Key, don't leave us with that man. I don't like him. Please."

Nagpuppy eyes pa ito sa binata kaya walang na siyang nagawa kung hindi ang bumalik sa kaninang inuupuan. Parang hindi niya kayang tanggihan ang batang ito. At ayaw din naman talaga niyang iwan sa lalaking ito ang mag ina. Baka kung saan pa mapunta ang dalawa.

Tss.

"Locket baby, you're son don't have a filter in his mouth."

Sinamaan ni Key ng tingin ang kanina pa niyang ikinapipikon dahil sa pagtawa nito.

"You too. Nasa harapan mo ang bata pero kung landiin mo ang mama niya parang walang nakakakita sa inyo. Have you ever hear the word respect?"

-

"KEY, I'm so sorry about Zach. Masyado lang talagang mapang asar ang isang yon."

"Kaano-ano mo siya Locket?"

Natigilan naman si Locket sa kaseryosohan ni Key. Nakaalis na ang kaibigan nito habang ang anak naman niya ay nasa kwarto na nito at ngayon ay sila na lang ang magkasama. Kanina pa gusto ni Locket na pauwiin ang kaibigan niya dahil nararamdaman niyang hindi nagkakasundo ang dalawa pero dahil mataas ang respeto niya kay Zach ay hinayaan na lang niya.

Hindi naman niya inaasahang mauuwi sa pagkapikon ang dalawa. Hindi, si Key lang pala. Alam naman niyang nangaasar lang talaga ang kaibigan niyang si Zach dahil sa tinagal nilang maging magkaibigan ngayon lamang siya nakapagpakilala ng iba pang kaibigang lalaki.

Dapat pala ay pinakilala na muna niya si Phoenix dito para walang malisya.

Pero nangyari na ang nangyari. Heto si Key, seryosong nakatingin sa kaniya habang inaantay ang sagot niya.

"He's just my childhood friend, Key. Makulit at sweet lang talaga siya pagdating sa akin dahil nililigawan niya ang kapatid ko dati. But no malice, he's just a friend."

Ewan ba niya kung bakit kailangan niya pang ipaliwanag ng husto dito iyon kahit na alam niyang walang pakialam ang binata sa sasabihin niya. Baka nga iniisip na nito na isa siyang lakaring babae na kahit sino na lang ang pinapapasok sa loob ng bahay. Pero dahil may pakiramdam siyang kailangan niyang ipaliwanag ng buo dito ay ginawa na niya.

"He calls you 'baby'. And believe me when I say na ang mga lalaki nagbibigay lang ng endearment sa babaeng mahalaga sa kanila. She likes you, Locket." He frustatedly said while combing his hair with his own hands. At hindi mapakali si Locket doon. Dahil tulad ng anak niya ay naiinis na ito kapag ginugulo na ang buhok.

She can't find a word to explain it to him na wala talaga silang relasyon o kung ano pang bagay na mayroong malisya ng kababata. Matagal lang silang hindi nagkita kaya ganoon na lamang ito sa kaniya.

"Look, Key. We're childhood friends. We didn't saw each other for almost eight years. We just miss eac---"


"How about me?"

-

This is it!

Key Dixon: Mr. Arrogant Series 1Where stories live. Discover now