CHAPTER 4: Weird feeling

25 0 0
                                    

Chapter 4: Weird feeling

ZEIRA

Ugh! I hate that guy! Dahil sa kanya hindi natuloy yung binabalak ko nung dinner. F*ck it.

"Pagginawa mo iyang binabalak mo, we'll stay here for good then. Sounds good?" Nakangisi nitong sagot.

"What?! Eh akala ko ba ayaw mo din na magsama ang nanay mo sa tatay ko? I'm already making my first move, Xedric." Naiinis kong sagot sa kanya.

What's with him? Pinagusapan na namin ito ah. Pareho kaming hindi sang-ayon na magsama sa iisang bubong at sa iisang kwarto ang mga magulang namin. So why is he stopping me?

"Ah! You mean you'll let my mom eat a POISON?! Is that what you're going to do? Well you're trying to kill my mother already! Wala iyan sa usapan." And now he's mad.

Hindi niya ba talaga maintindihan?

"I'm not gonna kill your mother. Konsensya ko pa pagnamatay iyang Ina mo. Atsaka may lunas naman at iyun ang plano ko." Explain ko sa kanya. I'm really trying to control my patience here.

He scoff at what I said.

"Ah ganun? BLACKMAIL ganun?" Parang nangiinis ito ah!

"So what? Titingnan ko lang naman kung effective sa mga kapatid mo! At pagnakumbinsi ko sila sa deal na aalis kayo kapalit ang lunas para sa ina ninyo-- kung sakaling malason siya, voila! Babay!! Oh diba?" Oo, ito nga ang plano ko. I am sure na aalis sila dahil ayaw nilang mamatay ang mom nila.

Ang sama ko ba? Well, I'm desperate to know who killed MY MOTHER. Sagabal lang sila at baka madamay pa. Eh di marami akong kailangan protektahan dahil pwede silang gamitin ng mga sindikatong iyon.

Masmadali na ang Dad ko lang ang poprotektahan ko.

Walang alam dito si Xedric. Ang alam niya ay ginagawa ko ito for selfish needs. Sinabi ko sa kanya na ayaw kong may kahati sa ipapamana ni Dad. And he agreed pero may kapalit at iyun ay paghiwalayin ang mga magulang namin. Atleast maiisip niya na ang sama ko. In that way maiisip ni Xedric na dapat lang na hindi sila magtatagal sa Pamilyang Vojamor dahil makasarili kami.

Matagal bago siya sumagot.

"No, Zeira. Ayokong madamay ang Ina namin dito. Think another idea at mag-iisip din ako." Saka siya umalis sa field at iniwan akong namomroblema.

I heaved a sigh after I remember our arguement sa field kahapon. Bahala na. I'll just try again, maybe.

Napatingin ako sa alarm ko.

5:02 am

Nagsipilyo at Nag-cold shower ako. Mag-papractice nalang muna ako tutal training day ko ngayon. Gumawa kasi ng schedule si Yuan para sa daily work ko every week. Malapit na ang tournament ko at sa USA iyun mangyayari.

Siguro hindi na ako makakasama sa bakasyong plinano namin. May naghihintay sa aking mga papeles sa office ngayon. Kailangan ko lang tapusin itong pag-eensayo ko. Ngayon yung napagplanuhan na bakasyon at nasabi ko na kay Dad kung saan ang mga destinations na pupuntahan namin. Well now maybe I can't go with them. My secretary told me that I have a project for three days. Nagkataon na parehong date ng project ang araw ng pagpunta namin sa island.

Nagsuot ako ng black sports bra at jogging shorts. Tinali ko ang bohok ko na ponytail para hindi sagabal pagtumalon ako.

I heard a knock on the door. Siguro si Yuan.

Paglabas ko, nasa labas nga si Yuan at naka-white sando at jogging pants.

Suddenly I felt goosebumps. This feeling is familiar. Parang yung feeling na may mangyayaring... masama? Napalinga-linga ako sa hallway. I felt like someone's watching. Suddenly, I heard a snap.

"Ze, okay ka lang?" Napatingin naman ako agad sa kanya nang i-snap niya ang mga daliri niya.

He stands at a right posture with a right attitude and he is smart as me. That is the perfect image of my perfect butler.

Hmm, siguro napaparanoid lang ako sa mga nangyari noon. Marahan akong tumango kay Yuan.

"Tulog pa sila?" Tanong ko.

"Yes, Ze kaya let's start your training!" Nakangiti nitong sagot at tinulak-tulak ako papunta sa hallway. I rolled my eyes at him. Ganyan kami ni Yuan pag kaming dalawa lang ang magkasama o wala si Dad. Parang mag-bestfriends lang kami kung umasta.

"Sure ka ba? Eh si Dad at ang Jane na yun?" Wag mong sabihin na natutulog pa iyun dahil nag-milagro kagabi?

Huwag naman sana. -___-

"Haha, gising na sila at nasa balcony. Ready na sila sa pagpunta dun sa island nila Mr. At Mrs. Jhang." Maganda kasi ang island nila Kuya Phil at Ate Lissa. Magbestfriends ang mga ina namin ni Kuya Phil kaya parang magkapatid na kami magturingan. Nakilala ko naman ang fiance ni Kuya Phil na si Ate Lissa sa barko nang muntik na siyang barilin ng captain doon. Hindi pala iyon captain, isang miyembro ng sindikato ang taong iyon.

Miyembro ng sindikatong pumatay sa Mama ko.

Naunahan ko siyang barilin at ayun natumba at nalaglag ang sombrero niya. Doon ko nakita ang tattoo niya sa batok. Tattoo ng tatlong bungo na may korona. I don't know if it's just my imagination pero parang nakita ko na ang logo na yun.

Napahilamos naman ako sa mga naiisip ko.

Weird thoughts of mine.

"ZEEIIRRAA!!!" Napatakip ako ng tenga at binatukan si Yuan.

"What are you shouting for?!" Inis kong bulyaw sa kanya. Tumawa naman ang loko.

"Eh nagmumukha akong tanga dito. Kinakausap kita pero hindi ka naman nakikinig eh!" Ngumuso pa ang gago.

"Bakit? Ano ba yun?" Tanong ko.

"May sumusunod sa atin."

The 13 Devils of my Father's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon