Chapter 5: Tragedy
ZEIRA
"May sumusunod sa atin." Bulong nito. Palihim naman akong tumingin sa likuran ko.
May nakita akong ulo na lumulusot sa likuran ng kahoy. Nandito na pala kami sa field? And why do I feel weird about this place?
"Eh wala ka sa katinuan mo kanina eh." Naiinis na sagot ni Yuan. Mind reader lang?
"Hindi ako mind reader." Saka siya umalis at pumunta sa di-gaanong layo na cabin namin.
Tss hindi daw. Okay.
Kukunin niya siguro ang malaking matress at mga pole kaya nagstretching muna ako para tumakbo. Napatingin ako sa field. Parang? Parang hindi lang kami ang nandito-- well aside from the devils and my dad and Yuan. Ganun na rin sa witch, parang may ibang tao pa nakapasok dito.
I shrugged it off. Guni-guni ko lang siguro.
Ramdam ko pa rin ang presensya ng mga taong iyon. Kilala ko sila. But I think I sensed another person here watching us.
Di bale, bahala sila diyan. I'll let them watch me. Lumabas si Yuan para iayos ang posisyon ng mga pole at matress.
"Ready ka na!" Sigaw ni Yuan.
"Oo!" Sigaw ko at nagposition na.
Nagsimula akong tumakbo nang pinatunog ni Yuan ang pito.
Pagkatapos ng limang ikot sa fifty meters naming field ay tatalon na ako kaya pagdating ko sa pwesto ni Yuan ay huminto na ako.
"Ze, masmataas iyang nilagyan ko ng pole kaya dapat masmalapit ka pagtalon mo." Explain ni Yuan.
"Exactly three inches?" Kailangan talasan ko ang paningin ko.
"Oo, exactly. Pagtalon mo, push your hips exactly ninety degrees pagkatapos mong icurve ang body mo para hindi matouch ang pole. Dapat pagland mo sa matress, naka-ninety degrees ang position ng katawan mo. Gets? Masmataas ang points na makukuha mo pag nasa tamang angle ang katawan mo." Tumango ako. Magaling magturo si Yuan pagdating sa mga olympic sports and he is a very kind person. He's been my butler since five years from now. That's why I'm lucky to have him.
Naghanda na ako para tumakbo. Nandiyan silang lahat. Lahat ng Cantarella brothers. Nakatingin sila sa akin kaya dapat galingan ko. I will show them who is Zeira Mielle Vojamor. Lalo na ang Xedric na iyon! Same as the playboy who is really staring at me-- TAGOS NA TAGOS. Creepy pervert!
Pagpito ni Yuan ay agad akong tumakbo.
Ugh! I really have a bad feeling something's gonna happen. Focus, Zeira! Focus! Three inches, exactly three inches.
Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko. I can't help it but to think about the unknown presence.
Hindi. Kailangan kong magawa ito ng perpekto. I'm sure it will give me a bit of help to make my plan easier.
After I measured the right space kung saan ako tatalon ay narinig ko pa ang cheer ni Dad at ni Yuan.
Ginawa ko ang instructions ni Yuan at paglanding ko ay exactly ninety degrees. Napangisi ako nang magawa ko ng tama ang high jump ko.
Pero..
Napatingin ako sa dulo ng field. Sa sanga ng mataas na kahoy, may taong nakaitim at may hawak na rifle at nakatutok kay..
No.
Agad akong umalis sa matress at tumakbo kay Dad.
"YUKO!!" Tinulak ko siya kaya natumba kami.
*BANG!*
"ZEIRA!!" Narinig kong sigaw ni Dad pero may ibang mga boses pa akong naririnig.
"ATE!!"
"Call an ambulance!!"
"Zeira, why the hell did you do that!"
"P-Princess, wag kang pipikit! Stay awake!!"
"Ze!! Shit! Guards, ikutin niyo ang buong mansyon! Sa labas man o sa loob. Go!!"
Someone just tried to kill my Dad again. And now, I jumped a bullet for him just like what I've tried to do that night.
Turns out that Mama did it first before me which costs her to die.
Magagaya din kaya ako sa kanya?
Mamamatay din ba ako?
Nahihilo na ako. Unti-unti na akong napapapikit.
"Princess! Please don't leave Daddy. Please don't leave me.." That was the last words I heard before everything went black.
***
"Happy birthday, Princess!" The two unknown persons said in unison. "Thanks, Mom! Thanks, Dad!" The little girl named Princess said happily. Suddenly, we heard an engin outside of the house. The two started to panic and the woman held me by the hand. Natagpuan ko nalang ang sarili kong tumatakbo papunta sa isang tagong pintuan. Nabaling ako sa kinauupuan kanina ng bata pero wala na siya.Nasaan na yung bata?
"Princess, whatever you do, do not come out of this room unless we say so. You understand, baby?" Said the woman... to me? Tiningnan ko ang buong kwarto but it's just empty.
"We love you, Princess. So please whatever is going to happen, stay alive." The man and the woman hugged and kissed my hair. What is happening? At saan na yung batang babae kanina?
Umalis na yung mag-asawa at iniwan na ako dito. I'm really confuse right now and there are so many questions in my head! And I need those two to answer them. It's been almost 30 minutes at hindi parin sila bumabalik.
Lumabas ako ng kwartong iyon at tinahak ang kaninang dinaanan namin. I found myself in---I think it's the living room. Nasaan ba ako? This house is not familiar to me at all-- teka, parang may naapakan akong basa-- F*ck!
Napatakip ako sa bibig ko at napalayo nang makita ko ang mag-asawa sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo.
Who did this to them? Alam ba ito ng anak nila? I feel like I'm gonna throw up. Ang dami nilang saksak! Parang gusto kong umiyak sa sitwasyon nila.
Agad akong lumapit at lumuhod para sana tingnan kung buhay pa sila pero biglang bumukas ang pintuan. Pumasok ang isang babae na nakaitim ang lahat ng suot niya. Ang lawak ng ngisi nito. Parang pamilyar ang mukha niya sa akin.
Nakatingin ito sa mag-asawa pero nagulat ako nang tumingin din ito sa akin. Nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagtingin niya.
"Mabuti at lumabas ka rin. Kanina pa kita hinahanap." B-Bakit naman? What the hell, paano ako nadamay dito? Napadapo ang paningin ko sa braso ng babae. Pamilyar sa akin ang simbolong iyon. Tatlong bungo. Napaisip ako at nawala ang atensyon sa kanya.
Shit. Miyembro din ba siya ng---
"I will kill you." Nagulat ako nang pagtingin ko sa kanya ay may hawak na siyang gunting at handa nang saksakin ako!
"AAAHHH!!!"
"Ate!! Ate!! Wake up! Ate, you're dreaming!" Napamulat ako nang marinig ko ang maliit na boses ng bata.
BINABASA MO ANG
The 13 Devils of my Father's Wife
RomanceDid you ever experience of a forbidden love? Did you ever experience being the reason why they fight? Did you ever felt being their prize as they compete with each other to claim you? Well, there is someone and she felt annoyed by it. Siya so Zeira...