CHAPTER 3: Strange brother

86 1 3
                                    

Chapter 3: Strange brother

Third Person

Kakatapos lang na kumain ang mga Cantarella brothers at ng kanilang Ina sa dinning hall. Hindi na nakasabay sa kanila ang mag-ama dahil alam nilang may pinag-usapan ito na importante. At alam nilang tungkol ito sa paglipat nila.

"Mrs. Vojamor," tawag ng isang butler. Napatingin naman silang lahat rito. Ngumiti ito at bahagyang yumuko.

"U-Um, yes?" Nag-aalangan niyang sagot. Hindi pa kasi siya sanay na tinatawag na isang Vojamor at hindi na Cantarella.

"Nasa kanya-kanyang kwarto na ang mga gamit ninyo. I'm Gregorio and the head of the butlers. I'll be the one to escort you to your rooms. Dito po tayo." Mahabang litanya ng matanda.

"Nice! Ano kayang itsura ng kwarto ko? I bet it's just like what we've talk about." Pilyong ngisi ni Dennis. Siya ang ika-labin-dalawang anak.

Nagsalubong naman ang kilay ni Clint sa sinabi nito.

'What is it this time?'

"Hoy, ano nanamang ginawa mo? Wag mong sabihin na humingi ka nanaman ng pabor kay Dad! Kundi malilin--"

"Oo, humingi nga ako ulit ng pabor sa kanya. So?" Pinutol ni Dennis sa pagsasalita ang kuya niya. Mahilig siyang umasar ng tao lalo na pag si Kuya Clint niya ang victim niya. Kaya siya pumayag na sumama sa Vojamor residence dahil nalaman niyang may anak pala ito.

Nakahanap naman siya ng bagong biktima.

"Tarantado! Ano nanamang hiningi mong g*go ka?" Inis niyang tanong sa kapatid niya. Ayan tuloy, napamura siya ng di oras-- hindi, taga-sigundo nagmumura talaga siya. Isa siyang top gangster at ang rason kung bakit siya sumama sa Vojamor residence.

"Clint, bawas-bawasan mo nga iyang pagmumura mo, tsaka sa harapan pa talaga namin nina Mommy." Mahinahong saway naman ni Gabriel. Siya ang ika-limang anak.

"Your brother's right, Clint at ikaw rin Dennis. Please behave, guys. Nakakahiya naman kay Sir Gregorio." Saka tumingin sa head-butler at bahagyang yumuko bilang pagpasensya sa pinaggagawa ng kanyang mga anak.

Napatawa ng mahina ang matanda at umiling-iling pa.

"Nako, walang kaso iyon. At Greg nalang ang itawag niyo sa akin. At tungkol doon sa sinabi ni Sir Clint, huwag po kayong mag-alala. Sanay po kaming may mura kaming naririnig parati dito. Mukha nga lang madadagdagan iyon." Saka ito ngumiti ng mapait.

'Mukhang may masamang nakaraan ito' isip ni Leo. Nalaman niya kaagad ito ng makita niya ang ngiti ng matanda.

"Teka bros, where's Terrence?" Tanong ni Michael, ang panganay. Lahat ay napatingin kay Tyler na nasa likuran nila na busy sa pagewang-gewang ng kanyang tablet.

"Kuya, asan ang kakambal mo?" Tanong ni Jhan, ang ika-anim na anak.

"Hm? Anong sabi mo?" Busy parin ito sa paglalaro sa tablet niya.

"Yung kambal mo, nasaan na?" Tanong ulit ni Jhan. Pero busy parin si Tyler at mukhang wala ang atentsyon sa sinasabi ng kapatid niya.

Samantalang si Clint ay mukhang sasabog na ang butsi sa inis dahil sa inaasta ng kanyang kapatid. Lumapit siya rito at hinablot ang tablet nito.

"Arrgh! Clint! Ano bang problema mo?! Ugh!! Yung temple run ko~." Ang mukha ni Tyler ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Siya ang ika-apat na anak at mahilig sa arcade o kahit anong related sa mga videogames. Kakambal niya si Terrence pero mas nauna ng limang minuto sa kanya si Terrence.

"Tyler, your twin? Where is he?" Seryosong tanong ni Jane.

Nagtataka naman itong tumingin sa gilid niya.

The 13 Devils of my Father's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon