Masyadong napakalawak ng bayan na ito para kay Genevieve. Kahit saan siya tumingin ay talagang kapansin-pansin kung gaano kasaya ang bawat lugar. Lumabas siya ng kastilyo upang makaiwas sa napakadaming pag-aaral na kanyang dapat gawin. Sawang-sawa na siya sa paulit-ulit na turo sa kanya kahit pa sinabi na ng kanyang ina na handa na siya para sa darating na salu-salo sa kanilang kaharian. Nakahanda na ang lahat ngunit masyado siyang pinupukpok sa mga leksyon na para sa pagkilos bilang prinsesa. Alam niya ang mga nangyayari sa kanilang nasasakupan lalong-lalo na ang mga kriminalidad na mga pangyayari. Mahilig si Genevieve sa mga imbestigasyon at kung anu-anong mga misteryo patungkol dito. Alam din niya ang tungkol sa usap-usapan na si Jack the Reaper. Apat na babae na ang kanyang napapatay at maaring hindi pa ito tumigil. Maaari din siya ang susunod nitong patayin. Ayon sa mensaheng iniwan ni Jack ay kahit sinong babae ang mapag-isipan niyang patayin ay gagawin niya, kahit ang prinsesa pa ng kaharian. Dahil doon ay mas lalong pinahigpitan ng kanyang amang hari ang seguridad ng kastilyo. Alam niya iyon kahit na naglalakad siya ngayon sa bayan nang walang kasamang alalay. Nakasuot siya ng simpleng orange walking dress niya na ang palda sa ibaba ay light blue ang kulay. Nakasombrero siya na light brown na may nakadekora na light blue na bulaklak at nakatirintas ang kanyang buhok sa likuran. Kilala siya ng lahat ng nakakakita sa kanya at halos lahat ng lalaki ay nabibighani sa kanyang kagandahan. Si Genevieve ay ang nag-iisang anak ng hari at reyna. Pinagkasundo siya sa isang prinsipe mula sa malayong kaharian na hindi naman niya gusto dahilan para mas lalong ikasira ng araw niya.
Isang pito ang narinig niya mula sa likuran na sa tingin niya ay galing sa isang pulis. Agad siyang umikot para makita kung ano ang pangyayaring nagaganap. Isang grupo ng mga pulis ang nakita niyang tumatakbo sa kanyang direksyon at may kasamang sa tingin niya ay isang detective. "Magmadali kayo! Hulihin ninyo si Jack the Reaper! Hindi pa siya nakakalayo!" Nagulat ang lahat sa narinig na isinigaw ng detective at agad nangamba ang mga taong naroroon. Tumabi siya sa daanan para hindi maka-abala sa ginagawang trabaho ng mga opisyal. Lumiko ang ilan sa mga pulis sa kanang iskinita at ang detective kasama ang dalawa pang mga pulis ay huminto sa harapan niya.
Yumuko sila upang magbigay galang. "Mahal na prinsesa, hindi po kayo nararapat sa lugar na ito. Alam ninyo po na hindi ligtas para sa inyo ang umalis sa kastilyo." pagpapaalala sa kanya ng detective.
"Si Jack the Reaper ba ang hinabol ninyo? Nakita ninyo na siya?" Interesadong tanong ni Genevieve dito na ikinangiti naman ng detective. Kilala ang prinsesa sa pagiging makulit at matinding kuryosidad nito. Hindi siya titigil hanggat hindi nasasagot ang mga tanong niya. Mas masama pa kung magpupumilit pa itong sumama lalo na't alam ng lahat na mahilig ang prinsesa sa mga pakiki-isa sa pagsasaayos ng mga kriminalidad sa kanilang nasasakupan.
"Opo mahal na prinsesa. Sa ngayon ay dapat na po kayong bumalik sa kastilyo para sa kaligtasan ninyo. " utos ng detective sa kanya.
"Kung mamarapatin mo sana ay isama mo ako sa ginagawa ninyo." Nakangiti na ito na tila isang bata na hindi mo mapipigilan sa kanyang hinihiling.
"Pero mahal na prinsesa-"
"Ah basta sasama ako!" Tututol pa sana ang isa sa mga pulis na kasama ng detective ngunit likas na makulit ang prinsesa. "Baka sakaling mahuli na natin siya. Isa akong babae at alam kong hindi niya ako papalampasin ng buhay."
Nagulat at nag-alala ang mga taong naroroon. Totoo na maaari siyang maging target ng tampalasan ngunit masyadong delikado ito para sa kanya. "Kung iyon talaga ang gusto mo." bulong ng detective habang nakangiti.
"Pero hindi natin siya maaaring isam-GUAAKK!!" nanlaki ang mga mata ni Genevieve nang saksakin ng detective ang isa sa mga kasamang pulis. Agad itong binawian ng buhay matapos bumagsak sa lupa. Magsasalita pa lamang ang isa pa nang bunutin nito ang baril sa tagiliran ng kanyang pinatay at binaril ito sa ulo. Lahat ng taong nandoroon ay natakot sa ginawa ng detective at agad na nagsitakbuhan. Ang iba ay nanatili upang manuod. Napasinghap si Genevieve nang lumingon ito sa kanya at ang ngiti nito ay tila napalitan ng isang malahalimaw na ngisi. Itinulak siya nito sa pader at itinutok sa leeg ng prinsesa ang kapit nitong punyal. Dumating pa ang ibang mga pulis at tinutukan siya ng baril. Binabalaan nila ang taong iyon na pakawalan ang prinsesa nang hindi nasasaktan kundi mamamatay siya.
BINABASA MO ANG
Dark Shadow
Teen FictionNapakahilig ni Genevieve sa kung ano-anong imbestigasyon na halos ikapahamak niya. Ngunit dahil sa isang beses na ito'y nagpakita kay Jack ay tinangka na siya nitong paslangin. Sa kabila ng kagustuhan ni Jack na patayin si Genevieve ay hindi niya ma...