Chapter 2

7 0 0
                                    

"Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na huwag kang lalabas ng kastilyo nang hindi nagpapaalam sa akin?! Lalong-lalo na't wala kang kasamang kawal?!" Galit na galit ang ama ni Genevieve dahil sa mga pangyayari nang nakaraang araw. Maayos na ang kanyang pakiramdam at wala na rin siyang nararamdaman na anumang sakit. "Prinsesa ka na pinagkakaingatan ng lahat ng tao! Babae ka at dapat alam mo na may gumagalang mamamatay tao sa paligid! Eh, mukhang hindi lang siya mamamatay tao. Lapastangan siya para gahasain ka niya! Alam kong binantaan ka niya anak, pero siguro ngayon ay dapat mo nang alam ang mga nararapat mong gawin. Hindi ka na pwedeng lumabas ng kastilyo simula ngayon."

"Pero ama! Hindi maaaring habang-buhay ninyo akong ikulong dito!" Tumutol si Genevieve sa desisyon ng kanyang ama. Nasa loob sila ng kanyang silid at nakatayo siya sa harapan ng bintana.

"Makinig ka sa akin Genevieve!" Mas lalong tumaas ang boses ng kanyang ama. "Seguridad mo ang iniisip namin! At sana maintindihan mo iyon!" Lumabas na ang kanyang ama at pabagsak na sinarado ang pintuan.

           Tinakbo ni Genevieve ang pintuan ngunit huli na siya dahil ikinandado na ito ng kanyang ama. Padabog niyang kinatok ang pintuan at pilit na binubuksan. Pugto na ang boses niya sa pagluha at pag-iyak kahit na siya ay nakikiusap na buksan ang pinto. Wala na siyang magagawa dahil nagdesisyon na ang kanyang ama. Sumandal siya sa pintuan at umupo. Yapos niya ang kanyang mga tuhod at iniyuko ang kanyang ulo sa ibabaw nito. Mula sa loob naririnig niya ang alitan sa pagitan ng kanyang ama at ina dahil sa nangyari sa kanya. Mas lalo lang iyon nagpabigat ng kalooban niya. Samantalang nagkalat na ang mga litrato ni Jack sa paligid at napakalaki na ng nakapatong na pabuya sa ulo nito. Buong maghapon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magtago at tumakbo mula sa mga taong nakakakita sa kanya. Malaki ang pabuya sakaling maibigay siya sa mga nakakataas ng kung sinong tao ang makahuli sa kanya. Hingal na hingal na siya. Simula pa kaninang umaga ay kailangan na niyang umalis sa tinitigilan niya para makatakas sa mga kapitbahay. Sa ngayon ay nagtatago siya sa isang hardin sa loob ng palasyo. Alam ni Jack na hindi siya ligtas sa lugar na iyon ngunit sino nga naman ang mag-aakalang dito siya nagtatago? Kailangan lang niyang mag-ingat sakaling may makakita sa kanya. Nakakuha siya ng ilang tinapay at prutas habang siya ay tumatakas mula sa mga taong humahabol sa kanya. Ngunit kung titignan ay kulang pa iyon. Naisipan niyang pumunta sa kusina ng kastilyo ngunit paano siya makakapasok at makakaalis sa lugar na iyon nang hindi nakikilala? Nakita ni Jack ang mga kagamitang panghardin sa tabi ng maayos na halaman ng pulang rosas. Kinuha niya ang gunting mula sa loob ng bag katabi ng kalaykay.


           Nakarinig ng kaguluhan si Genevieve mula sa loob ng kanyang silid. Narinig niya ang biglang pagiging abala ng mga tagapagsilbi nila na kinapagtaka niya. Naisip na lamang niya na baka dahil lamang iyon sa nalalapit na pagsasalu-salo kaya abala ang mga ito sa pag-aayos. Nagtungo na lamang siya sa balkonahe upang makalanghap ng sariwang hangin. Mayroong puting bilog na lamesa sa gitna ng balkonahe. Magkatapat naman ang dalawang puting upuan na nakapalibot dito. Nagtaka naman siya dahil ang mga katulong nila ay tumatakbo patungo sa likuran ng kastilyo. Narinig niya ang pagkatok ng kung sino sa pintuan niya na agad niyang nilingon. "Prinsesa, maaari po ba akong tumuloy?" Ang butler niya na si Raven iyon.

"Pumasok ka Raven..."

           Binuksan ni Raven pintuan ng kanyang silid at may tulak itong tray. Umupo si Genevieve sa isa sa mga upuan sa balkonahe. Tinanggal ni Raven ang Stainless na takip nang makarating na siya sa tabi ng lamesa. "Ang panghimagas na inihanda po ngayon ay ang Foret Noire. Isang chocolate sponge cake na sa gitna ay pinapaibabawan ng cherries na binabad sa syrup at dinekorahan ng white cream.  Tinernohan ko po ng Darjeeling Tea para umayon sa inyong panlasa." Pagpapaliwanag ni Raven habang humihiwa ng isang slice ng cake. Inilagay niya iyon sa puting platito at inihain sa harapan ni Genevieve. "Ayos lang po ba kayo dito prinsesa?" dagdag pa niya dito habang nagsasalin ng tsaa sa tasang puti na may disenyong pulang rosas paikot dito.

Dark ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon