Part 2 || The Deal

17.4K 189 16
                                    

             Nagmuglat ng mata si Karylle, wishing na makatulog ulit, she was hoping na sana di nalang sia nagising.

                2 years na ang nagdaan ng pumanaw ang kanyang ama.Akala nia noong una ay makakasurvive ito, pero ilang weeks palang itong nakahimlay sa hospital ay nilagutan na ito ng hininga. Nagtanong-tanong din sia sa mga kaibigan nito kong ano ang dahilan ng pag-atake nito ang sagot nito ay bigla lang daw itong inatake habang nag meeting sila. Siraulo lang ang maniwala sa ganoong alibi! Alam niang pinagtatakpan nito ang mukhang HITONG Viceral na iyon.

                Gusto man niang magsampa ng kaso pero mag mumukha lang siang engot! wala siang ebidensia. Nakiramay ito nong nagbabang luksa pero dahil sa buwisit nia ay pinag tabuyan nia ito. Simula ng araw na iyon ay di na nia nakita ang lalaki.

                Ngaun ay mag-isa niang pinapatakbo ang hacienda, kahit papanoy nakakatulong ang mangahan nito para sa mga gastusin sa HACIENDA KRISTINE. Maganda naman ang Hacienda Kristine pero dahil nga kulang talaga sia sa pera di nia napaganda ito. Maliit lang ang nasasakop ng Hacienda, pero sagana naman ito sa tanawin, katabi ng Mangahan ang Ilog na sagana rin sa isda.

                Nag-inat sia at naglakad palabas ng terrace, pinuno nia ang kanyang dibdib ng hangin, tanaw sa kwarto nia ang maganda ilog, kumikislap-kislap ito dahil sa sikat ng araw.

                Napangiti sia ng mapait. Kung buhay pa sana ang ama nia kasama sana nia itong nangingisda sa ilog.

                Naputol sia sa pag-iisip ng biglang may kumatok sa pinto.

                “Iha? Bangon na..” wika ng matandang babae sa likod ng pinto.

                Ang yaya nia ito, simula palang ng bata sia ay ito na ang nag-aalaga sa kanya, nag iisang anak lang sia buti nalang ay di sia pinalaki ng kanyang magulang sa luho, pero aaminin niang Party Girl sia, nasanay sia sa manila na laging gala dito gala doon.

                Nakapagtapos sia ng kursong accoutancy, nag-aaral pa siang ng yumao ang kanyang ama. Pinilit niang makapagtapos para din sa pangarap ng kanyang ama.

                Masaya na siang naninirahan sa hacienda nila, wala siang planong magtrabaho, para ano pa? para ngang wala siang planong mag-asawa.

                “Baba napo..” sagot nia.

                Tatlo lang sila sa bahay. Ang yaya nia at ang anak nitong nag-aaral sa kolehiyo, nahihiya nga sia rito dahil kulang ang sweldo nia sa pangtustus ng pag-aaral ng anak nito, pero sabi nga ng yaya nia na malaki ang utang na loob nito sa kanyang ina.

                Pagkababa nia ay nakarinig sia ng ugong ng kotse.

                “Yaya sino po iyon?” tanong nia.

                “Ay teka lang at titingnan ko..” wika nito at sinalubong kong sino man ang bisitang iyon.

                Maya-mayay ay dumating ang kanyang yaya na may kasamang lalaki.

                Masayang sinalubong nia ito at niyakap.

                “habang tumatagal ay gumaganda ka ah?” wika nito pag katapos nia itong yakapin. Si Vhong, ang binatang abogado ng kanyang pamilya.

                “Oh, anong meron at napasugod ka??” di nia pinansin ang asar nito sa kanya, Lagi itong nagpapahangin sa kanya pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing nia rito.

Thousand Years || ViceRylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon