Part 12: Beautiful Disaster

12.9K 166 27
                                    

                “Halika nga mag-usap nga tayo..” inis na wika ni karylle  nang salubungin nia si Vice galing sa trabaho nito.

                “Why? Im tired.. gutom na gutom na ako.. pwede bang kumain muna ako?” maktol nito habang tinatanggal ang suot na neck tie nito.

                Naiinis na hinila nia ang necktie nito at hinila paakyat sa hagdan papunta sa kwarto nila.

                Habang hila nia ito ay nakasalubong nia si Peter, bagong ligo pa lang binata, nakasando at nakaboxer shorts ito.Naiilang na iniwas nia ang tingin sa nag HEHELLO sa kanya sa harap ng binata.

                 Nang makita sia nito ay ngumuiti ito ng nakakaloko.

                “Tol.. mukha yatang.. go na go ang misis mo ah?? ang wild..” aniya nito.

                Napaayos  ng tayo si Vice, sabay biglang hatak sa bewang nia.

                “Yon nga eh,. Na miss siguro ako..” proud na wika ni Vice.

                Matalim na tingin ang pinukol nia rito.

                “Wag kang assuming..”

                “Sure ka?? Di mo ko na miss?”

                “Hindi.. wag kang feelingero.. “ winakli nia ang kamay nito na nakahawak sa bewang nia.

                “Sumunod ka sa akin..” mariin niang wika at nilagpasan ang dalawang kambal.

                Natigil sia sa harap ni Peter. Pairap na hinarap nia ito.

                “Isa ka pa..tantado ka..” asik nia rito. Pagkatapos ay pa kembot na nag walkout rito.

.

.

.

.

.

.

                “Eh anong magagawa ko!..alangan naman palayasin ko sila” pasigaw narin na sagot ni Vice sa kanya.

                “U bring those people Vice.. at dalawang araw na kong na prapraning sa dalawang tao na dinala mo rito.. si Karen.. na eemberna ako sa kanya tapos  yang kambal mo.. bigla na lang siang susulpot  tapos magpapanggap na ikaw.. tapos A-anoo..” natigilan sia. Ano bang sasabihin nia? Na seneseduce.. sia ni Peter?? Pano kong di ito maniwala sa kanya?.

                “Anong, Ano??”

                “Na-nakakabaliw..! na coconfuse ako,.”

                Kumunot ang noo ni Vice. “Confuse sa?”

                Damdamin.. sia ba or ikaw? . “Sino ang mas mukhang hito..”

                Napa facepalm ito. “ Bakit kasi di ka mag obserba? Kahit kambal kami ni Peter.. malalaman mo naman kong sino si Vice.. or sino si Peter.. even si Karen..alam nia ang difference naming dalawa..”

                “Wag mo kong kinukumpara kay Karen!.. iba ako sa kanya.. TOTOO ang Beauty ko habang sia puro RETOKE!” nakasimangot na wika nia.

Thousand Years || ViceRylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon